Cafe

663 58 5
                                    

Nabigla ako sa ginawa ni Levi. Nakakagulat lang. This Nurse-Patient relationship isn't really going very well. Naguguluhan na ko. Dati ang cold niya, minsan ayaw niya pang nahahawakan ko siya. Pero ngayon, nakayakap siya sa'kin?

"Ah. Eh. Levi. Sige na, ok na. Ok na." Bumitaw siya sa'kin. Hawak ko pa sa magkabilang kamay ko ang tong at takip ng niluluto ko.

"Sorry." Pag-ulit niya. "Ako ng magluluto dito. Maligo ka na. Aalis tayo."

Nagtaka ako. "San tayo pupunta?"

"Basta, dapat pagkatapos kong magluto dito, tapos ka ng maligo at magbihis. Ayokong naghihintay."

Seryoso siya sa sinabi niya. Ibinaba ko sa lababo ang mga hawak ko at madaling umakyat ng aking kwarto. In 5 minutes, tapos na kong maligo at nagbibihis na ko. Pagtapos ay bumaba na rin ako ng kusina. Nakahain na ang mga plato at pagkain sa lamesa.

"Ano yan?" Tanong ko sa kanya. Nasa likuran niya ko.

"Mushroom Soup." He simply said.

"Mm-hmm." Pagtango ko.

Lumingon siya sa'kin at ilang inches lang ang layo ng mga muka namin. Napaatras ako. "Ambilis mo maligo." Puna niya.

"Kailangan yun sa buhay. Kakain na ba tayo? Gutom na ko eh." Sabi ko sa kanya.

"Get the bowl please."

Kinuha ko ang nakaabang na bowl sa counter at inabot sa kanya. Ibinaba niya ito sa gilid ng stove. Maingat niyang inilipat ang soup sa bowl.

"Umupo ka na. Susunod na ko."

Sinunod ko siya at umupo na ko sa left side ng lamesa. Ibinaba na niya ang soup sa gitna ng mesa. Then pinagsandok niya ko ng kanin, at nilagyan niya ko ng tocino. Tas nilagyan niya rin ng soup ang tasa ko. Patuloy niya kong ginugulat.

"Bat nakanganga ka pa dyan? Kumain ka na."

Bwisit to. "Tse!"

Tapos, kinuha niya sa kabilang side ang mga utensils niya at nilipat niya sa tabi ko.

"Anong ginagawa mo?"

"Dito ako. Bakit ba?" Nagsandok na rin siya ng pagkain niya. Inuna niya yung soup. "Unahin mo yung soup, di na yan masarap pag malamig."

Tinignan ko ulit siya. At parang nang-aasar lang. Dahan-dahan kong hinatak ang tasa ng soup. Inurong ko ang plato ko. Dahan-dahan ko itong sinandok at nakatingin ako sa kanya habang isusubo ko ang kutsarang may soup.

"Para kang tanga! Mapaso ka sana."

Aba'y talaga naman. Karma nga! Napaso ako.

"Ayan. Di ba? Ang kulit mo kasi." Pinagsalinan niya ko ng tubig. "O, uminom ka nga. Haissst."

Ininom ko ang tubig. "Ang hapdi." Kagat-kagat ko ang dila ko habang pinapaypayan ko ng kamay.

Nagulat ako ng tumawa siya. Ang sarap ng tawa niya. I guess this is the first time he laugh for a very long time. I love the sound of it! He's so happy. O talagang natawa siya sa nangyari sakin.

 O talagang natawa siya sa nangyari sakin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Selfish Heart (A LeviHan Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon