50.

7.5K 170 2
                                    

Dali dali niyang sinundan si Mark bago pa ito nakalayo.

"M-Markk!"

Nalilitong sabi niya rito habang pinipigilan ito sa braso.Hindi niya  na tuloy malaman kung ano ang itatawag niya rito o kung ano ang sasabihin niya upang  maibsan man lang kahit na kaunti ang nadarama nitong kapighatian.

"Pls hayaan mo muna ako!"

Katulad niya ay may nagbabantang luha sa gilid ng mga mata nitong ayaw ipakita sa kanya.
Siya naman ay walang pakielam na umaagos ang masaganang luha na pumatak na hanggang leeg.

Sa kawalan ng magagawa at maisip na sabihin ay unti unting dumulas ang kanyang mga kamay mula sa pagkakapigil niya.Mapapanglaw na mga mata ang isinulyap nito sa kanya at malungkot niyang hinabol ng tingin ang likod nito. Habang papalayo ay laglag ang mga balikat.

Diyos ko!Anong masamang biro ng tadhana ito?Matagal niyang ninais na magkita sila ng tunay na kapatid ngunit hindi ng ganito.Kung sakali pala na huli na nila nalaman ay nakagawa pa sila ng malaking kasalanan.
Naipagkamali nga ba niya sa isang pag ibig ang nadarama niya sa kanyang kapatid?Tulad niya'y malaki na ang naisakripisyo ng lalaki.Hanggang ngayon ba ay patuloy parin ang pagsasakripisyong iyon?

"Luisa."

Hindi niya pinansin ang tinig na iyon sa kanyang likuran.Ito ang may kagagawan ng lahat.

"Luisa.I am very sorry of what I've done.Sa lahat lahat!
Hindi ko alam."

Wala parin siyang kibo.

Naramdaman niyang may biglang kumapit sa kanyang baywang ng mahigpit.Nakita niya ang braso nitong nakapulupot sa kanyang baywang mula sa likod.

Biglang sumiklab ang kanyang galit.Iwinaksi niya ang mga braso ng lalaki at humarap dito.Walang salisalitang ubod lakas na sunod sunod na sampal ang pinakawalan niya.Ang iba'y hindi niya na alam kung saan tumama.Ang galit at poot niyang naipon para rito ay ibinuhos niyang lahat.Hindi niya na mabilang kung ilan ang mga sampal at suntok na  pinakawalan niya rito ngunit nanatiling nakapikit ang lalaki at hinahayaan lang siya sa kanyang ginagawa.

"Ikaw!Ikaw ang puno't dulo ng lahat ng ito,mula sa pagkamatay ng papa pagkawalay sakin ng aking anak at ngayon,ngayon??!!
Kung hindi ka nakielam noong una pa lang,disin sana'y hindi umabot sa ganito ang lahat!Napakawalang puso mo!Nang dahil sa walang basehang pagbibintang mo!"

"Naiintindihan kita.Alam kong malaking kasalanan ang nagawa ko.At alam ko ring hindi mo ako kaagad mapapatawad.Ngunit hihingi parin ako."

Nanatili ito sa pagkakayuko.

Walang puknat at halos mabasa ang kanyang suot na blusang brown dahil sa kanyang pagluha.Ang sakit.Napakasakit ng lahat ng nangyari sa kaniya at sa kanila ng dahil lamang dito.Ang lahat ng pagpaparatang at pagpaparusa nitong ginawa ng walang basehan.Pinagsisisihan niya hanggang ngayon ang kagagahang nagawa niya ilang taon na ang lumipas.

"Mula sa araw na ito ay ayoko ng makita ang pagmumukha mo!Umalis kana!"

Taboy niya rito dahil hindi niya na kayang tagalan pa ang presensiya nito.

"Umalis kana!Kunasusuklaman kitaaaaaa!!!"

Yukong yuko ang lalaki at tumalikod na upang lumayo.Kung wala sanang ganitong pangyayari ay sukat na ipagdiwang niya ang  nakikitang panlulumo ng isang dating makinang at malaking bituin na sinasamba niya.Ngayon,ang pagbagsak.

Walang ampat ang kanyang mga luha.Paano na siya ngayon?paano pa maibabalik ang lahat?Paano nanaman niya lahat ito malalagpasan.Isa na namang dagok ang nagpadapa sa kanya.Kaya ba niyang tanggapin ang pangalawang kabiguan sa pag ibig?Ngunit paano niya ipaglalaban ang isang damdaming bawal sa mata ng tao lalo na sa mga mata ng Diyos.Kasuklam suklam.Doo'y lalong umagos ang kanyang luha.

Nakaupo siya sa pasilyo at wala ng pakielam kung may makakita man sa kanya sa ganoong ayos.Mula pa kanina ay tila nakikisama ang lugar upang maibulalas ang lahat ng nangyayari.
Habang nakayukong umiiyak habang sapo ang mukha ay naramdaman niya ang mga haplos sa kanyang ulo at ng tumingin siya ay nakita niya si Ate Lorna at ang kanyang bestfriend na malalamlam din ang mga mata.Tila nakakatunog ang mga ito na mayroon na namang hindi magandang nangyayari.

...............

"Patawarin mo ako iha sa lahat lahat."

Nagsalita si Aling Sandra sa pagkakahiga nito.

"Magsisinungaling po ako sa inyo kung magsasabi ako na ok lang po ako.Ngunit naisip ko rin po na walang may gusto ng pangyayaring ito at wala ring may kasalanan."

"Minsan hindi mo inaasahan na sadyang mapaglaro ang tadhana."

Malungkot ang boses ni Blessie.

"Ako man ay minsan ding napaglaruan."

Hindi man derektahang sinabi iyon ni ate Lorna ay alam na nila kung tungkol saan ang sinasabi nito.

"Isa pa sa lubos na inaalala ko ay ang aking anak.Baka hindi niya makayanan ito."

"Huwag po kayong mag alala tita.Siguro'y lumayo lamang siya para makapag isip isip.Kilala ko po si Mark.Matapang po siya."

Sinagot ito ni Ate Lorna.

Muli nanaman siyang lumuha at ngayon ay dinaluhan na siya ng dalawang babae.

..........

Ang laki niyang gago.Bakit hinayaan niyang umabot sa ganito ang lahat.Nakagawa siya ng isang kasalanang ang nagdusa ay isang inosenteng tao.Paano pa siya makakabawi rito?Plano pa naman niya sanang muling suyuin ang babae ngayong napagtanto niyang matagal na niya itong mahal.Natatakpan lamang ng poot ang kanyang dibdib kaya hindi niya iyon napagtuunan ng pansin.
Ang laki ng nagawa niyang kasalanan dito lalo na sa anak nila.Alam niya lahat ang pagdurusa nito dahil siya ang lahat ng may kagagawan nito.

Sising sisi siya...

Nakakailang lagok na siya ng alak at nakakailang baba narin ang kanyang ina inahan na kanina pa siya sinisilip at alam niyang nag aalala na ito sa kanya.
Kanina parin tunog ng tunog ang kanyang cellphone at wala siyang planong sagutin iyon.

Maya maya'y lumapit ang kanyang ina at hinawakan siya sa balikat.

"Anak nariyan si Harold,pinapasok ko na."

Nilingon niya at tinanguhan ang kanyang ina mula sa mahabang sofa.

"Kamusta pre?"

Si Harold na mahahaba ang bigote't balbas na halatang hindi nagsusuklay at tila kahapon pa suot ang polong ginamit sa opisina.
Tuloy tuloy ito sa side table at nagmamadaling nagsalin din ng alak.Tuloy tuloy ang naging paglagok nito.Napakunot siya.

"Pre malaki problema ko!"

Nanlalalim ang mga mata nito at magang maga.

Bigla itong natigilan sa nakitang hitsura niya.

"Tingin ko mukhang parehas tayo!"
Biglang nasabi nito ng makita siya.



''Nakagawa ako ng isang malaking kasalanan.Tungkol kay Luisa at kay Ninong Luis.Napagbintangan ko sila."

Nasa malayo siya nakatingin habang sinasabi iyon.

"Sinabi ko na iyan dati pero hindi mo ako pinakinggan."

Naninising tono nito.


"Sinubukan mo na bang humingi ng tawad?"

Tinanong nito sa kanya.


"Mukhang malaking malaki ang kasalanang nagawa natin."
Sabi ulit nito na tila hinang hina.

"Magkaiba tayo ng problema.Ako nagbintang lang.Ikaw nanggahasa!"

Biglang napalingon ito sa kanya.
"Pwede ba dude huwag mo ng paalala sakin.Nagsisisi na nga ang tao eh.Isa pa hindi ba mabigat din ang pahirapan ang taong mahal mo?Nakokonsensiya nako noon pa.Wala lang akong magawa dahil magkaibigan tayong matalik.



Kahit kailan ay hindi siya naubusan ng mga paraan kung paano iresolba ang lahat lahat sa negosyo ngunit bakit ganito ngayon?hindi gumagana ang kanyang isip.





















KILLING ME SOFTLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon