Chapter 15.2- Another Postponed Lovestory 2??

Magsimula sa umpisa
                                    

Natulala ako sa mukha niyang mala-anghel kahit tumutulo ang pawis na mula sa buhok niya. Nakita ko ng mas malapit ang mata niya, brown eyes. It’s captivating.. It’s-------------

“Awww!”

Nagising ako galing sa pagnanasa este pagtitig kay Nerdy dahil sa naramdaman kong may tumama sakin na matigas na bagay at ngayon ay nakahiga ako at sapo sapo ang ulo kong nauntog.

Ramdam ko pa din ang mabigat na bagay sa katawan ko at pagmulat ko ay mukha ni nerdy ang nabungaran ko.

A-ANOOO?! MUKHA NI NERDY?

N-n-nakadagan siya sakin ngayon???!!!

Sa mata niya napadako ang mata ko at pakiramdam ko ay naengkanto na naman ako sa pagtingin sa mga nakakahalinang mata niya.

Gusto kong alisin ang salamin na sagabal sa pagtitig ko sa mata niya ng bigla kong makarinig ng sigawan at kasunod ang bulungan.

‘Ano ba yan bakit kay Cecille siya nalaglag pwede naman sakin?’

‘Kainis. Si Cecille na naman e nakuha nya na nga si Marco.’

‘Sabi ng nanay ko mangkukulam daw ang angkan ng mga Martinez siguro ay kinukulam niya lahat ng gwapong lalaki’

TEKA NGA!??? SAAN GALING ANG ISSUE NA MANGKUKULAM  ANG ANGKAN NAMIN?

“Ehem ehem”

Nakita ko si Marco na nakatayo sa gilid namin at napatingin din dito si nerdy. Agad naman itong tumayo, tinulungan naman ako ni Marco na makatayo sa pagkakahiga.

“Okay ka lang ba, Cecille?”nasa mukha nito ang pag-aalala habang sinusuri ang ulo ko at braso para tignan kung may iba bang napinsala sakin.

“A-ah. O-okay lang.” bakit ba ako nauutal? Dahil ba nabagok ang ulo ko? =_=

“M-miss. P-p-pasensya ka na. H-hindi ko sinasadya.” Sabi ni Nerdy. Well, atleast hindi lang ako ang nauutal. Pero hindi bagay dito ang nauutal sa pagsasalita. Sa lakas ng appeal nito ay dahat mataas din ang self esteem niya.

“Okay lang.” Bigla namang sumingit si Jm at hinigit ako sa braso.

“Lika na nga pinsan. Ang dumi mo na.” sabi nito gamit ang panglalaking boses, kahit gusto ko mang mandiri sa pagiging lalaki ng boses niya ay hindi ko na napansin dahil sa mata ng katitigan ko ngayon. Hindi siya natitinag sa pakikipagtitigan sakin at hindi ko na din napansin si Marco dahil sa mabilis na paghigit sa akin ni Jm.

Bago ko lisanin ang basketball court ay sinulyapan ko pa ulit siya at nakita kong nakatingin pa din siya sa direksyon ko.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Sigurado akong namumula ako dahil sa pag-iinit ng pisngi ko ngunit bukod doon ay may estranghero akong pakiramdam na ngayon ko lang naramdaman ito ay ang napakabilis na pagtibok ng puso ko.

Kinabukasan ay tamad na tamad akong bumangon. Katulad lang to ng mga nakaraang bakasyon na wala naman akong magawa, sana bumalik na dito si Steff, yung mabait na kaibigan namin ni Jm na may resthouse malapit sa dagat.

Dahil sa wala akong magawa at kasama ni Jm si Tito sa bayan ay mag-isa nalang akong pumunta sa may ilog sa may dulong bahagi ng bayan ng San Mateo.

Madalas akong pumunta dito mag-isa para makagawa ng tula. Yes! Mahilig akong gumawa ng tula.

Habang nakaupo ako sa tabi ng ilog ay may narinig ako ng kaluskos. May taong paparating.

Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon