"Ha?!" Napanganga na lang ako sa deklarasyon ni Alec.

"Nasisiraan ka na ba?" Hamon ni Leone at akmang lalapit para hawakan ako nang sumigaw si Alec.

"DON'T. YOU. DARE. TOUCH. HER." Paisa-isa ang hakbang niya papalapit sa akin at hinatak ang braso ko papalayo kay Leone.

"And what if I do touch her?" Mabilis na hinablot ni Leone ang kanang braso ko at sa pangalawang pagkakataon ay natagpuan ko ang sarili kong napapagitnaan nila. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi ko alam kung bakit galit si Alec at bakit ang lakas ng loob ni Leone na kalabanin si Alec ngayon.

Humigpit ang kapit sa akin ni Alec at nararamdaman ko ang tensyon sa braso niya. Hinanda ko ang sarili ko sa paghatak niya.

"LEONE!" 

Napatingin ang lahat sa bagong dating na si Louisse.

"Alec, Leone, bitawan niyo si Sophie!" Lumapit si Louisse sa amin at saka ako hinila papalayo sa dalawang naglalabang higante. "Kung mag aaway kayo wag niyong isasali si Sophie! Wala siyang alam sa kung ano mang dahilan kung bakit ang iinit ng ulo niyo sa isa't isa!"

"Hindi mainit ulo ko sa kanya!" Angal ni Leone, halata ang galit sa green eyes niya.

"EH BAKIT KAYO NAGAAWAY?"

"Alec is claiming Sophie for herself!" Angal muli ni Leone.

"And what do you care kung akin siya?" Hirit ni Alec.

"Kasi hindi siya sayo!"

"Leone, nagiging gahaman ka na," ngisi ni Alec," may girlfriend ka na tapos aagawin mo pa si Sophie sa akin?"

Nang-aasar ang boses ni Alec at alam niya kung anong gusto niyang mangyari.  True enough, nanlaki ang mga mata ni Leone at napatingin kay Louisse at saka siya napatingin sa mga taong nanunuod bago siya tumingin sa akin. Nakikiusap ang mga mata niya, natatakot sa maaring mangyari.

"Tell me Leone, harap harapan ka bang nangangaliwa sa girlfriend mo with Sophie?" Asar pa ni Alec.

Umiling ako. Wag kang sasagot, Leone. Pinag-tritripan ka lang ni Alec.

Pero hindi nakita ni Leone ang takot sa mukha ko o ang sakit sa mukha ni Louisse. Huminga siyang malalim at sa isang makamandag na tingin kay Alec ay sumagot siya.

"Matagal na kaming tapos ni Louisse. Si Sophie na ang nililigawan ko ngayon."

Nabitawan ako ni Louisse at tiningnan ako ng masama, mumunting butil ng luha'y tumutulo mula sa mga mata niya.

"Teka lang, Loui---" Sinubukan ko siyang kausapin pero isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ko.

"Akala ko kaibigan kita!" At tumakbo na siya papalayo.

Hindi ko na nahabol si Louisse kasi bago pa ako makahakbang papalayo ay may dalawang kamay na kumapit sa mga braso ko.

"Bitawan mo siya!" Ani ni Leone.

"LET GO OF HER!" Sigaw naman ni Alec.

Humakbang ako papalayo at kumawala sa mga kapit nila.

"Hindi pa kayo tapos?!"

"Sophie,"

"Leone, tumahimik ka kung ayaw mong masapak kita."

Gusto ko siyang sapakin at sabunutan sa sinabi niya. Hindi pa ata sapat na pareho silang nahihirapan sa pagtatago ng relasyon nila at gusto niya akong idagdag sa komplikasyon nila.

Ngumisi si Alec pero sinamaan ko siya ng tingin. "Ikaw, wala ka na bang alam gawin kundi ang pagtripan ako?"

Hindi sila makasagot at hindi ko na din alam kung anong gagawin ko sa kanila kaya tumakbo na ako papalayo.

Polar OppositesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon