28th Chapter

1.6K 64 8
                                    


Chapter 28


 

BLUE'S POV


 

Kanina pa ako nakatitig dito sa kisame. Nakahiga lang ako dito sa kama ko at tulala. Hindi ako makatulog at gising na gising pa ang diwa ko. Nalala ko na naman ang nangyari kanina.


 

Napahawak ako sa labi ko. Naalala ko na naman ang nangyari kanina. Ang first kiss ko. Kinuha ni Red.


 

Pagkatapos ng kiss ay tulala lang ako. Hindi ko na masyadong naalala ang nangyari kanina. At kung itatanong niyo kung nanalo kami?


 

Opo, nanalo po kami. Nakuha namin ang title na inaasam namin sa pageant na iyon. Ang premyo ay one hundred thousand worth  of pesos para sa charity at fifty thousand pesos para sa aming dalawa ni Red. Hindi lang naman para samin iyon at balak ko sanang ipamahagi sa ibang tumulong para sa pageant upang manalo kami.


 

Nakasagot naman ako sa Question and Answer portion pero aamnin ko, hindi ganoon ka focus ang pag-iisip ko sa parteng iyon ng pageant. Dahilan? yung halik pa rin.


Pupunta kaming dalawa ni Red kasama si Ms. Galvez sa bahay ampunan sa lunes at pinapaliban kami sa klase. Utos iyon ng school director at van ng school ang pinapagamit samin. Babalik din kasi kami kaagad sa school dahil kasama namin si Ms. Galvez para ibigay sa office ng school director ang mga papeles na ipapapirma namin sa head ng ampunan.


 

At dahil sa naiisip kong magkakasama kami ni Red sa araw na iyon, naalala ko na naman ang nangyaring..halik. Mukhang wala akong mukhang maihaharap sa kanya!


 

First kiss ko siya. FIRST KISS. At big deal sakin yun! Well yung sa panaginip ko hindi naman natuloy---WHAT THE! Ano ba 'tong naiisip ko!!


Teka, ako ba ang first kiss niya? Hindi siguro dahil duh, sa sobrang chix magnet nun baka nga madaming nahalikan na yun eh. Pero paano nga kaya kung ako ang first kiss niya-- Ugh!! Ano ba Blue!


 

Tumagilid ako ng higa at pumikit ng mariin pero naputol ng marinig ko na nagri-ring ang cellphone ko. Inabot ko ito at napaupo ako ng makita kung sino ang tumatawag.


Si Red. Ohmygods!


 

Napahigpit ako ng pagkakayakap sa unan bago sagutin ang tawag.


 


"H-hello.." at bakit ako nauutal? "Uhhm.. Red?"


 


"Hey.." ako lang ba o ang hot ng boses niya sa telepono "Did I wake you up?"


 


Hindi.. kasi hindi pa ako natutulog. Ala una na pero hindi pa din ako natutulog at kailangan ko pang gumising ng maaga dahil magsisimba kami nila mama bukas na mamaya pala.


 


"H-hindi naman" utal pa, Blue "Bakit ka ba napatawag? Madaling araw na ah"


 


"Yeah, it's dawn and you are also awake" komento niya.


"I can't sleep"  dagdag niya. Kahit hindi ko siya nakikita feeling ko nagpout siya. Hobby niya yun, pansin ko.

Red In Blue (KathNiel) ON-HOLD!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon