51.

7.6K 184 2
                                    

Magulong magulo ang isip niya.Hindi nanaman siya makapagconcentrate sa trabaho niya.Bumalik na siya sa dati niyang amo ng walang inaalala lalo na ngayong malinaw na sa kanya ang lahat.Ang isusunod niya ay ang karapatan niya para sa anak.
Hanggang ngayon isang linggo na ang nakakalipas ay wala paring balita kay Mark.Alalang alala na siya para rito gayun din ang sariling ina at si Ate Lorna.
Masama narin ang pakiramdam niya sa ilang araw na walang tulog at pag iisip.Hibdi nga siya nagkamali ng hinipo niya ang leeg.Nagpasya siyang magpaalam at pinayagan naman kaagad siya.Nagulat pa nga siya ng sabihin nitong magbakasyon muna siya na sukat niyang ipinag alala dahil alam niya ang magiging kapalit ng bakasyon ay wala siyang kikitain.
Mukha namang nabasa nito kaagad ang iniisip dahil bigla itong nagsalita.

"With pay iyon iha huwag kang mag alala."

"Talaga ho?"

"Ah,e,siyempre pa,dahil mukha ka talagang may sakit.Mahirap na at baka bigla akong mawalan ako ng masipag at maasahang empleyada.Sige na pwede ka ng umuwi."

"Paano po iyan,sino po ang pansamantalang hahalili sa akin?"


"Huwag kang mag alala iha.Ako ng bahala para doon."

Pagbaba niya ay dederetso na sana siya sa labas ng makita niya ang lalaking naglalakad pasalubong sa daraanan niya.Inignora niya ito at medyo lumayo ng daan upang isipin nitong hindi niya ito napansin.Yumuko siya upang hindi niya makita ang mukha nito ngunit nakakita parin siya ng dalawang pares ng mga sapatos na kulay leather brown na nakaharang sa daraanan niya.

"I can feel that your'e avoiding me."

Itinaas nito ang kanyang mukha hawak ang baba niya na agad niyang iwinaksi at tinitigan ito ng matalim at nagpatuloy siya sa paglakad.

"Can we talk.pls!"

Patuloy parin siya sa paglakad at naramdaman niyang sinusundan parin siya nito.

Naramdaman niyang hinuli nito ang braso niya at hinarap siya.

"Pwede ba tayong mag usap kahit sandali lang?"

"Wala na tayong dapat pag usapan,hindi ba sinabi ko na ayaw ko ng makita muli ang pagmumukha mo?!"

Nakita niya ang nagsusumamong mga pares  ng mata nito na nakatunghay sa kanya.

"I know.Pero hindi ako titigil hanggat hindi ako nakakabawi."


"Wala na akong pakeelam sa bawi na sinasabi mo.!"


"Sabihin mo Luisa kung paano akong makakabawi sa lahat ng ginawa ko sa iyo.Sa inyo!"



"Layuan mo ako.Diyan ka makakabawi at huwag ka ng magpakita pang muli."

Saglit itong natigilan at may nakita siyang saglit na lungkot sa mga mata ng lalaki.


Nagpatuloy siya sa paglalakad at iniwan ito.

Hindi pa man siya nakakalayo ng makaramdam siya ng matinding pagkahilo hindi na niya alam kung paano siya bumagsak dahil nagdilim na ang kanyang paningin.


Nagising siya na si Matt ang nabungaran.Bigla ang naging pagbangon niya ng makita niya ang nag aalang mukha nito.


"D-Dont move!"

Sabi nito sa kanya at pinilit siyang inihiga ulit.


Wala naman siyang nagawa at pinabayaan niya na lang ang lalaki.

KILLING ME SOFTLYWhere stories live. Discover now