13:MISCHIEF

8.6K 192 8
                                    

Pagkatapos ay isinama siya nito sa isang lugar na kung saan ay parang paraiso sa ganda.Nagagalak ang kanyang puso dahil nasorpresa talaga siya sa nakita.
Akala niya ay simpleng business trip lang ang mangyayari subalit mukhang may iba pang plano ang lalaki para sa kanya.

Nakapagpalit na siya ng bihisan pampaligo dahil bukod sa ganda ng lugar ay maganda rin at umiilaw sa liwanag ng buwan ang imahe ng karagatan.
Nakita niyang nakaupo ang lalaki malapit sa bonfire sa tabi ng dagat.Pinagmasdan niya ito buhat sa likuran.Napaka kisig ng lalaki kahit sa malayo ay takaw pansin.
Mabuti na lamang na silang dalawa lang ang naroon.Hindi niya kasi masasabing hindi ito puputaktihin ng mga babae dahil alam niya ang karisma nito.

Dahan dahan siyang lumapit rito at niyakap ito buhat sa likuran.
seryoso lamang siyang nilingon ng lalaki.Bagamat napahiya sa kanyang ginawa ay hindi siya masyadong nagpahalata tila ba napakalalim ng iniisip nito at hindi man lang napansin ang kanyang kasexyhan sa suot niyang two piece black bikini.Sinadya pa naman niya iyon dahil sabi ng mga kaibigan niya ay maganda raw ang kanyang katawan,pwede nga raw siyang sumali sa binibining pilipinas na tinawanan lamang niya.

Tahimik na lang siyang umupo sa tabi nito,naka trunks ang lalaki kayat iniwasan niyang mapasulyap sa gawing iyon.

"Hindi ba tayo maliligo?"
Nahihiyang sabi niya.

"For once in your life, had you experience something tragic?."
Imbes na sagutin ang kanyang tanong.

Nakaramdam naman siya ng kasiyahan at pagmamalaki sa sarili dahil ito ang hinihintay niyang pagkakataon.Ang malaman ang pagkatao ng taong mahal.

"No.Why?Had you?
Sagot naman niya sa tanong nito.

"Once."

"Oh,im sorry."
May bahid ng pagka awa sa kanyang boses.

"And it has change my entire life living in misery and all this time waiting for the right time to take revenge for those who are responsible of what had happened.And i am certain that they are going to regret every minute of it."

Sinalubong siya nito ng tingin pagkatapos sabihin iyon.

Hinawakan niya ito sa braso upang ipadama na narito lang siya.Ewan niya kung bakit nakaramdam siya bigla ng kaba at takot sa dibdib.Nagulat na lang siya ng bigla siyang buhatin nito at pagkatapos ay hinagis sa dagat.Aaminin niyang medyo nasakatan siya sa ginawa nito lalo na ng makainom siya ng tubig alat dahil sa hindi inaasahang gagawin nito sa kanya.Kakawagkawag siya bago siya nakahuma.Nagtataka siya ng makita niyang nakatingin lang ang lalaki at mukhang walang planong tulungan siya kaya siya na ang lumapit dito.Nang nakalapit na siya ay saka naman nito iniabot ang kamay upang tulungan siya.

''Let's go Im starving.''

Ang narinig niyang sabi nito.

Nanghihinayang siya dahil ang akala niya ay mag lulunoy pa sila sa tubig ngunit wala naman palang balak yata itong maligo kahit nakapang damit panligo na.Tumuloy na sila sa isa sa malaking kainan sa resort na iyon.Pawang mga seafoods ang karaniwang nasa menu.HInayaan niyang ang lalaki ang umorder ng kanilang kakainin dahil mukhang kabisado na nito ang masasarap na pagkain doon.Sa tingin niya ay dati ng nagpupunta roon ang lalaki.Ilang babae na kaya nito ang nadala nito rito?.

Pagkatapos ay umorder ito ng mamahaling alak.Hindi niya lang masabing hindi naman talaga siya umiinom ng alak.Mahina ang tolerance niya rito at madali siyang malasing.Pero nahihiya naman siyang tumanggi.Bahala na,sa isip isip niya.Kahit hindi sila nag uusap buhat ng kumain at uminom ay panay lamang ang tingin sa kanya ng lalaki,na lubos niyang ipinagtataka.Panay lamang ang salin sa kanya ng alak kahit hindi niya alam kung napupuna nito na inuunti unti niya ang paglagok,at alam niya rin namang hindi niya rin maitatago ang kanyang pamumula dahil kahit isang lagok lang ay kumakalat na ang pamumula niya mula ulo hanggang paa.Nang hindi na siya halos makamulat ay tumigil na ito sa pagsasalin.

Gusto man niyang magbuka ng bibig ay hindi niya magawa.HInihintay niya paring magsalita ang lalaki ngunit puro tingin lang ang ginagawa nito sa kanya.Hanggang sa tuluyan na siyang mapapikit.

Paggising niya kinaumagahan ay masasakit ang kanyang katawan lalo na ang pinakamaselang bahagi ng kanyang pagkababae.Hubad rin siya sa ilalim ng kumot.Alam niyang meron siyang kakaibang pakiramdam na may nangyari sa kanya.Iinot inot siyang tumayo at ang unang hinanap ng kanyang mga mata ngunit naikot na niya ang buong silid na inuokopa nila ay wala parin ni anino ng lalaki.

Hindi niya alam kung matutuwa siya o malulungkot dahil sa nangyari.HIndi niya man lang naramdaman ang isang espesyal na sandali na mangyayari sa isang babae.Pero lolokohin niya ang kanyang sarili kung sasabihin niyang wala siyang nakakapang kasiyahan sa kanyang damdamin.Lalo na't nakaulayaw niya ito sa buong magdamag.Sayang nga lamang at wala siyang naalala kahit kaunti sa mga nangyari kagabi.Ang ginawa niya ay naligo at nagpalit ng damit,upang hanapin ang lalaki.Ilang oras pa siyang naghahanap ngunit napagpasyahan  narin siyang tawagan ang telepono ng lalaki.ILang beses niya ng sinubukan ngunit nag riring lang ito ng nagriring ngunit walang sumasagot.

Kaya ang ginawa niya ay nagtanong na siya sa information at doon niya nalaman na kanina paraw nag check out ang lalaki.Nagtataka siya bakit iniwan siya nito ng hindi man lang nagpapaalam.

Maghahapon na ngunit wala paring Matt na nagpakita sa kanya.Naghintay siya roon sa pag asang susunduin siya ng lalaki,ngunit tila nakalimutan na siya nito.

''Hindi kaya may biglaang lakad ito at hindi na siya pinagkaabalahang gisingin?''ngunit bakit hindi man lang nag iwan ng note ang lalaki upang hindi siya nag aalala rito.

Nagpasya na siyang mag ligpit ng kanyang mga gamit at nagdesisyong umalis na sa lugar na iyon.Bago siya umalis ay hindi niya napigilang tapunan ng tingin ang kamang may bahid ng dugo,tanda ng kanilang pagmamahalan kagabi.Tatawagan niya sana ulit ang lalaki ngunit may naunang tawag na pumasok sa kanyang cellphone.

Pagkarinig ng mensahe ng tawag ay kusang bumagsak ang cellphone niya sa sementadong sahig.

''Nooooooo....!!!

Naramdaman niya nalang na tinutulungan siyang tumayo ng ilang taong nakakita sa Pagkakabagsak niya rin sa sahig kasabay ng kanyang nabitawang telepono.Sunod sunod ang patak ng kanyang luha na nauwi sa hagulgol.PInagkakaguluhan na siya ng mga tao dahil sa naging hitsura niya,ngunit para siyang bingi na walang naririnig sa mga itinatanong ng mga ito.

Hindi makagalaw ang kanyang katawan na sa sandaling iyon ay manhid.

"Oh,God."

KILLING ME SOFTLYWhere stories live. Discover now