14:DIARY

8.4K 186 3
                                    

Hindi maampat ampat ang mga luha niya magmula pa ng unang araw na naiburol at nailibing ang kanyang ama ay ganoon parin siya,umiiyak at walang ganang kumain.
Sinisisi niya ang sarili sa lahat ng nangyari.Kasalanan niya ang lahat.Kung noong una pa lamang sana ay hindi na siya umalis sa tabi nito siguro ay kapiling pa niya ang kanyang daddy.Nalaman niyang inatake sa puso ang kanyang ama at dead on arrival na.

Alam niya ring gusto man siyang sisihin ng kanyang kaibigan noong una ay hindi rin siya nito natiis.Parang tunay na ama narin kasi nito ang daddy niya.Bata palamang sila at lagi na silang magkasama.
Magang maga ang kanyang mga mata sa kaiiyak.Nangayayat rin siya dahil sa ilang araw na matabang ang kanyang panlasa.

"Best'kahit alam kong mahirap,gusto ko paring sabihin sa iyo na be ok.Na magpatuloy ka sa buhay.Kahit naman siguro wala na si tito Luis ay hindi niya rin naman nanaisin na magkaganyan ka."
Niyakap siya ng kaibigan.

Pagyakap niya rito ay muling bumuhos ang kanyang luha.Malaki ang pasasalamat niya na sa kabila ng wala siyang nakagisnang kapatid ay ito ang nagpuno niyon.
Hindi siya hinayaan na umuwi nitong nag iisa.Hanggang sa kanila ay sinamahan siya nito.
Hapon na ng sila ay makauwi.Sila na lamang ng kaibigan ang naiwan sa puntod ng kanyang ama.

Nang makauwi na sila ay saka lamang niya naalalang tawagan si Matt.Nagtext naman siya kay Marie ngunit noong una lang na nalaman niya ang nangyari sa kanyang daddy.Sinabi niya lang na may emergency.Pagkatapos noon ay hindi na niya naharap pa ang pag chacharge ng kanyang cellphone.
Tinawagan niya ang lalaki.

"Where were you?you are not consistent when it comes to your work.Mapipilitan akong tanggalin ka sa trabaho.You know me."
Ramdam niya sa tono ng pananalita nito na nauubusan ito ng pasensiya sa kanya.

"My father died."
Bigla itong natigilan sa kabilang linya.

"I see."
Narinig niya ang paghugot ng hininga nito.

"Ok.Kapag naasikaso mo na lahat diyan ay saka ka mag report sa opisina."

"Matt i have something to ask you."
Nagmamadali niyang habol rito ng maramdaman niyang ibababa na nito ang tawag.

"Luisa im busy,maybe some other time ok?"

"Ok."
Sa dissapointed niyang tono.
At nagpaalam na ito.

Marahil ay abala nga ito.Ganoon naman kasi ang lalaki.Workaholic.Sabagay baka idamay niya pa ito sa kapighatiang kanyang nadarama ngayon.

"Ano?di ka man lang ba niya dadamayan?Alam mo,curious nakong makilala iyang boyfriend mo nayan.Im sure hindi ko siya magugustuhan.".
Sabi ng kaibigan niya habang nagluluto sa kusina at biglang lumapit sa kanya.

"Dont get me wrong best.Pero ang alam ko sa taong nagmamahal ay nandiyan palagi sa tabi ng taong mahal lalo na sa panahong ganito."
Sabi pa nito.

"Busy lang siguro siya."
Nang nilingon niya ito.

"Kumain na nga tayo.Bumawi ka ng kain ha.Nangangayayat kana."

Pinilit niyang kumain dahil narin sa pangungulit ng kanyang kaibigan.

Miss Maod narito ang last will and testament ng iyong daddy na nagsasaad na bilang pangalawang tagapagmana ng kanyang kayamanan bukod sa nakatatanda mong kapatid ay sa iyo niya ipamamana ang kalahati ng kanyang kumpanya at iba pang ariarian.Nakasaad din diyan na bago mo manahin ang apat na kumpanyang naiwan ni sir Luis ay kailangan mong hanapin ang nawawala mong kapatid.
Sabay tulak nito sa kanya ng isang maliit na kahon.

Gulat na gulat siya at hindi makapaniwala sa narinig buhat sa abogado ng pamilya.Nagkatinginan sila ni Blessy at hinawakan siya nito sa braso.
Nang binuksan niya ang kahon gamit ang pinaka pendant na yari sa susi na ibinigay sa kanya ng kanyang daddy noong ika labing walong taong gulang pa lang siya
Nakita niya buhat sa loob ng puting kahon ang isang kulay itim na parang makapal na maliit na libro.Binuksan niya ang unang pahina at katulad ng kanyang inaasahan ay ito nga ang diary ng kanyang daddy.Kaya pala kapag tinatanong niya kung para saan ang susi na iyon na pinaka pendant ng suot niyang kwintas ay malalaman niya raw pagdating ng panahon.

Nagpasalamat siya sa abogado at nagpaalam narin ito.Naiwan siya at ang kanyang bestfriend sa loob ng liblary.

"At least nalaman mo na mayroon ka palang kapatid.Sayang nga lang at nakamatayan na ni tito Luis ang pagsasabi nito sa iyo.So anong plano mo ngayon?"

"Ipahahanap ko siya."
Nagkaroon siya ng pananabik na makita at makilala nito.

Page:1 Year 1975

Mi amore"

I love the way she smile,walk and talk.My days were incomplete whenever she's not around.I wish that I have the ability to stop the time so I can be with her even more.Maybe I should have tell her how much i love her,but im afraid that I will be rejected because we started as a friend.Yes its our foundation.Ive known her somewhere in time,when Im in the mids of nowhere to rely on.When troubles strike.She's there occupying the seat where i used to be alone sitting there.

Sino itong tinutukoy ng kanyang ama?nalilito siya sa unang pahina palang.Ipinagpatuloy niya ang kanyang binabasa.Hindi siya nakatiis at tuluyan ng humiga sa kama.

Page:2 A special day.

This I cannot forget,the day she said yes, even my soul cannot hide the happiness I felt.We celebrated it with ice cream and cake,because i know that these are her favorite.After that i called my friend Marty and told him the big news and I ask him to celebrate it with me after I spend the whole day with her.
As I have thought he was also very happy of what Sandra and I has become.A lovers.He knows Sandra because everytime we talked,My favorite topic is all about  her, also because he is my friend ,my best friend .

So this woman Sandra,was his fathers first love.I thought it was her mom. Dito ba nagka anak ang kanyang daddy?
Ilang taon na kaya ang kanyang kapatid.Babae kaya ito o lalaki?nasagot ang kanyang tanong sa ilan pang pahinang kanyang binasa.Nasasabik siyang malaman ang lahat pero ginupo na siya ng antok.Siguro ay dahil narin sa pagod at puyat.

Ilang araw din siyang nanatili sa roon.Nag file narin siya ng leave sa pamamagitan ng email.Sa ngayon kasi ay inuumpisahan na niyang hanapin ang kanyang kapatid.May ilan siyang binayaran upang matunton ang kanyang kapatid dahil narin sa hindi na niya sigurado kung doon parin ang address na sinabi ng kanyang daddy na namamalagi ang mag ina.
At hindi nga nagkabula ang kanyang hinala,wala na nga roon ang mag ina.Matagal naraw ang mga ito na wala roon.

Sa ilang araw na pag aasikaso sa paghahanap sa nawawalang kapatid ay kasakasama niya ang kanyang kaibigan.

Ilang lingo narin ang matuling lumipas pero hanggang ngayon ay wala paring liwanag ang paghahanap.Tinawagan narin siya ni Marie,ipinapaalala na kailangan na niyang bumalik sa trabaho.

"Best babalik kapa ba sa trabaho mo?paano na ang negosyo rito no Tito?"
Habang nag gogrocerie sila ay hindi napigilang itanong nito sa kanya,lalo pa at naringgan nito ang tawag kanina sa kanya ni Matt.

"Sa ngayon ay medyo magulo pa ang utak ko best.Ni hindi ko nga alam kung saan ako kukuha ng lakas at tapang upang mapatakbo ang kumpanya na iniwan sakin ni daddy eh.Ngayon ako nagsisisi kung bakit hindi ako nakinig sa kanya noon.Na hindi ko seneryoso ang mga sinabi niya."

"Nasa huli talaga ang pagsisisi best.Wala ka ng magagawa kung hindi subukan.Wala ka namang aasahan lalo ngayon na hindi mo pa nakikita ang kapatid mo.Dont worry narito lang ako."
Sabi nitong hindi naitago ang pag aalala sa kanya.

Saan nga ba siya kukuha ng lakas?una'y duda siya na baka hindi niya kayang pangasiwaan ang mga iniwan nito sa kanya.Bakit kasi hindi niya minana ang talino at tiyaga ng kanyang ama pag dating sa negosyo.

Hindi niya tuloy alam kung saan siya susuling ngayon.
Nang biglang may namuong ideya sa kanyang isipan.

KILLING ME SOFTLYWhere stories live. Discover now