Hopper

466 46 1
                                    

2 hours din ang tinagal ng movie. Si Rae din ang umubos ng popcorn ko.

"Who the hell cries while watching a movie?" Pang-aasar ko kay Rae.

Nasa labas na kami ng cinema at papunta kaming Timezone.

"Ba't nang-aano ka? Nakakaawa si Moon-Sai eh."

"Oo nga. Siya na nga lang yung pag-asa eh. Pinatay pa. Kung ako yun, hindi ko na kinuha yung walkie eh. Sana buhay pa ko ngayon." Sagot ni Leah.

"Buhay ka pa ngayon Babe." Gio chuckled.

"I mean.. You know what I mean. Tsk." Sinuntok niya ng marahan sa braso ang boyfriend niya.

Pagdating namin sa timezone, bumili agad ang mga babae ng card. Kami naman ni Gio, busy sa pagkukwentuhan about guy stuffs. I learned na nage-airsoft sila at may mga airsoft guns siya. Pinakita niya ang mga collections niya. From small to M16, meron siya.

"If you want pre, samahan kita sa binibilhan ko. Tapos laro tayo nila Leah. Marunong din bumaril yang sina Leah at Rae. Sinama ko na sila minsan, tsaka naglaro na sila."

Wow! There's so many things I still didn't know about Rae.

"Uhm Gio. Can I ask you something?"

"Ano yun pre?" Binulsa niya ulit ang phone niya.

Tinignan ko muna sila Rae at nakapila pa rin sila. Just making sure they won't hear me. "Pano mo niligawan si Leah?"

Napatingin siya sa'kin. "Don't tell me.."

Nakakainis naman 'to! I look at him and he didn't even flinch at my cold stare.

"I show her how much I like her

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"I show her how much I like her. Ganun lang. Pareho naman na kasi kami ng nararamdaman nun eh. Nung niligawan ko siya." He smiled. "Wag ka ng matorpe. Oo, nakakaintimidate si Rae, but she's not that hard to please."

All I have to do is show her how much I like her. No, that I am crazily in love with her! Nope. Stalker type yun. I love her. And everything else will follow.

"Thanks pre."

Inakbayan niya ko. "Kaya mo yan. Suportahan kita."

I chuckled. "Salamat pre."

Lumapit kami sa mga babae at sila na ang nasa counter. Tig-isa silang card na binili at dumiretso agad sila sa basketball. Pataasan sila nila Leah at Gio. Nanonood lang ako. Nag-iisip ng malalim kung paano ko sasabihin kay Rae ang intention ko.

Kinakabahan talaga ko ng sobra. Iba kasi kay Sarah. Pano nga ba nangyari? Nagpakita kasi siya agad ng motibo sa'kin at hindi ko siya niligawan. We just kissed. Pero ayoko. Ayoko na ng ganun. I want this to be different. To be more special for the both of us. Iba si Rae. Iba siya. Iba ang binibigay niyang saya sa'kin. Iba ang impact niya sa'kin.

Selfish Heart (A LeviHan Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon