32.

7.4K 181 2
                                    

Pagkatapos niyang mapahiya ng gabing iyon pagsisihan man niya ngunit nagawa na niya.

"Are you ok?tell me,paano kita matutulungan?"
Ang tanong sa kanya ni Mark na awang awa sa kalagayan niya.

"Just,stay by my side."
Inihilig niya ang ulo rito.Ewan ba niya,sa tuwing nasa tabi niya ang lalaki'y pakiramdam niya ay panatag na panatag ang kanyang kalooban tulad na lamang ngayon.

Mula sa pagkakahilig niya sa leeg ng lalaki ay naramdaman niyang itinaas nito ang kanyang baba at tiningnan siya ng deretso sa mga mata.

"I know that this is not the right time to ask you this,but i have to.Gusto kitang maprotektahan sa lahat ng ito.Gusto kitang damayan at alagaan."

Kahit mukhang alam na niya ang ibig nitong sabihin ay hindi parin niya maiwasang hindi mabigla.

"Ano kaya kung magpakasal na tayo?para magkaroon na ako ng legal na karapatan sa iyo?para naman hindi lang ikaw ang magdedesisyon?"

Sinalubong niya ang mga titig nito at kasunod ang kanyang ngiti.

"Whoa! Ano-ng?what? What's that supposed to mean?"

"Teka!teka pumapayag ako,pero bigyan mo muna ko ng panahon.Huwag muna sa panahong ito.Sana maunawaan mo."

"I will,I will,maybe next month?or maybe,until you have your son.Our son."

Tumango siya sa huling sinabi nito.

Napag isip isip niya kagabi na hayaan muna sa ama nito ang bata habang hinihintay niya ang susunod na iuutos nito.Hindi naman siguro nito ilalayo sa kanya ang kanyang anak taliwalas sa iniisip nito sa kanya.
Ngayon niya lang napagiiisip na takot itong mapalayo sa anak.Dahil sa panahong ito ang bata nalang ang magsisilbing pag aari nito dahil ulila na ang lalaki sa mga tunay na magulang.

Iuurong niya narin ang kaso laban dito.Ang kanyang kaibigan kahit na hindi nagsasalita ay alam niyang kailangan din siya nito dahil sa traumang dinanas,siguro'y hindi lamang siya masabayan nito dahil alam ng kaibigan niya ang hirap na pinagdadaanan niya ngayon,base sa ilang araw na hindi ito nagkikikibo.

Kinabukasan ay halos madapa siya sa opisina ng tumunog ang kanyang telepono.
Para siyang binunutan ng tinik ng marinig niya kung sino ang nasa kabilang linya.

"Babaligtarin natin ang roleta sa pag ikot."

"A-Anong ibig mong sabihin?"

"Kagaya ng gusto mong mangyari.Mapapasa iyo ang bata sa isang kundisyon."

Kahit tila may nakabarang kung ano sa kanyang lalamunan ay pilit niyang nilalakasan ang loob na magtanong.
"Mananatili na muna sakin ang bata.At ikaw!ang siyang dadalaw sa anak mo upang maalagaan siya.At huwag kang magkakamaling gumawa ng hakbang na hindi ko magugustuhan.Ikaw rin,mapipilitan akong ilayo ang anak ko sa iyo!"

May magagawa ba siya?siguro'y kahit pa sabihing gagawin siyang alipin nito ay hindi siya magdadalawang isip na tanggapin, alang alang sa kanyang nag iisang anak.

"P-pumapayag ako sa gusto mo."

"Good!.Tuwing sabado at linggo mo lang siya pwedeng dalawin."

"P-pero."

"Sabado at linggo lang.Hindi mo ba ako narinig Luisa?"

"O-Ok."

Pinaghalong kaba at pananabik ang nadarama niya habang nagbibihis upang puntahan ang anak.Nais sana siyang samahan ni Mark ngunit hindi siya pumayag.Hindi niya kasi alam kung ano ang kahihinatnan ng pagdalaw niyang ito sa anak.
Dahan dahan siyang pumasok sa loob ng unit ng lalaki.Isa sa mga ipinadala nito ay ang duplicate key ng bahay.Mukhang malinis at maayos naman ang puting puting kabahayan.Ito pala ngayon ang tinitirhan nito.Inilibot niya ang paningin sa buong paligid.Mukhang ayaw masyadong maraming gamit ng taong nakatira rito bagay na hindi na niya pinagtatakahan.Very spacious ang lugar naroon lamang sa pinakagitna ng sala ang isang malaking sofa na may home theater at 100 wide uhd tv. Na puro black ang kulay katerno ng black ding sofa at kulay black na feathery carpet.

KILLING ME SOFTLYWhere stories live. Discover now