Naked

671 61 7
                                    

Ayokong magpabigat kay Rae kaya naisip kong maligo nalang kesa ispongebath pa niya ko. Yun nga lang nanghina ako. Bumagsak nalang ako sa sahig.

Tinawag ko siya and inasikaso nanaman niya ko. Alam ko, nahihirapan na siya sakin. Imbis mapadali ang trabaho niya, mas lalo ko pa siyang pinahihirapan.

I was naked. Pero hindi siya nagdalawang isip na samahan pa rin ako sa loob. Awkward kasi 2nd time kong maging maging hubad sa harap ng ibang tao, 1st time nung iniluwal ako ng nanay ko sa mundo.

Nakahawak ako sa balikat niya. "Shorts."

Inabot niya sa'kin ang short ko ng hindi tumitingin. I struggled to wear my shorts.

"Ok na Rae." Hinawakan niya ang kamay ko bago siya humarap sa'kin.

"I guess you don't need to exercise." Tumawa siya.

"Nang-aasar ka ba?"

"Ai hindi naman." Pero nakangisi siya.

Tignan mo tong taong to, hirap na nga siya. Basang-basa pa ang buhok at sweatshirt niya. Pero nakuha pa niyang matawa sa sitwasyon.

Inalalayan niya kong lumabas ng CR at inihiga sa kama ko.

"Rae. Magpalit ka na rin ng damit mo. Baka magkasakit ka."

"Opo. Saglit lang. Inaayos pa nga kita eh."

"Ok na ko. Sige na."

She smiled, "Babalik ako. Promise." At lumabas na siya ng kwarto ko.

Ang saya ng pakiramdam ko. Kahit na nagui-guilty ako sa nangyari. Pinahirapan ko pa siya lalo. Pero, worth it. Kanina lang nagkukulitan kami. Ang sarap pala niyang kausap? If only, nakakatawa lang ako ng maayos, hindi niya iisiping snob ako, na masungit ako. I never had this kind of fun since mom.

Lalo na nung nakita kong nanlaki ang mata niya ng nakita niya kong hubo't hubad. Gusto ko sana siyang asarin, kaso baka kung anong isipin niya. Yun nga lang, alam naman kasi niya na wala akong kakayahang gawin yun sa kanya. At, gusto ko siyang irespeto.

I lay there in my bed, still thinking about her. How she smelled, how she hold onto me as she sleeps. How she laugh at me, how she assist me as I brush my teeth and how she bathe me in the shower. Don't get me wrong, but I am so fascinated with her. I am drawn to her. I am so fucking in love with her. Something inside me stirs. Sana, sana. May pag-asa ako sa kanya.

2 weeks had passed at naging maayos na ko, thanks kay Rae sa walang sawa niyang pag-aalaga sa'kin. Lagi siyang sa kwarto ko natutulog habang hindi pa ko nakakarecover. She insisted na sa couch na siya matulog, siguro dahil nga naabutan niyang yakap ko siya nung nakaraan. Ok lang sa'kin as long as nakikita ko siya bago ako matulog.

Nagiging ayos naman na kami, nag-uusap, nagkukwentuhan, nag-aasaran. We are in a getting-to-know-each-other phase. Which is ok naman sa'kin.

Nakatanggap ako ng text galing sa tropa ko at may labas daw kami ngaun. It's already 5 pm.

"Rae. Labas lang ako." Nanonood siya ng news sa sala.

"San ka pupunta?"

"Kasama ng mga tropa. Pakisabi kay kuya."

"Uhm. Sige. Ingat ka ha."

Tumayo rin siya at sinamahan ako hanggang sa pintuan. Pinigilan ko lang ang sarili ko na yakapin at halikan siya. Pababa na ko ng bahay at dumagdag pa siya. "Pasalubong ko ha. Wag kang masyadong papagabi. Ha."

I wave at her. "Oo na. Oo na." Ang sarap pala ng pakiramdam na ganito. Yung may nag-aalala sayo. Nagpapaalala na mag-ingat ka at hinihintay nila ang pasalubong mo.

Selfish Heart (A LeviHan Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon