8:HOPE

8K 212 3
                                    

Nanginginig ang buo niyang katawan paglabas na paglabas niya.
Hindi siya makatingin ng derestso dahil inaaalala niya ang kanyang hitsura kahit pa may suot siyang blazer ay hindi parin maitatago kung ano ang nangyari sa loob.

Naririnig niya ang mahinang bulungan habang naglalakad siya pabalik sa desk niya.
Agad siyang nilapitan ng kaibigan at hinimas sa likod.Unti unti rin nitong itinali ang buhok niyang gulo gulo.

"Ano ba ang nangyari? Mabuti pa ay umuwi ka muna.Ako na ang bahalang mag paalam sa iyo kung hahanapin ka."

Tumango lamang siya sa sinabi nito.

Pag uwi niya ng bahay ay doon niya lamang naramdaman ang bigat at sakit ng buong katawan.Muntik niya pang maisuko ang sarili sa pangit na sitwasiyon.Sigurado siyang kahit magmakaawa pa siya at maglupasay ay hindi na siya nito muling patutungtungin muli roon.
Sa isiping iyon siya lubusang napaluha.

Ang una niyang ginawa ay tinawagan ang kanyang papa.Pinaalam rito ang balak niyang pag uwi.Ibibilin na lamang niya kay Marie ang pagliligpit ng kanyang gamit sa opisina.Ngayon niya na tinanggap ang pagkatalo.Akala pa naman niya pag inamin niya ritong isa rin siyang heredera ay magbabago ang pagtingin nito sa kanya.Ngunit nagkamali siya.

Inihanda niya ang ilang gamit.Hindi naman niya planong tuluyang umuwi ng walang napapatunayan.Magpapalipas lamang siguro siya ng kabiguan .Siguro ay makikipagsapalaran nalang siya sa ibang kumpanya,marami pa naman diyan.
Buong gabi siyang lumuluha magang maga ang mga mata niya kahit hindi niya nakikita.Ilang beses na siyang tinatawagan ni Marie ngunit sa oras na ito ay ayaw niya munang maistorbo.

Ibaba pa lamang niya ang gamit ng sumulpot sa harap niya ang bestfriend.Nagulat siya sa presensiya nito.Nagyakap sila ng mahigpit,habang nagtatawanan.Nagulat siya sa transformation nito.

"Nagulat ka no?Konti  nalang at sexy nakong katulad mo.Buti nalang at narito kana.Ano bang nangyari sayo at ngayon ka lang dumalaw?Aba'y halos mag lilimang buwan na ang matuling lumipas pero ngayon ka lang nakadalaw.Nasan na ang pangako mong dadalawdalawin mo kami?"
Nagtatampo ang tinig nito.

"How about me?"
Napangiti siya sa boses ng ama na ngayon ay naglalakad papunta sa kanila.

Niyakap niya ito at hinalikan sa pisngi.
"Sorry Dad,masyado pong naging busy.Pero babawi po ako promise."

"Nasa banyo kasi ako kaya hindi ko narinig ang busina mo.Halikayo sa loob at kanina pa ako nagpahanda ng magarbong pagkain para sa unica iha ko."

"Patay nanaman ang diet ko nito."
Singit ng bestfriend niya.

Namiss niya ang mga fresh fruit at gulay na mismong sa farm nila galing.
Nag uumpisa na silang kumain at magkwentuhan.

"Kanina ko pa naririnig ang tunog ng cellphone mo iha ah?Baka importante iyan bakit ayaw mong sagutin?"

"Ok lang po dad,baka maging istorbo sa bakasyon ko."
At ini off niya ang cellphone.

"Siya nga pala best,matagal ka nang hinahanap nila sister sa bahay ampunan pasyalan natin one of this days hinahanap ka na ng mga alaga mo ron."

"Hayaan mo munang makapagpahinga ang kaibigan mo Blessy,malamang ay pagod iyan sa biyahe."

"Opo tito.Siya nga pala best bakit hindi mo ikwento kung ano ang naging lagay mo roon?Kanina pa tayo rito pero hindi ka man lang nagkukwento."

"Siya nga naman iha."
Segunda ng daddy niya.

"Wala naman pong masyadong ikukwento pa.Ok naman ang naging boss ko doon."

KILLING ME SOFTLYWhere stories live. Discover now