Chapter 15.2- Another Postponed Lovestory 2??

Magsimula sa umpisa
                                    

“I don’t know and I don’t care couz. Kung ganyan ba ka-hot lahat ng lalaki, kahit na katulad pa ni Jose Rizal ang hairstyle niya o di kaya’y talunin man niya si Andres Bonifacio sa fashion style nito pagdating sa pananamit ay okay na okay lang! Kahit mag bahag lang siya ay hindi ako magrereklamo!” mahabang litanya nito habang hindi inaalis ang mga mata sa court.

Napakaluma naman ng mga pinagiisip nito ni Jm. Napatingin ulit ako sa lalaking nagpapagulo sa mga babaeng nandito. Tama naman si Jm, hot nga itong si Nerdy. Sigurado akong kapag inalis niya ang salamin niyang mukhang napakabigat ay mailalabas nito ang ganda ng mga mata niya. Ang mga labi niya ay mukhang normal na mamula mula talaga.

Napakakinis at sobrang puti ng kutis nito at kahit ako ay mahihiyang tumabi sa kanya. Morena lang ako pero makinis naman ang balat ko, pero ang sa isang to ay kakaiba, para bang kumikinang. Hindi mapagkakailang may kaya ito sa buhay.

Maging ang bawat galaw nito ay sinundan ko. Every move he makes can make the girls watching him swoon. And I guess, I’m already one of them.

Napahinto ako sa pagsunod sa galaw niya ng biglang may kamay na pumahid malapit sa labi ko, napatingin naman ako kay Jm ng magsalita ito, “Laway mo teh tumutulo e. Kukuha na ba akong timba?”

Umirap ako at pinagsalikop ang mga kamay ko. “Maputi lang siya pero mukha pa din siyang nerd. Mas gwapo pa din si Marco.”

Si Marco ang anak ng business partner ng pamilya namin. Isa din siya sa pinakasikat na binata dito sa San Mateo dahil nga sa may kaya ang pamilya nito at dahil sa pagiging magaling nito sa lahat ng bagay except pagdating sa academics, nandito na lahat ngunit ang isang ikinasisira nito ay ang pagiging tamad nito mag-aral.

“Sus couz! Sinong niloko mo? E dalawang taon na yang nanliligaw sayo ni hindi mo pinapansin tapos ngayon sasabihin mong mas gwapo si Marco? At couz! Gosh! Mas malabo pa ata ang mata mo dyan kay cutie nerdy e, balat pa lang wala ng panama! At ang moves! May tatalo na kay Marco sa pagiging MVP ng San Mateo.”

Tama ito. Hindi maputi si Marco, tulad niya ay moreno lang ito at nakikita nga niyang walang panama si Marco sa mabilis na galaw ni Nerdy.

Nakakaagaw atensyon talaga ang nerd na to. Nung nakashoot siya ay halos mabingi ako sa sigawan ng mga babaeng katabi ko. Peste! =_= Eardrums ko! Huhuhuhuhu.

“Who is he by the way? Bakit ang aga-aga ay may dayo dito?” irita kong sabi. Ang ingay, ang sakit sa ulo.

“Wag ka couz! Apo yan ni Mayor, yun ang pagkakarinig ko.”

Sinasabi ko na nga ba ay mayaman tong lalaking to. Anong problema niya at hindi siya makabili ng contact lens?

“Kayy. Alis na tayo! Mall tayo. May bagong movie ni John Lloyd ang showing. I wanna watch.” Hinihila ko siya ngunit hindi talaga siya matinag.

“Tsaka na si John Lloyd couz! Mas mahalaga ngayon ang lovelife ko. Lika bilis dun tayo sa unahan para mas tanaw ko ang abs niya!” at dahil kahit beki siya ay lalaki pa din siya, isang hila niya lang ay napatianod na ako.

Nagbigay daan naman ang mga kababaihan dahil nga kilala ang pamilya namin dito.

“Gosh couz! Gosh! I wanna scream! Gusto ko siya icheer! Kung pwede lang sana at hindi lang nila mahahalatang beki ako.” Pangungulit pa nito noong nasa unahan na kami.

Psh. Kaasar. Ang init dito, mas gusto ko sa mall. Mas gusto ko si Papa Lloydie...

Dahil sa pagi-isip ko ng paraan kung paano ko mayayayang panuodin ng One More Chance si Jm ay hindi ko napansin na nasa harap ko na pala si Marco at Nerdy at naggigitgitan para sa bola na dini-dribble naman ni Nerdy.

Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon