43.

7.1K 176 3
                                    

Masaya siya sa kanyang trabaho.Matandang lalaki ang kanyang boss.Sekretarya siya sa isang hindi man kalakihang kumpanya,alam niyang ayos dito.Mukhang mabait ang kanyang amo.Lagi siyang kasama nito sa lahat ng meeting.Kahit naman ganoon dito ay ayos naman ang pasweldo.Unti unti niyang huhulugan ang bangko.Iniisip niya nga na ibenta na ang bahay na naipundar niya tutal makakabili naman siya nito uli.Nakatulong din ang pag looan niya sa sss.Yun lang muna ang ipinanggagastos niya sa ngayon.Saka na niya iisipin ang iba pa.

Ngayon ay nagbihis siya ng espesyal.Inilabas niya ang ilan pa niyang naitatabing mga damit na ginagamit niya para sa mga espesyal na lakad na tulad nito.
Maya maya pa ay nag call na ang kanyang boss na sumunod na siya sa sinabi nitong lugar.

Nagtaxi siya papasok sa nasabing lugar.Isang malaking lugar na pinagdadausan ng mga mahahalagang tao.Ang alam niya ay pumunta sila rito upang mabigyan ng opurtunidad ang mga maliliit na negosyante ayon sa kanyang boss.Marami na ring tao ang naroon.Marami ring mga business woman ang naroroon na pulos elegante ang mga suot at magaganda.Hindi naman siya papahuli sa mga ito dahil kahit simpleng dress na kulay blue violet na hanggang gitnang hita ang suot niya ay nangingibabaw parin ang kanyang ganda base sa mga pasimpleng tinginan ng ibang kalalakihan sa kanya.
Bahagya niyang kinulot ang mga dulo ng kanyang buhok at bagay na bagay ito sa kanya sabi nga ng kanyang kaibigan sa kanya kanina.

Nagkita na sila.ng kanyang boss na kararating palang at nakangiting nilapitan niya.

"Doon tayo iha sa banda roon."

Lumakad sila at nakipagkamay sa ibang mga kakilala nito at bilang sekretarya ay nakasunod ang kanyang mga tingin rito.
Tumango tango siya sa mga tanong at pinag uusapan ng mga naroong kausap ng kanyang boss.

"Oh dumating na pala ang Ceo."

Narinig niya sa isa sa mga ito at sabay silang napalingon ng kanyang boss sa bagong dating na ngayon ay nagsasalita sa unahan.

Nanlata siya ng makita roon ang lalaking isinusumpa niya at sa gilid nito ang babaeng naka abrisiyete sa lalaki habang ang kabilang kamay ay nakahawak sa kamay ng batang napaka cute na alam na alam niya kung sino.Bigla siyang natigilan na animoy naging madamot ang hangin na siyang nagpahina lalo sa kanyang paghinga.

Alam niyang hindi siya mapupuna ng lalaki dahil nasa bandang gilid at likuran sila ng kanyang boss kaya malaya niyang napagmamasdan ang anak.Nakaramdam siya ng pangungulila rito at pigil na pigil ang kanyang luha na huwag pumatak sa kanyang mga mata.Naroon ang kanyang anak abot kamay niya ngunit wala siyang magawa.Hindi niya alam kung mananatili pa siya roon o magdadasal na sana ay magtagal pa ang sandaling masilayan niya ang kanyang anak.Bakit kasama nito ang kanyang anak?wala bang mapag iiwanan ito at kailangan pang bitbitin sa ganoong ka boring na lugar?
Nasaan ang babaeng kasama nito?ano kaya ng lalaki ang babaeng iyon?.
Itinaboy niya ang ganoong isipin.Ano bang pakielam niya kahit pa ilang babae ang patulan nito?.

Nang hindi na niya matiis ay bahagya siyang tumalikod ng dahan dahan at pasimpleng nagpunas ng luha.Nang sandaling iyon ay maraming alaala ang unti unting nagbabalik sa kanya.Simula ng makilala niya ang lalaki,ang pagkamatay ng kanyang ama,ang pagkalugi nila sa negosyo at ang pagkawala ng kanyang anak at ang aksidente ng taong sa huli'y natutunan na niyang mahalin.Walang ibang may dulot nitong lahat sa kanya kundi ang nag iisang lalaking sumira ng lahat sa kanya.Hinding hindi niya ito mapapatawad.

