25

7.9K 204 1
                                    

Feb.28 1990.

If i could turned back the hands of time,i will do so.One of my best friend comitted suicide because of me.I hated myself because of my cruelness .I didnt give him another chance that day, when he begged with his feet.Until now I feel the eyes of that boy besides him who is innocent of what was happening and also begged me with those eyes
.Was it because of my cleverness because I want to make sure that I will not put the future of the company at risk with the hands of a man who's always in trouble because of his addiction of gambling?Or is it the fact that some of our business collided because of him?
Hindi ko alam kung ano ano pa ang mga kinatatakutan kong mangyari.Marami ang umaasa sa kumpanya tulad nila na gumagapang noon sa hirap.Ayaw niyang maulit iyon ng dahil lamang sa kapabayaan ni Steeve.
Huli na.Huli na para magsisi at magbayad sa inaanak ko.Dahil hindi ko na siya naabutan sa bahay ampunan.Kung nasaan man ang batang iyon ngayon,sana ay masuklian ko ang naging pagkukulang ng kanyang ama at ang mapatawad niya rin ako.Sana,,sana magkita pa kami ng aking inaanak.

Naging pala isipan sa kanya ang mga sinulat ng kanyang ama.Nagkaroon ba ng atraso ito noon?naguguluhan siya.Ipinagpatuloy niya ang pagbabasa ngunit puro hindi niya kilala ang mga taong tinutukoy doon.
Itinigil niya muna ang pagbabasa dahil hindi siya makakuha ng sagot sa diary ng kanyang ama.

........................

"Nako best,nakakahalata na ko Diyan sa lalaking iyan ha.Nanliligaw ba sa iyo iyan?:

"Grabe ka naman! Ako liligawan? May buntis bang nililigawan?

"Oo naman.Ikaw!!!"

"Ikaw nga tigilan mo ko,kung ano ano ang napapansin mo."

"E talaga naman eh,paano mong sasabihing hindi nanliligaw e panay ang dalaw at dala ng kung ano ano rito.E dati ko pang nahahalata iyan me gusto sa iyo eh,kung hindi ko nga lang alam na niloko ka ng kapatid niyan e,baka ulukan pa kitang sagutin iyan.Ang gwapo eh."

"Shhhh! Huwag kang maingay at baka marinig ka."
Sinaway niya ang kaibigan.Naroon sila ngayon sa kusina at naghahanda ng kakainin.

Kauuwi lang kasi nila kanikanina lang galing trabaho at ngayon ay kunyaring pinanonood nila si Manang Chandra sa pagluluto na kanina pa ngingiti ngiti sa kanila.Paanoy hinatak siya sandali ni Blessie sa kusina upang siyasatin siya.

"Alam ko na iyang mga banat na ganyan.Ganyan ganyan din ang mga manliligaw ko.Nagsimula sa puro ganyan."

Tawa siya ng tawa sa mga pinagsasasabi nito ng biglang parang kumikirot ang tiyan niya.Kanina pa niya iyon nararamdaman ngunit kapag nawawala ay nalilibang narin siya.
Napakapit siya bigla rito.

"Alam mo ba best nong panah---."

Bigla itong tumigil ng mapunang nakangiwi na siya.

"Bakit best?wag mong sabihing? Oh my Godddd! Teka lang!,teka lang!tekaaaaaa!!!

Humahangos na Mark ang nagbitbit sa kanya.Naalarma siguro ito sa sigaw ng kaibigan niyang mukang engot na nagsisigaw at natataranta sa kanya.

Habang nasa kotse sila ay panay ang piga niya sa braso ng kaibigan at panay ang ihip niya.Sinamahan niya narin ng dasal dahil sa takot na baka mapapano silang mag ina.

"Best pigilin mo.Pigilin mo muna,malapit na tayo.Huwag kang manganganak dito baka himatayin ako."

Ilang minuto lang ay nakarating na sila.Ikinarga kaagad siya ni Mark sa strecher.Mabuti nalang at buo ang loob nito,dahil wala siyang aasahan sa kaibigan niya na talo pa ang manganganak nito sa pagpapanik.

Habang nakahiga siya ay panay ang buga niya ng hangin.Bigla siyang natigilan ng magtama ang mga mata nila ng lalaking nakatayo malapit sa information. Nakakunot ang noo nito na titig na titig sa kanya at sa malaki niyang tiyan.Ilang segundo lang iyon pero parang tumigil ng mahabang oras ang mundo niya.

Pagtingin niya sa dalawa ay kanina pa pala ito nakatingin sa kaniya.Mukhang hindi lang siya ang nakakita sa lalaki dahil maliwanag pa sa sikat ng araw ang nakikita niyang reaksiyon sa mga mukha ng mga kasama niya.

"O best huwag kang papaapekto sa demonyong iyon ha! Ipagpalagay na lang natin na hindi natin siya nakita."

Sa oras na ito ay wala siyang pakeeelam kahit si San Miguel pa ang makita niya.Ang mas umaagaw ng pansin niya ay ang teribleng sakit sa kanyang balakang.Ang kamay niyang isa ay mahigpit na hawak ni Mark.

Ilang oras din siya sa delivery room ng sa wakas ay nakita niya narin ang baby niya.Hindi niya napigilan ang kanyang mga luha,kasabay ng lungkot ng makita niya ang kanyang anak na sa kasamaang palad ay kamukha ng ama nito pati ang kulay ng mga mata.Pagkatapos ay nilamon na siya ng kadiliman dahil sa sobrang pagod at hirap.

"Nakuuu best',ang cute cute naman ng baby mo grabe.Ang puti puti.At kamukang kamuk---.Never mind,basta cute siya! Ang taba taba at ang laking bata.Kaya ka siguro nahirapan."

"Pwede ko ba siyang buhatin?"
Paghingi ng pahintulot ni Mark na mukhang di rin mapigilan ang sarili.
Hindi na hinintay nito ang sagot niya at tuluyang binuhat ang bata.

.........................

Papalabas na sila ng hospital, siya ay naka upo sa weelchair at ang kanyang anak ay bitbit ni Mark na balot na balot sa kulay powder blue na pambalot sa sanggol.
Ang kanyang kaibigan ay panay ang daldal habang nakalingon siya rito dahil pag nagkukwento ito ay mas gusto nitong nakatingin karin sa kanya.Kaya saglit siyang natigilan ng bigla itong huminto sa pagdadaldal.

Sumimangot ito ng todo kaya dahan dahan siyang dumeretso ng tingin at nakita niya si Matt na nakatingin sa kanila.Partikular sa kanya.Tulaktulak nito si Harold na naka weelchair din at nakabenda ang kamay alanganing ngumiti si Harold sa kanya.
Para silang nasa isang malaking telon na saglit na na freez.Ni isa sa kanila ay walang nagsalita.

Nabasag lang ang pagkakapako nilang lahat ng magsalita ang nurse na nagtatawag ng doctor sa mikropono na narinig ng lahat.
Itinuloy ng kanyang kaibigan ang pagtutulak sa kanya,gayon din ang paglakad ni Mark.
Nagtaka siya ng mula sa harapan bandang kaliwa niya ay pumihit pakanan si Matt kung saan naroon si Mark.Parang slow motion sa pelikula ng magdaan sa gilid ang magkaibigan ay tumigil ito sa mismong tapat ni Mark at Pilit sinisilip ang sanggol kahit hindi naman kumikilos ito.
Si Mark naman ay nakahalata at Binilisan ang lakad na pinipilit ding itago ang sanggol sa pamamagitan ng pagtatakip nito ng pambalot bahagya sa mukha ng kanyang anak.
Kaya parang natauhan din ang kanyang kaibigan.Mabilis din siyang itinulak nito kasabay ni Mark upang ganap na silang makalayo sa lalaki.

Para siyang masisiraan ng bait ng hindi niya makita ang mukha ng sanggol.Gusto niyang pagsasapakin ang lalaking iyon kanina.At ang babaeng hinding hindi niya makalimutan.Ang buong akala niya ay walang kakayahang mag anak ang isang iyon?ngunit bakit?paanong?sila parin palang dalawa ng lalaking iyon hanggang ngayon.Hindi siya mapakali.Sumakit ang ulo niya sa eksenang iyon kanina.

"Ano pare?sumasakit na ang pwet ko rito kauupo at kahihintay sayo kung kelan mo ko itutulak.Ano?kakamayin ko nalang ba ang pagtutulak?sabihin mo lang!."
Lalo siyang nainis,Dahil halatang inaasar siya nito.

"Oo 'wag mong kamayin dilaan mo!"
Sabay sipa niya sa gulong ng weelchair nito.

Halos maihi ito sa katatawa na lubos na ikinainis niya.

KILLING ME SOFTLYWhere stories live. Discover now