Rae

685 62 10
                                    

I found Rae a very comfortable person to live with. As long as she's giving me the space I needed for myself, ok siya sa'kin.

Mabilis niyang natimpla ang ugali ko. When I say no, alam niya. When I say yes, alam na niya. Pero sa isang bagay kami muntik mag-away. Sa pag-inom ng gamot ko.

She will stay inside my room hangga't hindi niya nakikitang nilulunok ko ang gamot ko. One time kasi nahuli niya ko, nakita niyang itinapon ko sa bin yung mga gamot ko. Dun siya nagalit. Nabigla lang ako kasi ngayon lang ako napagsalitaan ng ganun.

"Tignan mo 'tong taong to. Ikaw na nga 'tong inaalagaan, ganyan pa ginagawa mo! Alam mo ba kung gaano kamahal yang mga gamot mo? Alam mo ba kung ilang sentimo ang inipon ng nanay at tatay mo para mabili yang gamot mo na yan. Tapos itatapon mo lang? Kunsiderasyon naman sa kung anong meron ka!" Nakapamewang pa siya. Ako naman nakaupo sa computer chair habang nakatingin sa kanya at pigil ang paghinga.

"Do you think afford yan ng ibang taong may kaparehong sakit sa'yo? Mag-isip ka nga Levi. Kaya walang tumatagal na PN sa'yo eh kasi ang tigas ng ulo mo!"

Dafuq this girl. Pero bago ako makapagsalita, kinuha niya ulit ang mga lagayan ng gamot ko. She uncapped it at kinuha ang kamay ko. This is the first time she touched me. Inilagay niya ang mga gamot sa palad ko.

"Sa ayaw mo't sa gusto mo, iinumin mo yan sa harapan ko." Ma-otoridad niyang utos sa'kin.

I looked at her. Kung pwede ko lang baliin ang ulo ng  babaeng to, ginawa ko na.

"I will stay away from you if you let me do my job."

"Fine!" I hissed bago ko inumin ang mga gamot.

"If you need anything, I'll be downstairs. Intercomm mo nalang ako." Dagdag pa niya bago siya lumabas ng kwarto.

I sat there, frozen. Nakatitig sa pintuang kakasarado lang niya. This girl is very hard to scare. Pero hindi. Hindi ako papatalo sa kanya.

Every Saturday half-day siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Every Saturday half-day siya. Sa umaga ko lang siya nakikita. Pinagluluto niya ko at pinapainom ng gamot. Ako nasa kwarto, as usual. Busy kasi ako sa mga pinepainting ko. Nakasanayan ko na 'to. Pang-divert ng atensyon lalo na kung wala kaming lakad ng mga tropa. Kumalas na ko sa frat, request ni kuya. Pero kasa-kasama ko pa rin naman sila lalo na sa happenings.

Pagbaba ko ng kwarto tuwing Sabado, palaging may note na nakapaskil sa handrail ng hagdan.

"Day-off ko. Your food's at the fridge. Microwave mo nalang. Yung gamot mo, walang day-off yan. Tuloy mo pag-inom bukas. Kundi gugupitin ko yang buhok mo." Says the note.

I smirked. Try mong gupitin, baka gulpihin pa kitang babae ka.

The second week, "You know the drill Mr. Sungit."

Then on his 3rd week. "Levi, kung pwede lang. Kung pwede lang talaga. Kumain ka ng maayos."

Infairness naman sa kaniya, masarap siyang magluto at yung pinapatikim niyang recipe ng black tea sakin, ok din. Dun lang siguro kami nagkakasundo.

Maasikaso at maalalahanin siya. Hindi sa epal, pero ayos na sa kung anong trip ko. Sa kung anong atensyon ang pangangailangan ko.

Before her Saturday half-day duty on her second month, something happened. At first, hindi ko maipaliwanag kung ano yon. But, I have to confirm it.

Tuwing gabi, lalabas ako sa barandilla ng kwarto ko. Lahat naman ng kwarto namin meron nun. May sofa bed ako na laging hinihigaan don, then I will turn off all lights in my room. Andun lang ako sa ilalim ng buwan. Thinking about life and everything.