Nakalimot siya sandali kaya nagulat siya ng hawakan siya sa balikat ng kanyang boss na kanina pa pala may sinasabi sa kanya.Bumaling siya kaagad dito at muntik na siyang takasan ng ulirat ng makita niyang nasa harapan niya ngayon ang kanina niya lang tinatanaw sa malayo.Bigla ang lipat ng tingin niya sa batang karga nito ngayon.

"Magkakilala raw kayo ni Mr.Cordova?"
Ngiting ngiti ang kanyang boss na nagtatanong sa kanya.

"M-Matagal napo iyon boss."
Mapakla siyang napangiti na hindi humihiwalay ang mga mata sa anak na nakangiti sa kanya habang kumakain lollipop.

Bigla niyang nakitang tumulo ang laway nito sa pagsipsip ng lollipop at parang may sariling isip ang kanyang kamay na pupunasan sana niya ang tumulo rito ngunit naunahan siya ng babaeng hindi niya napunang nakalapit na sa kanila.Biglang naiwan sa ere ang kanyang kamay at naibaba niya iyon sabay kuyom sa tagiliran.

"So you're here! I know you!"
Maarteng tanong ng babae sa kanya na nanlilisik ang mga mata.

Nagbaba nalang siya ng tingin.

"Yes dati ko siyang sekretarya.Hindi ba Miss Maod?"
Biglang sabi ng lalaki sa kanya kaya napahinto ang babae sa susunod pang sasabihin.

Napatango lang siya at dumeretso ang tingin dito.Para siyang Leon na biglang tumapang.

"One of this days maybe we can talk about business.I have a proposal to you Mr.Dionisio."

Lalong sumaya ang matanda ng biglang sabihin iyon ni Matt habang nakatingin sa kanya.

"And bring your secretary on that day."

"Of course,of course Mr Ceo."
Agad nitong kinuha ang kamay ng lalaki at tuwang tuwang nakipagkamay sa demonyong seryosong nakatingin sa kanya.

Habang tumatagal ang oras ay hindi siya nilulubayan ng tingin ng lalaki.Siya naman ay todo iwas na magkasalubong muli ang kanilang tingin.Hindi tuloy niya masubaybayan ang galaw ng kanyang anak.Nagngangalit nanaman ang poot sa kanyang dibdib ng mga sandaling iyon.

Ano nanaman ang pinaplano nito at iniimbitahan nito ang walang kamalay malay niyang boss.Sabi pa'y isama siya nito.Talaga bang gusto siyang patayin nito unti unti?Mabuti panga kung saksakin nalang siya kaysa sa pinagdudusa siya nito sa kasalanang ibinibintang sa kanyang ama.

Maya maya ay naramdaman  niyang gusto niyang mag banyo.
Sa banyo ay inayos niya ang sarili at naglagay ng kaunting foundation at lipstic.Hinamig niya ang sarili at huminga ng malalim upang mawala ang kahit papano ang tensiyon niya saka siya lumabas.

Muntik na siyang madapa ng sa paglabas niya ay naroon sa pasilyo ang kanyang iniiwasan at nakasandal na sadyang inaabangan siya.
Ang ginawa niya'y nagmamadali siyang lumakad at parang walang nakitang nilampasan ito.

Nang biglang may dumakma sa braso niya at pilit siyang pinaharap rito.

Galit ang mga mata niyang sinalubong ang mga titig nito.

"Wala akong planong maghabol kaya tigilan mo na ako!"

Walang salitang siniil siya nito ng nagbabagang halik at hindi siya makakawala.lasang lasa niya ang alak na ininom nito.Ilang beses niyang inilayo ang mukha rito ngunit pagkatapos ay hahalikan ulit siya nito mas mariin mas maalab.
Nang tumigil ito ay nakakawala siya.Binigyan niya ito ng mag asawang sampal sabay walang lingon lingon na lakad takbo ang ginawa niya habang pinupunasan ang mga labing basa pa sa mga halik nito.

Dinig na dinig niya ang mahinang pagtawa nito sa pasilyo na lubos na nagpagalit sa kanya.
Napakawalanghiya talaga ng lalaki.Naisahan na naman siya.

KILLING ME SOFTLYWhere stories live. Discover now