49.

7.6K 191 4
                                    

Mag aalas singko na ng magising siya.Matapos maligo at maghilamos ay bumaba na siya upang mag almusal.Bumangon siya ng mas maaga dahil hindi niya alam kung anong oras darating daw ang susundo sa kanya.

Nasa ibaba narin ang mag ina.Nagluluto ang ina ni Mark at ang lalaki'y nagkakape na rin parang alam na niyang balak ng mga ito na sabayan siya sa kanyang pag alis.

"Hey sweetheart gising kana pala.Halika na at dalawa itong kape na tinimpla ko."

Ngumiti siya rito at ang kanina pa niya hinahanap na isang maleta ay naibaba na pala nito.

"Siya mga naman iha kumain kana."

"Good morning po sa inyo!"

Sinalubong siya ng halik ng katipan.

"Ito lang ba talaga ang dadlhin mo?"

Tanong sa kanya ng nobyo.

"Iyan na lang naman ang gamit kong matitino eh."

Biglang nag karoon ng ulap sa mga mata nito.
Alam niyang naaawa ito sa kanya ngunit wala lang magawa alam kasi nitong anak na niya ang pinag uusapan.

Nag umpisa na silang kumain ng almusal ng biglang may kumatok sa pinto.Sumenyas ang ina ni Mark na ito na ang magbubukas ng pinto,kaya naudlot ang tangka niyang pagtayo.

Masyado naman yatang maaga ang inutusan nitong magsundo sa kanya.Bago bago palang pumuputok ang araw ah?!.

Itinuloy niya ang pagkagat ng tinapay at nagsimula na muling kumain.Sinilip niya mula sa kanilang kinakainan ang dumating.

Nagulat siya ng malaman kung sino ang nakatayo sa pintuan at madidilim ang mga matang nakatingin sa kanila ni Mark.
Nakita ni Mark ang ekspresiyon niya kaya agad itong pumihit patalikod at tulad niya ay hindi rin nito inaasahan na mabubungaran ang mukha ni Matt na animo'y galit na galit sa kanila.

Ang ina naman ni Mark ay tulala sa pinto na nakatingin sa bagong dating.
Dali dali siyang tumayo na ang layunin ay pumagitna dahil nakaka amoy siya ng hindi maganda.Matagal na kasing nagkakairingan ang dalawa.

"Kaya pala nahirapan kang mag isip ng desisyon dahil kasama mo pala ang lalaki mo!Kailan pa?"

Nagulat siya sa mga sinabi nito sa kanila at sa naging asal nito ngayon.Wala ba sa katinuan ang lalaki at hindi nito nalalaman ang mga sinasabi?

"And who do you think you are?!"

Nabahala na siya ng biglang nagsalita na si Mark at tulad ng isa ay nagbabaga narin ang tingin sa isa.

"You dont know anything to interfere!"

Sabi ni Mark na ngayon ay nakalapit na.Mabilis naman ang naging aksiyon niya dahil nasa gitna na kaagad siya ng mga ito at nakadipa na ang magkabila niyang kamay.

"Why not?Im her fiance so I have all the rights!"

Lalo yatang nanggigil ito sa sinabi ng kanyang nobyo dahil nagumpisa ng kumuyom ang mga palad nito na lubos niyang ikinatakot.

"Kung sino man ang taong walang karapatan dito ay ikaw iyon!"
Kasunod na sabi ni Mark.

"Ako ang ama ng anak niya!"

"But not her man!you're the reason why she's in this mess!hindi ba ibinibintang mo sa kanya ang nagawa kamo ni Tito Luis na wala namang basehan?Hindi ko malaman sa iyo Mr Cordova kung bakit narito kapa at nanggugulo gayong na sa iyo na ang kanyang anak!kulang paba?!"

KILLING ME SOFTLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon