36.

7.2K 175 3
                                    

Ilang araw ng hindi tumatawag sa kanya si Mark.Nag aalala na siya para rito.Nakailang tawag na siya ngunit laging nakapatay ang cellphone nito.
Ngayon pa naman ang balik nila para sa kanilang damit pangkasal.
Noong una'y nagtetext pa ito pero nitong mga nakaraang araw ay padalang na ng padalang ang natatanggap niyang mensahe mula rito.
Hindi siya nakatiis at tinawagan na niya si ate Lorna.
Kasintahan siya nito dapat lamang ay malaman niya higit kanino man kung ano ang nangyayari sa kasintahan.

"Ate Lorn's,alam mo ba kung bakit laging nakapatay ang cellphone ni Mark?Nag uumpisa na kasi akong mag alala sa kanya eh."

Ilang minuto ang dumaan na katahimikan.May bumundol na kaba sa kanyang dibdib.

"Ate Lorna?"
Kakaba kabang naghintay siya kung ano ang isasagot nito.

"N-Nakakulong siya ngayon Luisa."
Hindi na nito napigilan ang hagulgol.

"A-Anong? B-Bakit?..Paanong??"
Naguguluhang tanong niya rito at nag uumpisa ng magpanik.

"Kabilin bilinan niya na huwag raw munang sabihin sayo hanggat maging ok na ang lahat,pero nasa iyo ang lahat ng karapatan upang malaman kung ano ang nangyayari.Pls Luisa puntahan mo siya ngayon.Kailangan ka niya."

Pagkatapos sabihin kung nasaang presinto si Mark ay kandakumahog siyang nagbihis upang makaalis kaagad.Tinawagan niya ang kaibigan ngunit sa kasamaang palad ay lagi rin itong wala sa hindi niya malamang dahilan.

Halos manlambot siya sa nakitang hitsura ni Mark na nakatalungko sa lapag ng malamig na sahig kung saan kasama nito ang mga iba pang nakakulong.Mukhang ilang araw na ito roon at hindi narin nakakapag ahit man lang.Para siyang tinadyakan sa dibdib dahil sa kalagayan nito roon.

"Oh God' Ano ang nangyari?bakit ka narito?bakitttt,,, Anong?.."
Niyakap niya ito sa kabila ng may nakapagitang rehas sa kanilang dalawa.

Gumanti ito ng yakap sa kanya.
"What are you doing here?ugh'si ate!?"

"Bakit di mo man lang ako sinabihan?"
Nag uumpisa ng magpatakan ang kanyang luha.

"Shhhh!Dont cry!your melting my heart.I dont wanna see you cry that's why!Its going to be ok."
Habang pinupunasan nito ang kanyang pisngi.

"Why?"
Pagtatanong niya kung anong ginagawa nito roon.

"I-I dont know,someone called up,saying that my shop has being raid by the cops so I ran at once to the shop where I saw the commotions between my men and the police."
Saglit itong tumigil sa pagsasalita.

"And?"
Inip na inip siya sa susunod nitong sasabihin.

"Nakakuha sila ng ilang illegal drugs sa mga motor parts na for delivery na."

"What?Oh my God!"

"I swear that I have nothing to do with that!pls believe me!"
Nagsusumamo ang mga mata nito upang maniwala siya.

"I believe you!"
Pagbibigay kumpiyansa niya rito.Hinawakan niya ito sa kamay.

"Gagawa ako ng paraan upang mailabas ka rito.Just,be strong huh!"

Labag parehas sa kalooban nila ang maghiwalay lalo na sa ganoong sitwasyon.Ngunit kailangan niyang umisip ng paraan.Pagkaalis na pagka alis niya sa lugar na iyon ay nagtulong sila ng ate nito upang makahanap ng isang magaling na abugado.

Hirap silang makapagpiyansa dahil malaki laki raw ang nakuhang mga elegal drugs na nakahalo sa mga nakakahong mga motor parts.

"Anong gagawin natin ngayon ate.?"

KILLING ME SOFTLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon