41.

7.4K 173 3
                                    

Malakas na tunog ng alarm ng kanyang cellphone ang nagpagising sa kanya.Tiningnan niya ang oras.Alas siyete ng umaga.Pagka ganoong araw ng linggo ay maaga parin siyang gumigising ngunit hindi katulad ng may trabaho siya ay alas singko siya nagigising.
Bumangon na siya at naligo.Pagkatapos maligo ay nagkape.Habang nagkakape ay inilibot niya ang paningin sa buong bahay na kanyang binili ilang buwan na ang nakakalipas.Ipinagbili na rin kasi niya ang kanyang condo at ang bahay na naipundar niya.Marami siyang pinagkagastusan isa narin ang pagpapahanap sa nawawala niyang kapatid.
Dapat naba siyang sumuko sa paghahanap rito?malaki laki narin ang naubos niyang pera.Isa na lamang ang pinagyayaman niya.Ang maliit na kumpanyang nasimulan nila ng kaibigan.Ngunit para namang sindya ng panahon na unti unti narin itong humihina marami narin kasi silang kakulangan dahil hindi sila nakakabili ng mga makabagong makina.Napag iiwanan na sila ng iba.Ngunit pinipilit nila itong maibangong muli.

Itinigil niya muna ang pag iisip at nagsimula ng maglinis ng kanyang tahanan.Sakto lang ito sa kanya.Hindi malaki hindi rin maliit.Kakalogkalog siya rito.Kahit ganoon ay maganda at malinis naman ito dahil bungalo style lang ang pinili niya para rin hindi siya mahirapan dahil wala na siyang katulong.Proproblemahin pa kasi niya ang ipapasweldo rito.

Pinatugtog niya ang paboritong cd na nakakaindak.Habang naglilinis ay ginanahan siya.Pagkatapos niyang maglinis ay sinilip niya ang laman ng kanyang maliit na ref.Nagluto siya ng kanyang paboritong chopsuey.Habang nagluluto ay nakarinig siya ng doorbell.Dali dali niyang hininaan ang kanyang niluluto at pinuntahan ang pinto upang buksan.
Lumaki ang kanyang ngiti ng mabungaran ang mag ina na nasa labas ng pintuan.

"Titch ta!"

Inilapit niya ang pisngi sa batang nakanguso at pinanggigilan ang pisngi nito.

"Mabuti naman at nagpunta kayo.Ano naman nakain nyong mag ina?"

"Papasukin mo muna kami no,ang init kaya sa labas."

"Ay oo nga,sorry! Halika kayo pasok pasok."

"Eksakto nagluluto nako at nakapaglinis narin."

Iniupo muna nito ang anak sa sala at binuksan ang kanyang tv upang papanoorin ng cartoons.

Nilapitan siya nito habang pinanunuod siyang magluto.

"Kumakain ba ng veggies yang si Noah?"

"Nandiyan na siya alam mo naba?"

Nabitawan niya ang hawak na sandok.

"Ano na?ito na ang pagkakataon upang mabawi mo ang anak mo sa walanghiyang iyon."

Hindi parin siya umiimik at ipinagpatuloy ang pagtikim sa niluluto.

"Teka,,,huwag mong sabihing...?ano ka?naloloka kana?Ano pababayaan mo nalang na hindi ka makilala ng anak mo?
My God!!! Naloloka ka na nga!"
Nang ipinagkibit balikat niya lang ang mga sinabi nito.

"Alam mo best.Sa hinabahaba ng panahong nakipaglaban ako,isa lang ang narealized ko.Alam mo kung ano iyon?...
Ang maniwalang hindi lahat ng bagay ay mapapasa iyo kahit pa ang taong mahal mo.Kahit na pag aari mo pa.Ayoko ng lumaban.Pagod na ako."
Mapait siyang napangiti at humarap rito.

"Pero anak mo ang pinag uusapan rito."

"Sabihin mo na at isiping wala akong kwentang ina.Ngunit kung ang magiging kapalit ay ang pagdurusa ng anak ko dahil sa gulo naming dalawa ng ama niya,mas nanaisin ko pang wala na siyang kilalaning ina."

Natahimik ang kanyang kaibigan na kanina pa pala umiiyak.

"Ikaw,kailan mo ipakikila ang anak mo sa kanyang ama?Siguradong nagbalik narin siyang kasama ng lalaking iyon."
Pabulong niyang sabi rito at sumulyap sa batang abala sa panonood.

"Wala akong pakielam sa kanya at wala siyang anak.Akin lang si Noah"

"Maitatago mo kaya yan?e bukod sa napakaputi ng anak mo,kamukhang kamukha pa ng ama."

"Kumain na lang tayo,walang importante sa pinag uusapan natin."
Pagkaraa'y sabi nito.

Pagkatapos nila ay nagbihis na siya upang sumama ritong mamasyal.

Pumunta sila sa Moa upang ipasyal si Noah
Tuwang tuwa ang bata.Namili rin sila ng ilang damit.Medyo luma na kasi ang mga damit niya.Maya maya pa ay nakaramdam na silang tatlo ng gutom kaya nagpasya silang maghanap ng makakainan.Medyo nahirapan sila dahil halos lahat ng kainan ay puno.Isa pa araw ngayon ng linggo kaya pila ang lahat ng kainan.Nang nagrereklamo na ang bata ay doon sila nagawi sa kainang medyo kaunti lang ang kumakain.Parehas kasi sila ng kaibigan na hindi nasubok ng mga pagkaing hindi nila nakasanayan.Baka kasi sa huli ay mag sisi lang sila sa ginastos.

Namimili na sila ng menu ng mapadako ng sabay ang kanilang paningin sa mga bagong dating.Pareho silang namutla ng kaibigan sa tatlong taong kadarating lang na may kasamang dalawang gulang na batang lalaki.Pinigil niya ang sariling mapaluha.Ang laki laki na pala ng anak niya at ang gwapo gwapo.Nakasuot ito ng pantalong maliit at nakapolong puti abala sa pagtingin sa menu ang bata.Si Matt ay makahulugang tumingin sa kanya.Si Harold ay parang binuhusan ng suka ang itsura sa pamumutla habang nakangiting hindi mo malaman.
Isa lang ang hindi gaanong nakapuna sa nangyayari.Ang babaeng katabi ni Matt na sobrang arte sa pagsasalita habang nag uutos sa waiter.

Dalawang lalaki ang nakatunghay sa kanila.Parang nagkaisa ang kanilang isip na tumayo na kahit nakaorder na.Isusukbit na nila ang bag ng nagtatakang mata ng anak ni Blessie ang nakatingin sa kanila.
Inakay na nila ito ngunit dinamba nito ang pagkaing inihain ngayon ng kadarating lang na waiter.Napilitan silang maupong muli upang pagbigyan sa gutom ang bata.
Parehas silang halos hindi makasubong dalawa.Ang titigas ng leeg nila na hindi nililingon ang nasa kabilang mesa.
Siya naman ay kinakausap ang sariling huwag ng tingnan ang anak.

Kahit iignora nila ang kabilang mesa ay para namang nananadya ang kadaldalan ng kanyang anak.Parang musika sa kanyang pandinig ang boses nito na bagamat dalawang taon pa lamang ay matatas na matatas na itong magsalita.Gustuhin man niya na huwag matapos ang mga sandaling pinakikinggan niya lamang ang boses nito ay hindi na maaari dahil nag aya na si Noah.

Tumayo na sila ng may pagmamadali.Narinig nila ang paos na boses ni Harold na tumawag ngunit walang planong huminto ang kanyang kaibigan.Hindi pa nasiyahan at binuhat pa nito ang anak.
Kaagad narin silang umuwe dahil nakatulog narin sa pagod ang bata.
Kapwa sila nag iisip habang nakalulan sa kotse niya.
Inihatid niya muna ang mag ina bago siya umuwi.

Iniisip parin niya ang anak.Malaking bata ito.Hati sila ng hitsura ng ama.Tama na na nakita na niya ito.Hindi na mabubura sa kanyang isipan ang anyo ng anak mananatili ito sa kanyang alala ala at sa kanyang puso.Mabuti pa nga sigurong nasa pangangalaga ito ng kanyang ama dahil maibibigay nito ang lahat ng naisin.Wala na kasing kasiguraduhan kung makakaya niya pang tustusan ang mga pangangailangan nito.Siguro'y sapat ng kabayaran ang pagpaparaya niya sa kanyang anak sa kanyang kasalanan raw na dapat niyang pagbayaran.

Nakatulog na siya sa pag iisip.

........................

"Ano ba?kahapon kapa ganyan."
Sinigawan niya ang lalaking kanina pa paikot ikot sa kanyang harapan.

"I have to see her.I want to talk to her.What am I going to do dude?"

"Its your problem.Ikaw ang may kasalanan niyan harapin mo."

"Nagsalita ka,ikaw ano ang plano mo?mukhang wala naman siyang planong maghabol.Malayo sa akala natin."
Sabi ni Harold na balisang balisa mula pa kahapon na magkita kita sila ng hindi sinasadya.

"Were you not finished with her?I mean,you already have your son was'nt it enought for your revenge?afterall hindi lang naman iyan ang ginawa mo sa kanya."

Nanatili siyang walang kibo at nahulog sa malalim na pag iisip.Ipinatong niya ang kanyang dalawang paa sa ibabaw ng kanyang mesa.

KILLING ME SOFTLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon