My Sister

361 36 1
                                    

It's hard for me to see my sister fighting for her life. Kilala ko siya, hindi siya basta-basta susuko. She'll fight no matter what.

Kaya pala ilang araw siyang naging emotional, may mangyayari pala sa kanyang di namin inaasahan. It's a sign from her. Kinabahan rin ako kanina, when suddenly out of nowhere nalaglag ang paborito niyang mug. Nasa cafe kami ni Eren non at nagpapahinga dahil halos kararating lang namin galing sa byahe.

Now that she's out of danger at nasa ICU na siya after 6 hours of operation, medyo nakahinga na rin ako ng maayos. Nagbleed pala ang puso niya kaya siya nagcardiac arrest. Kahit na muntik ng hindi magfunction ng maayos ang puso niya, it's a miracle na napatibok ulit niya ito. Hindi ko alam kung paano nila naayos si Rae. Sobrang liit lang naman daw ng gasgas sa puso niya, they manage to stitch it up a bit. Napakaskillful ng mga doctor na 'to and I didn't even know that it's possible.

She has two broken ribs, fractured din ang clavicle at left wrist niya. Possible daw na binugbog siya. Hindi ko pa alam kung anong naabutan ni Levi na ginagawa kay Rae, hindi pa namin siya makausap ng maayos.

Hopper's group was being taken care of. May kinausap kami ni Eren na dati naming schoolmate sa college, mataas ang ranko niya sa pulis. May lead na sila kung saan nagtatago sila Hopper.

Inisip ko, wala bang mga magulang ang mga taong yun? Wala bang gumagabay sa kanila at nagagawa nila 'to sa kapwa tao nila? Hindi ba nila pinahahalagahan ang buhay ng iba? Grabe na sila.

Umuwi muna ako ng condo para makapagpahinga. Si Eren muna ang bahala sa mga bata. Ilang araw (almost 3 days) na rin akong walang tulog, ayaw ko sanang umalis sa ospital but Eren insisted. Andun rin naman sila Leah kaya ayos lang.

I took a shower first. Hindi ko maiwasang hindi maawa kina Rae at Levi. Hindi ko naman sinisisi si Levi sa mga nangyari. He's trying to protect Rae, alam ko naman kung gaano niya kamahal ang kapatid ko at hindi rin naman niya kagustuhang masaktan si Rae. Pareho silang biktima sa sitwasyong ito.

Nakahiga na ko sa kama ng tumunog ang cellphone ko. It's Eren.

"Pre? Anong nangyari?"

"Everything's fine. Don't worry. It's about Hopper. He's dead."

Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano. "How?"

"Thanks to Greg. Bago siya nahuli ng mga kagrupo niya na nagsusumbong samin, at mabugbog. Siya ang nagtip kila Jamie about the whereabouts of Hopper and Miguel. Nagkaron ng shoot out, Hopper was the first to die. They caught Miguel and the others."

"Where's Greg?"

"Sa ospital. Medyo malala din nangyari sa kanya. But don't worry, nasa kulungan na sila Miguel."

"Salamat naman sa Diyos. Kamusta sila Levi? Si Rae?"

"Rae's doing good, mas lumalakas na daw ang heartbeat niya. Levi's awake. Nako, kung alam mo lang. Hirap kaming irestrain. Halos hugutin ang swero at gustong puntahan si Rae." Pagtawa niya.

"Nako. Talaga naman. Alam na ba niya about Hopper?"

"Not yet. Wag muna. Baka mamaya di namin mamalayan, umalis na. Kilala mo naman 'to."

"We can relax now. Thank God. Sige Eren, magpapahinga na ko. Ikaw ng bahala sa mga bata ha."

"Sige pre."

I cut the call and sleep well.

❤️❤️❤️❤️❤️

Levi's POV

I woke up with a start at masakit ang buong katawan ko. I don't know how long I am sleeping. Pagtingin ko sa paligid, nandon si Kuya Eren, Leah at Jamie.

"Guys? Si Rae?"

Leah chuckled. "Hi Levi."

"Leah? Si Rae? Asan siya?"

"She's in ICU of course. And she's doing great. She's fighting for her life. Don't worry about it." Sagot ni Kuya Eren.

Sinapo ko ang ulo ko. My mind's a bit muddy, but I can still remember everything. Rae, she almost died. Napaluha ako.

"Levi. Masakit ba ulo mo?"

"Si Rae kuya. Si Rae."

Niyakap ako agad ni Kuya Eren. "Don't stress yourself Levi. Ano ba? Please. Ok na si Rae. Sabi lang ng doctor she needs to rest more. In shock din kasi ang katawan niya kaya hanggang ngayon hindi pa siya gumigising. Tinanggal na yung respirator kaninang umaga. She can breath on her own. Her heart's more stronger today. She's fighting. Kaya relax ka na."

"It's because of me kuya. It's because of me."

"No. It was Hopper ok? Wala kang kasalanan. Please Levi. Magrelax ka na. Ayoko ng bigyan ka pa nila ng pampatulog. Ano ba Levi!"

I tried to relax. Kahit masakit pa ang katawan ko nagpupumilit akong umupo sa kama. At least she's ok now.

"I want to see her. Nakuha niya ba yung dugo ko kuya? Naisalin ba sa kanya? Kuya!"

"Yes. Huling bag na sinalin yung sa'yo. Relax. Mamaya magpapaalam tayo sa doctor mo."

"NO! I WANT NOW!" Agitated na ko.

"Levi!!!!!!!" Kinotongan ako ni Kuya.

Tinignan ko siya ng masama. "Pwede ba!"

Nagtatawanan sila. "Anong nakakatawa?" Nakakainis mga 'to!

"Relax ka na kasi. Langya naman 'tong batang to! Jamie. Pakitawag nga yung nurse. Humiram ka ng wheelchair." Matawa-tawa si Kuya.

Lumabas na si Jamie. At maya-maya pa'y dumating na siya kasama ang isang nurse na may tulak-tulak na wheelchair. Inalalayan nila kong makaupo sa wheelchair and they wheel me out papuntang ICU. Naiwan si kuya sa kwarto ko.

It's been 3 days since mangyari ang trahedya saming dalawa. Sabi nila wala pang balita about Hopper. Di ko na muna inintindi yon.

Pinayagan nila kami ni Jamie na pumasok, while Leah stood outside the window. Pinaggown muna nila kami, hair cap at mask bago pumasok ng room. Tinulungan akong tumayo ni Jamie sa gilid ng kama ni Rae.

Nagkakulay na ang muka niya. Medyo nagviolet na ang pasa niya sa pisngi at mapula na ng konti ang kanyang labi. I miss her voice, her smile, her kisses. I miss Rae so much.

"Hi baby." Hinawakan ko ang kamay niya with my free hand. "Magaling na ko Rae. I expect na ikaw din. I'll be waiting for you here." I smiled.

Hinaplos ko ang muka niya. Lumilitaw na ang ganda niya. And she needs to wake up.

"Bilisan mo ng gumaling ha. Itutuloy ko na yung surprise ko sa'yo." Hinaplos ko ang labi niya. "I love you."

Selfish Heart (A LeviHan Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon