38.

7.1K 157 2
                                    

Isa isa niyang dinampot ang mga pinagbihisan habang lumuluha dahil sa ginawa sa kanya kagabi ng lalaking iyon.Mabuti at pagkagising niya kinaumagahan ay wala na ito sa tabi niya.
Isinuot niya ang mga pinagbihisan at agad na sinilip ang natutulog pang anak sa malaking crib nito.Nakita niyang nag inat ang anak niya at dumilat sabay ngumiti sa kanya.

"Mama"

Hindi niya napigilan ang sarili na yakapin ito ng mahigpit.Siya namang katok sa pinto at sumilip ang nanny nito.

"Its ok ako na ang magbababa sa kanya."
Narinig niya ang papaalis na yabag nito.

Ibinaba niya ang kanyang anak.Nakita niyang naroon ang ginang at naghahanda ng mesa.

"Gising kana pala iha.Hindi na muna kita ginising kanina dahil alam kong pagod ka.Siya nga pala maagang umalis si Matt.Nagmamadali."

Kinuha nito sa kanya ang anak.
Gusto niyang umiyak at magsumbong dito ngunit hindi niya magawa.Ano pa ang silbi?hindi nga ba at nakiusap pa ito na unawain pa ang lalaki?Bakit sa kabila ng pag iwas niya rito ay parang multo itong laging nakaabang sa kanyang pag iisa?Noong una ay hindi siya pansin ni Matt,ngunit ngayong halos ayaw niyang matingnan man lamang nito ay para itong nananadya na ilapit ang sarili sa kanya.Ano nga ba ang inaasahan niya sa katulad nitong walang awa?

.....................................

Kung dati'y todo ang pag iwas niya kay Matt.Ngayon ay dinoble niya ang pag iingat.Nagsisimula ng magtanong sa kanya ang Mama ni Mark at kaunti nalang ay mauubusan na siya ng dahilan.Ano kaya kung sabihin niya na rito ang katotohanan?

"Alam ko na ang iniisip mo best.Nahihirapan kana rin no?"

Napahugot siya ng malalim na hininga at napahawak sa noo.Masakit na ang ulo niya at tila sasabog na ito sa mga problemang kinakaharap niya.

"Ano sa palagay mo?Sabihin ko na ba?"

"Ang mabuti pa ay sabihan mo na muna si Mark, para naman maintindihan ka rin niya sa magiging desisyon mo.Kasi ba naman,sino ba naman ang magdidiin kay Mar-?k,,teka!hindi kaya si--?"
Sinalubong siya ng tingin nito.

Malungkot siyang napatingin rito.

"My God!best!bakit hindi mo ito sinabi sakin?shit!!!..kailan ba titigil ang lalaking iyan?kelan ka niya titigilan?hindi ba sinunod mo na lahat ng gusto niya?ano paba?"

"H-hindi ko na alam ang gagawin best."

"Anong hindi mo alam?anong sabi niya?ano raw ang gusto niyang mangyari?oh my."

"Hindi ko pa siya kinakausap.Natatakot ako."

"Bakit ka matata-?,,God!may nangyayari bang hindi ko nalalaman?
Kunot ang noo nitong sinibat siya ng tingin.

Nagbaba siya ng tingin.

"Bakit napakawalang puso niya?bakit ka niya ginaganyan?kailangan bang umabot lahat ito sa ganito?"
Nanlalambot itong niyakap siya.

"Best hindi pwedeng ganito,kailangan kausapin mo siya.Gusto mo ba samahan kita?"

Umiling siya rito.Kilala niya ang kaibigan.Masyado itong matapang baka kung ano lang ang gawin nito.

...........................................

Sa opisina ng lalaki.

"What brings you here?"

Sumandal ito sa swivel chair na kinauupuan nito.Habang siya ay nakatayo lang at nakatingin rito.

"Now what?my time is so precious to be wasted."

KILLING ME SOFTLYWhere stories live. Discover now