Narinig kong bumukas ang sliding door sa katabi kong kwarto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Narinig kong bumukas ang sliding door sa katabi kong kwarto. Ang kwarto ni Rae, light poured out the room at lumabas siya. Hindi niya ko napansin dahil madilim ang kinaroroonan ko. I was watching her carefully. She put her arms sa railings at tumingin sa langit. She was like that for about 5 minutes or so. Hindi kaya siya magkastiff neck nito?

Then bigla niyang pinunasan ang pisngi niya. She's crying? Then isinubsob niya ang kanyang muka sa kanyang palad. She's shaking with her silent sobs.

Parang... Gusto ko siyang lapitan. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong hagurin ang likod niya para tumahaan siya. Parang ang sakit-sakit ng nararamdaman niya para umiyak siya ng ganun. May naramdaman ako sa puso kong kakaiba.

I felt a sudden pain in my shoulder pero hindi ko na ininda yon. Mas pre-occupied ako sa nakikita kong Rae. Ang matapang at palaban na si Rae.

Sa totoo lang, maganda si Rae. Magkamuka sila ng kuya niya. Muka siyang smart at masayahin, boyish nga lang siya kung kumilos at manamit. Sexy ang katawan, at maganda ang tindig. I think.. No.. This is not what I think.

Nagsalita siya pero hindi ko marinig dahil mahina ito. Pinunasan niya ulit ang kanyang muka ng kanyang damit. Then she pursed her lips. Dinilaan niya ang mga ito. At maya-maya pa'y pumasok na siya ng kwarto niya. After ilang mga minuto, pinatay na niya ang kanyang ilaw, just a soft light illuminating the glass.

I was frozen sa kinauupuan ko. I can recall clearly how she pursed her lips and how she licked them. Kumabog ang dibdib ko. Nanlamig ang mga palad ko.

Rae.

Rae.

Rae.

Maaga akong nagising kinabukasan, I was expecting na maaabutan ko pa siya. Pero pagbaba ko, note nalang ang naabutan ko.

"Sumabay na ko kay kuya Eren. Inumin mo yung gamot mo. At kumain ka. Ginawan kita ng black tea drinks. Nasa ref, kumain ka muna bago mo inumin yon. See you on Monday."

I felt a pang of disappointment. First time ito sa loob ng dalawang buwan na nanghinayang ako dahil hindi ko siya naabutan. Dati kasi, masaya ako pag nagde-day-off siya. Finaflush ko lang sa cr ang mga gamot ko. Pero ngayon, parang iba ang nararamdaman ko. Nahihiya ako sa sarili ko at sa kanya.

As always, ininit ko ang ulam na niluto niya. Mechado, yung ulam ko kagabe. At sinilip ko ang magiging ulam ko mamaya, ang paborito kong caldereta at sweet and sour salmon. Laging one serving kung mag-iwan yun ng ulam ko.

Naabutan ko pa sila Ate Beth na dumating habang kumakain ako. Ngayon ko nalang ata sila nakita ulit. Tulad ng iba, natatakot silang lapitan ako, pero hindi ko nalang pinansin yun. Mabilis silang naglinis sa kwarto ko, spotless pag-akyat ko. Alam nila kung gaano ako ka OCD pagdating sa kalinisan.

Dati, pagkatapos kong kumain ng agahan, maliligo lang ako at matutulog ulit. Pero ngayon, I was just sitting in my computer chair. Thinking about last night. How Rae looked like beneath the stars. How she wipe her tears, how she shook with every sob she made. Pero ang hindi mawala sa isip ko ay ang kanyang mga labi. Kahit medyo malayo ako sa kanya, naalala ko ang kanyang labi. I get excited pag naaalala ko ang mga ito. Parang ang sarap niyang... Nope. Hindi.

I sighed. What's this? Ano tong nararamdaman ko ngayon? Am I really missing her? Shit! No way!

Hindi ako makapagconcentrate sa ginagawa ko maghapon, naiisip ko si Rae. Then, I surrendered. Umupo ako sa desk ko at kinuha ang aking sketch book. I close my eyes and visualize her face. I smiled a bit while remembering her face.

I finished her sketch portrait moments after, at  inamin ko sa sarili ko. I miss her already.

Selfish Heart (A LeviHan Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon