26.

7.8K 190 3
                                    

"Anong balak mo ngayon?"

"He's not my son"

"Try to convince yourself first dude!."

Narinig niya ang pagpapalatak nito at pag iling iling.

"Ito baka sakali lang pare ha!,what if na sayo ang bata?what will you do?"

Hindi niya sinagot si Harold at nanatiling tahimik.
Hinawakan at tinapik siya nito sa balikat nya.
Hindi tuloy mapalagay ang isip niya at may kakaibang damdamin ang pilit na bumabangon sa kanyang pagkatao.

...................

Araw araw ay lalong kumu cute ang anak niya.Nagsisimula na itong ngumiti at nakakausap narin.
Si Mark naman ay pormal ng nanliligaw sa kanya.Ayaw man niya aminin ay mukhang nagsisimula ng umusbong ang damdamin niya para rito.Napakabait at maaalalahanin kasi ang lalaki.Mahal na mahal nito ang kanyang unico iho.Pangit man kung titingnan dahil may pinagdaan sila ng kapatid nito na itinuring niyang tunay na kapatid.Patuloy parin siya sa pagpapahanap sa nawawala niyang kapatid.

Naputol ang pag iisip niya dahil mayroon daw siyang bisita na dumating.Sino kaya ang dumating?wala naman siyang inaasahan na darating ngayon dahil nagpaaalam sa kanya si Mark papunta raw ng Cavite dahil mayroon silang exhibit.Ang kanyang bestfriend naman ay siyang nagbabantay ngayon sa isa nilang pwesto.

"Si Marie daw po mam."

Sinagot ng kanyang kusinera ang tanong niya sa isip.
Inutusan niyang papasukin ito.

"Frienddddd!.Grabee lalo kang gumanda."
Tuwang tuwang salubong nito sa kanya.

Nagbesobeso sila nito.

"Anong ginagawa mo rito at naligaw ka?"
Takang taka niyang tanong rito.

"Ano kaba!nag file ako ng leave kasi nagkasakit ang kapatid ko at walang mag aalaga.E kahapon dumating na ang ate at matatapos na sa susunod na araw ang leave ko kaya naisipan kitang daanan. Totoo palang mayaman ka.Ang ganda at ang lawak ng lupain nyo rito sa Quezon."

"Hindi naman..halika maupo ka!kumain ka naba?"

"Diyos ko friend yan naba iyon?kailan kapa nag asawa?"

"Hindi pa ako nag aasawa."

"You mean hindi pa kayo nagpapakasal ng guy?"

"Naku mahabang kwento.Saka nanatin pag usapan yan."
Sabi niya rito.

"Ikaw naman kasi ni wala ka man lang kabalibalita mula ng huli tayong mag usap.Friend pwede ko bang makita ang inaanak ko?pakarga narin."

Napangiti siya sa sinabi nito.

"Nakuuuu! Ang cute cute namannnn..nakakagigil."

"Oy babae,ngayong narito kana e dito ka narin matulog ha! Para makilala mo naman ang kaibigan ko."

"Abay oo naman siyempre.Pagbibigyan kita.Ngayon pa na marami kang dapat ipaliwanag sakin.Tulad nalang na bakit hindi kapa nagpapakasal."

Ang tagal din nilang nagkausap ni Marie at kahit anong iwas niyang huwag nitong banggitin ang lalaki ay ikinuwento parin sa kanya.
Hindi parin daw ito nagbabago at lalo pang lumala buhat ng magkahiwalay sila.
Ito narin halos umasikaso sa anak niya.

Kinabukasan ay nagkakilala narin ito at ang kaibigan niya sa wakas.Si Mark ay nakilala
Narin nito.Pagkatapos ng mahabang kwentuhan ay nagpaalam narin ito.

"Yun pala si Marie?"
Narinig niyang sabi ni Blessie.

"Yeah."

"Mukhang may kakaiba sa kanya."

KILLING ME SOFTLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon