Drunk

485 52 2
                                    

I almost kissed her again. Oh God! Please! Let me kiss her! Kung hindi lang siya lasing nun, I will take advantage of her. Kahit dampi lang ng labi niya, halos hindi ako makatulog sa tuwing iniisip ko yun. Now understand kung bakit ganun ang reaksyon niya ng makita niya kami ni Sarah. She's jealous!!! She likes me too!

Para akong lutang. I feel just like a girl! A teenager girl na kinikilig sa crush niya. Oh God Rae!

But when I heard about her drinking again, naasar ako. Why would she drink? Oo nga pala, nagselos. So everything that's happening to her is because of me. Shit. Hindi ko kayang patawarin ang sarili ko sa ginawa ko sa kanya. I got out of her room and I walked around the hospital. Nakarating ako sa ibang ward, sa ibang floor.

Naalala ko tuloy nung ako yung naospital. I remember dreaming or maybe I was just having an out of body experience.. But I remembered walking around the hospital. Nakikita ko yung mga taong dinadala sa emergency room. How they fight for their lives. How their relatives beg to save their loved ones' life. Yung mga batang umiiyak sa takot nila sa doctor. Yung mga staff na hindi magkanda-ugaga sa pag-asikaso sa mga pasyente nila. Dati, I thought they were all robots. But now, I feel much alive habang pinapanood ko sila.

Nakarating ako sa emergency room at malayo palang ako sa mga cubicle nakita ko na agad si Miguel. This sick bastard! Gusto ko sana siyang tuluyan na but he's holding a boy and he's with a girl. Tinignan ko ang babaeng kasama niya, halos kasing edad lang din namin ni Rae pinagkaiba lang.. Losyang na siyang tignan, dry na dry at mukang pinagsawaan na ni Miguel. I walk closer to them, nakikipag-usap siya sa nurse na nasa information desk at may lumapit sa kanilang isa pang nurse and they were led to a cubicle. Sinundan ko sila.

Nasa labas lang ako at nakikinig.

"Ba't kasi hindi mo agad pinacheck up yung bata?" Galit si Miguel.

"Eh gago ka pala eh. Habang nagpapakasasa ka sa mga babae mo, ako hirap na hirap ako kakaalaga sa anak mo. Kita mong wala akong kasama sa bahay. The fuck with you Miguel? Kelan mo aakuin yang responsibilidad mo sa anak mo? Rae will never get back to you! Binuntis mo na ko! May anak na tayo so why are you still hoping that she will have you back! Nahihibang ka na!"

"Hoy Rachel, tumigil ka ha! Ibahin mo si Rae, hindi siya katulad mo!"

"Fuck you Miguel! Kung hindi siya katulad ko, why the hell did you impregnate me? Ha? Bakit nasa'kin ka ngayon?" Galit ang babae.

Dumating ang doctor at nanahimik sila. Sumilip ako sa kurtina, mahina ang bata at mukang nilalagnat pa. Chineck ng doctor ang bata, pinakinggan ang paghinga, chineck ang mata at ang pulse rate.

"Start an IV line, then extract blood for the laboratories. Ilang araw ng nilalagnat yung bata?"

"3 days na doc." Sagot ni Rachel.

"We'll do some tests on him, just to make sure that this is not a dengue case. But for now, I recommend that we'll admit him for further observation."

"Ok doc. Thank you."

"Papaayos ko lang yung admission niyo, Sir, sumama ka sa'kin."

Agad akong tumabi sa daanan nila at lumabas ang doctor kasunod si Miguel. Gusto ko siyang hatakin at dalin sa labas para bugbugin, pero pinigilan ko ang sarili ko. Kawawa naman ang anak niya kung gagawin ko yon.

I decided na umakyat ulit sa kwarto ni Rae. While walking, tinatawagan ko si Kuya. He answered finally.

"Kuya, is Erwin there?"

"Oo bakit?"

"Kausapin ko.."

Narinig ko pang tinawag ni Kuya si Erwin. "Bayaw mo.." I heard kuya laugh. Loko talaga to!

"Levi?"

"Erwin, Miguel's here. Nakita ko siya with his son sa emergency room. Inadmit din yung anak niya dito."

Tumahimik bigla si Erwin. "Levi, just make sure he won't know na dyan din nakaadmit si Rae. Ok?"

"I will."

"Salamat."

Nagmadali na kong umakyat sa kwarto niya. Pagdating ko, tulog na si Rae at tahimik na kumakain si Jamie.

"San ka galing?" Tanong agad niya sa'kin. Hawak niya ang ponkan na kinakain niya.

Pinaliwanag ko ang sitwasyon. At naintindihan naman niya, leaving the issue between Rae and Miguel.

"Kami ng bahala dyan." Pagtango ni Jamie.

"Salamat pre." Tinignan ko si Rae.

"Nakatulog siya paglabas mo. Mukang masama katawan eh. Nakipagkwentuhan lang sa'kin ng konti."

"Oo nga eh. Masyadong stress sa buhay."

"Hindi mo pala siya girlfriend. Ba't hindi mo sinabi?"

"Maniniwala ba kayo? I mean sila Kevin? Alam Amo naman yung nga yun. Asan na ba sila? Ang tagal naman nila?"

He chuckled quietly. "Lev (Liv is the pronunciation), parang hindi ka kilala ng mga yun. Kita naman sa'yong umiinit na ang ulo mo eh kaya they gave you some space. Hayaan mo na sila. Baka pag andito mga yun, hindi makapagpahinga si Rae. Ikaw din, you look like hell.. Dito ka ba natulog?"

"Oo eh. Hinihintay ko pa si kuya. Dadalhan niya ko ng gamit. Hindi pa ko nakaligo." I smirked.

"Ayos lang yan. Para naman madapuan ka ng mikrobyo. You're too clean pre."

"You know me pre. Di ko matiis ang dumi."

Natawa nalang siya. Tumahimik lang ulit kami, nakaupo ako sa arm chair sa tabi ng kama ni Rae. Tinitigan ko siya. She looks haggard talaga, with those dark circles in her eyes. Then humumpak ang pisngi niya. Dry ang kanyang labi. But she's still beautiful.

I can now say to myself, we feel the same for each other. All I have to do now is wait for the right time.

Selfish Heart (A LeviHan Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon