Nang makapagpaalam na siya sa kaibigan ay dumeretso na siya sa students lounge. This time alam niyang may tsansa pa siyang makausap si JJ dahil narinig niyang may lakad ang mga ito pagkatapos ng interview. He might just be around during her talk with Hyun at pagkatapos noon ay ito naman ang kakausapin niya.

Pagkarating sa students lounge ay laking gulat niya nang makitang mag-isa lamang si JJ doon at nagbabasa ng libro.

He reads? Her sarcastic part of the brain asked. But she quickly brushed her unhelpful thoughtsoff.

Wala pa si Hyun.And JJ being there makes her job a little bit easier. Wala na siyang sasayangin pang oras at kakausapin na niya ito.

Habang lumalapit dito ay umaalingawngaw sa utak niya ang salitang scholarship. This is the only word she kept on repeating on her throughts as if it was a mantra.

"Hi JJ!" Pinakawalan niya ang pinakamatamis niyang ngiti hoping to help her at very moment. Hindi niya maitangging kinakabahan siya sa maaring reaksyon ni JJ sa kanya. Pero wala na siyang nakitang ibang pagkakataon kaya gagawin niya ang lahat mapaamo lang ito."Nakita mo si Hyun?"

JJ closed the book he's reading and faced her. "Do you like Hyun?"

She could have turned cyanotic when her breathing stopped. Ilang sandali pa kasi bago siya nakahuma sa tanong sa kanya ni JJ.

What on earth is he thinking? Paano ito nagka-idea ng ganoon?

Sasagot na sana pero nagsalita muli ito.

"Nagulat ba kita?" Nakangisi ito na tila ba nabuking ang kanyang malaking sekreto.

She tried to find her voice. "S-saan galing 'yon?"

Tumayo ito at lumapit sa kanya. He looked into her eyes as if reading her.

"I know your kind." Patuloy ni JJ.

"M-my kind?"

"Yes. Innocent looking sneaky girls. Always having a plan behind their heads."

She could settle with the adjective innocent but never sneaky. Umalsa na naman ang inis niya rito.

Scholarship...Scholarship...Scholarship...

Pinakalma niya ang sarili sa pamamagitan ng pag-alala ng kanyang misyon. Ganoon ba ito talaga palagi? Easily suspiciousof others?

"Hindi kita maintindihan. At kung anuman 'yang naiisip mo laban sa akin ay sa tingin ko itigil mo na. I'm just here for the interview. Wala nang iba."

"Talagang wala nang iba?"

"Wala nang iba. Pero..." Huminga muna siya nang malalim bago magsalita. "Tungkol sa insidente kahapon sa canteen. Sa tingin ko...napahiya kita sa ibang mga estudyante. I'm...I'm sorry."

She couldn't believe she just said those words. At kahit hindi niya mapaniwalaan ang sarili, sana ay maniwala sa kanya si JJ.

There was no response from him so she looked up to see his reaction. Kunot noo itong nakatitig lang sa kanya.

"Totoo, I'm sorry——"

"Why do I have the gut that you're lying?"

"I just want to say sorry. Please don't make a big deal out of it, JJ"

Bigla itong tumawa. "JJ? Seriously? Ang tawag mo sa akin noon ay ang apelyido ko. Bigla naman yatang on a first-name basis na tayo?"

Bakit ba ang dami nitong tanong? Napakahirap papaniwalain?

"Bakit? Masama bang tawagin ka sa pangalan mo? Diba iyon din naman ang tawag sa iyo ng mga kaibigan mo?"

But it seems like he isn't buying her reason. Instead he cocked his head on the side and smirked again. "But you're not my friend."

Kanina pa ito walang tiwala sa pinagsasabi kaya sasabihin na lang niya ang totoo. "Fine!I went to Hyun to get through to you. I wanted to say sorry about what I did yesterday. Mali ba iyon?"

He shook his head na tila hindi sang-ayon sa sinabi niya kaya nagpatuloy siya.

"And about the other times na binara kita. I kinda feel kontrabida sa iyo." Although all I did were the right things.

He leaned closer until he is only few inches away from her face. Naaamoy na niya ang pabango nito.

"After all the times you sent me to the principal's office ay bigla mong nanaising maging magkaibigan tayo? Why the sudden change, Madriaga?" Lumapit pa nang bahagya si JJ hanggang sa napaatras na siya. Thank God she felt the table behind her dahil kanina pa nangangatog ang tuhod niya sa paglapit nito. "Napapaisip tuloy ako na...may gusto ka sa akin."

Tumaas ang kilay niya. Though she could honestly say that the guy is ruggedly handsome, hinding hindi niya type ang mga uri nito. He's the best example for MMM.

Mayayamang mayabang at mapang-api.

"Hindi naman sa ganoon. Gusto ko lang talaga mag-sorry at maging kaibigan kayo."

"Now that's odd. Kulang na lang dukutin mong mga mata ko sa inis mo sa akin. And now, you want me to be your friend?" Umiling ito. "You're up to something. I don't believe you."

Is this all she got? Nababasa na nito ang mga kilos niya. Sino nga ba naman ang maniniwala na gusto niyang makipagkaibigan dito na kahapon lang ay inis na inis sila sa isa't isa?

She couldn't lose her scholarship now.

"Maggie!"

Hindi masukat ang saya niya nang marinig and boses ni Hyun. Nahihirapan na kasi siya sa sa pakikipag-usap kay Montoya. Hindi lang pala kasi ito may attitude problem, may trust issues din pala ito.

Kaagad niyang hinarap si Hyun at binati ito.

"Hyun! Hi."

"Sorry at natagalan ako. I'm five minutes and thirty seconds late." Paliwanag nito.

She almost chuckled at Hyun's precision of time. Ganito talaga ito sa lahat ng panahon.

Pero mabuti na rin lang at dumating ka agad dahil kung hindi mas nagisa na ako dito! "Okay lang Hyun."

"Don't worry Hyun. Nag-enjoy naman siyang kausap ako." Tumalikod ito at kinuha ang backpack at ang binabasang libro sa ibabaw ng mesa.

"Talaga? Wow. I didn't know you two would get along well. So ibig sabihin ba nito ay magiging friends na tayong lahat?"

Nais niyang matawa sa analysis ni Hyun. Kung alam lang nito kung gaano kahirap pakitunguhan ang kaibigang nitong JJ.

"Ikaw pwede, pero hindi ako. I will never become friends with innocent looking sneaky girls." Agap na sagot ni JJ. Sinulyapan pa siya nito bago umiling-iling.

Scholarship... Scholarship... She recited the mantra in her mind as she controlled her temper once more. Isa siyang malaking sponge ngayon at ina-absorb lang ang lahat ng pang-iinis ni Montoya.

"At saka nga pala, Hyun." Hirit nito.

Aba't hindi pa pala tapos ang mokong na 'to?

"Mag-ingat ka diyan. May malaking plano 'yan. Baka mahulog ka sa bitag." At saka pa ito umalis.

Napalingon naman sa kanya si Hyun na obvious ang pagkalito. "Anong sinasabi no'n, Maggie?"

"Ah, 'wag mo nang pansinin 'yon. Natuyuan siguro ng utak. Mainit kasi."

Nagkibit balikat na lang si Hyun at saka umupo sa may mesa. Mabuti na lang at hindi na nito binigyang pansin ang sinabi ng erehe kung hindi ay mapapahiya talaga siya.

Tinanaw niya ang naglalakad na palayo na si Montoya. Ngayon pa lang ay nahirapan na siyang mag-reach out dito. Paano na lang kung mairita na talaga ito sa kanya at hindi na siya makalapit pa? Paano na lang ang mga plano niya?

Tsk! Hindi pa ako tapos sa iyo Jason James Montoya. I'm gonna make sure makukuha ko ang scholarship ko.

SWEET INTOXICATION: The Tale of Margarita (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora