23.

7.4K 177 2
                                    

Dumating na ang sandaling kanyang kinatatakutan.Ang mawala sa kanya ang pinaghirapan ng kanyang ama.Ang tanging natira buhat sa pagod at pawis nito ay ang bahay na siyang tinitiran niya ngayon.Ang iba kasing ariarian nila ay kasamang nailit ng bangko.
May nailaang pera ang kanyang ama sa kanyang bangko na siyang gagamitin niyang panimula.Tatlong buwan buhat ng nangyari ang pagtataksil ng kanyang kapatid at ng lalaking kanyang minahal.Magbuhat noon ay wala na siyang balitang narinig sa mga ito.O mas tamang sabihing ayaw niya ng makinig.

Pilit man siyang binabalitaan ni Marie ay siya na mismo ang nakiusap dito na itigil na ang ginagawa.Ang kanyang kapatid naman ay parang gaya ng dati na naglaho ng parang bula.Handa naman niyang patawarin ito sa nagawa sa kanya dahil kung ang Diyos nga ay nagpapatawad siya pa kaya na nilikha lang niya.Ngunit kinakailangan niya siguro ng mahabahabang panahon upang lubos na makalimot.

Nasan na kaya ito ngayon?Saka siya nagsisi dahil siguro sa sobrang abala nila noon sa pag ahon ng kanilang naluluging business ay may ilan siyang mahalagang bagay na hindi naitanong dito,gaya ng kung saan ito nakatira.Kung tutuusi'y kaya niya namang magpaimbestiga ulit, kaya lang ay hindi na muna sa ngayon.Hahayaan niya munang maghilom ang sugat ng nakaraan upang makabangong muli.

Habang nag iisip ay biglang kumirot ang puson niya,ngayon lamang dumapo sa isipan niya na magtatatlong buwan na pala siyang delayed marahil dahil sa sakit niya kaya nakakaramdam siya ng ilang sintomas.Ngayong babangon na siya ay dapat siyang magpalakas dapat siyang lumaban sa hamon ng buhay.bukas na bukas din ay babalik siya sa doctor niya at magpapaopera na siya kung kinakailangan.Gusto niya pang mabuhay ng matagal upang makapagsimulang muli.
Tinawagan niya ang kanyang bestfriend at balak niyang magpasama sa ospital bukas.

Hinanap niya ang test result niya at binuksan ang laman ng table niya.Mula roon ay nakita niya na may natira pa palang picture si Matt na naka frame. Sayang lamang ang inialay niyang pag ibig sa lalaki.Sinaktan siya ng sobra nito.Minsan lang siya nagmahal ay niloko pa siya.

"Makakalimutan din kita.Makikita mo."

Tinanggal niya ang picture nito at sinimulang pagpupunitin at dineretso niya ito sa trash bin na nasa ilalim ng mesa.

Ngayon ay nagiisip siya kung ano ang maliit na negosyong pwede niya muling simulan.Iyong mula sa kakayahan niya naman.

............................

Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o magagalit sa totoong resulta ng kalagayan niya.
Todo despensa ang doctor na tumingin sa kanya.Uso pa ba ito sa panahon ngayon?ang magkapalit ng resulta at ang pagrerecord ng pangalan?
Magdedemanda ba siya?Anong ba itong nangyayari sa kanya?Pero imbes na magalit sa doctor at sa buong ospital ay tila wala roon ang isip niya,kundi nasa batang nabubuhay ngayon sa sinapupunan niya.

"Best,ano ngayon ang plano mo?huwag mong sabihing ipagtatapat mo pa sa lalaking iyon ang kalagayan mo?"

"Hindi ba karapatan niyang malaman ang totoo?"

"Ano best? Anong karapatan?san siya banda nagkaroon ng karapatan sa inaanak ko?"

Napatingin kagad siya rito,kasunod ng pag ngiti nito sa kanya.

"Best naman,..huwag mo ng sabihin sa kanya.Narito naman ako.Tayo,na magmamahal sa kanya.Hindi niya kailangan ng isang amang hindi marunong magmahal at walang pakiramdam."

Napabuntunghininga siya.Nakatingin sa kawalang hinaplos niya ang kanyang tiyan.



.............................

Narito ngayon siya at nakatayo sa elevator papanhik sa itaas kung nasaan si Matt.Hindi niya alam kung sadyang tanga ba talaga siya o masokista upang humarap pa rito.
Bahala na....

KILLING ME SOFTLYOnde histórias criam vida. Descubra agora