Weird

531 60 4
                                    

"You have a very weird way of holding your cup."

"Alam mo, andami mong napapansin sa'kin. Pulis ka ba?" Minsan naiirita na rin ako eh.

"Kakaiba lang kasi."

"I don't have to explain." I simply said at patuloy ako sa pag-inom ng tsaa ko.

Pumasok siya ng kwarto niya at hindi na lumabas ulit.

It's been 3 days since magsimula ang bagyo. Isang linggo na kami dito sa resthouse. Ang sabi, baka aabutin pa ng 5 days ang bagyo. Since ngayon, wala pa ring ilaw, kaya simula noong unang gabi, sa sala kami natutulog ni Rae. But I ended up staring at her face all night long.

Maraming linisin sa labas and I decided na maglinis na kahit umuulan. Nakakainis kasing tignan. Tapos na kasi ako sa porch kahapon. Nilinis ko ang mga nagkalat na mga dahon.

Inubos ko lang ang tsaa ko at lumabas na ko. Ang lakas pa rin ng ulan at hangin. Ang sakit ng hampas ng hangin sa katawan ko kahit nakadamit pa ko.

I started to sweep the back porch. Nabasa na ang kutson ng upuan, wala na kong magagawa dun. Itinumba ko ang bangka at tumapon ang tubig. Tas hinayaan ko ng nakataob ito. Kinuha ko ang walis at winalisan ko ang paligid.

"Hoooy Levi!!! Pumasok ka nga!!! Kita mong bumabagyo andyan ka pa!!!"

Tinignan ko siya. Her voice was muffled because of the rain pero rinig na rinig ko. She's furious! Nakatayo siya sa may tapat ng bintana ng kitchen at nandidilat ang mata niya sa'kin. Pinabayaan ko lang siya at dahil narin malapit na kong matapos.

Nagulat ako ng biglang may humatak ng damit ko. I look back at nakatayo na siya sa likod ko. She's soaking from head to foot.

"Ba't ba andito ka!? Pumasok ka sa loob!!!"

"Ikaw bakit ka nandito! Gusto mong magkasakit?" Tanong niya sa'kin.

Haist. Pasaway talaga. Binitawan ko ang walis at dustpan. Mabilis akong lumapit sa kanya and I scoop her up.

"Ano ba Levi!!! Ibaba mo nga ko!!!"

"Tumahimik ka! Pag di ka tumigil hahalikan kita dyan!"

Nanahimik siya. Nakatingin lang siya sa'kin. Ibinaba ko siya pagpasok namin ng kitchen.

"Pwede ba? Ok lang ako. Inayos ko lang yung labas. Kita mo bang tambak na yung dumi?"

"You have a death wish?" Sabi niya sa'kin.

"Ano bang problema mo?"

"Pano kung mabagsakan ka ng sanga ng puno? Ano ka ba? Bagyo yan Levi!"

"Alam mo. Ang OA mo. Si kuya nga pinapabayaan ako sa gusto kong gawin. Bat ba ikaw, lagi mo kong pinapakealaman?" Umiral nanaman pagiging gago ko. Shit. Bakit di ko mapigilan! Pigilan mo Levi. Pigilan mo!

"Alam mo kung OA ako, sana tinanggal mo nalang ako bilang PN mo."

"Rae." I said in a calmer voice. "I'm sorry."

Natigilan siya. "Your mood swings giving me a whiplash.."

"I heard that somewhere Rae." I chuckled.

She looked at me. At natawa na rin siya. Ganito kami, away-bati. Parang totoong couple.

"Ligo tayo sa ulan!!!!" Hinatak niya ko ulit palabas ng bahay at tumakbo kami sa may malapit sa dagat.

Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalaro siya sa may tubig. Nagpapahabol siya kunwari sa tubig, malakas pa rin kasi ang alon. Isang beses siyang nahampas ng malakas na alon and she fell face down. Solid.

Selfish Heart (A LeviHan Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon