Can't Sleep

502 61 2
                                    

I can't sleep. Ganito ako pag naputol na ang tulog ko. May slight insomnia ako.

Beside me, Rae's sleeping soundly. Hawak ko pa rin ang kamay niya. Pero lumuluwag na ang hawak niya. Maya-maya pa'y tumagilid na siya at napabitaw na ko sa kanya. Nakaharap siya sa'kin. Nakakatawa yung itsura niya. Tapos, hinatak niya ang unan sa pagitan namin, habang ang isa sa paanan niya ay sinipa niya.

"Ang gulo naman nitong matulog! Ano ba naman to."

Umupo ako at hinatak ko ang kumot niya at ikinumot ko sa kanya.

"Le.. Vi.." She whispered.

Tinignan ko siya, akala ko gising siya pero nakapikit parin siya.

Nakatitig lang ako sa muka niya. Para akong nahihypnotize sa kaniya. Unti-unting lumapit ang muka ko sa muka niya.

"Levi..." Then she sighed. Napakalambing ng pagkakatawag niya sa'kin. I can't seem to take this anymore.

Dahan-dahan kong inilapit ang labi ko sa kanyang labi. Pero napahinto ako.

Rae. Mahal na kita. What can I do to make you love me too? I want to stop your pain, pero kahit ayaw mo na kay Miguel alam kong siya pa rin ang mahal mo.

Gumalaw ang kanyang ulo at halos face to face na kami.

"Vi.." She sigh. Is she dreaming of me?

I stroke her cheek. Ang lambot nito at ang init. What more can I give to make this girl love me?

Sana noon pa kita nakilala. Noon pa. Para hindi na ko naging ganito kagago. I regret making those mistakes in my past. Pero anong magagawa ko? Ganito na ko. If only I have met you before everything. Masaya sana ako ngayon. Nagtatrabaho katulad ni kuya. Normal katulad ng ibang tao. Hindi yung nagkukulong lang sa kwarto. Hindi yung kinakaawan ang sarili dahil napaka-useless kong tao. Hindi galit sa mundo. Gusto kong sabihin sa'yo kung gaano kita kamahal, pero natatakot ako. I'm afraid to be rejected again. Takot na kong mag-isa Rae.

I sigh. I still have one problem in my mind right now. Hopper. Alam ko babawi siya sa'kin. Baka this time, tuluyan na nila ako. Hindi ako takot sa kanila. Mas takot akong isipin na, mawawala ako at hindi ko na makakasama si Rae.

Kumabog ang dibdib ko. Bakit ngayon pa, kung kelan nagkakaliwanag na ang buhay ko? Bakit ngayon pa na nakilala ko siya? Baka pati siya maidamay ko sa kagaguhan ko.

Levi! Mag-isip ka!

No. She's mine only! If it comes down to that, kaya ko siyang ipagtanggol. Kaya ko siyang protektahan. I will do anything! Everything to keep her safe. Wag lang siyang mailayo sa'kin.

Humiga na ulit ako and I close my eyes. A little longer now, I know makakatulog ako.

Naalimpungatan ako. May mabigat sa tagiliran ko. Nakayakap ang braso niya sa katawan ko at nakasubsob ang muka niya sa likod ko.

Oh God! Thank you sa araw na 'to.

Nagkaron ako ng purpose sa buhay ko. Nagkaron ako ng dahilan para ipagpatuloy ang buhay ko at si Rae yon. I lay there quietly. Not moving a muscle. She's still sleeping.

Maya-maya'y bumuntong hininga siya. And she inhaled deeply in my neck. Nakakakiliti ito pero tahimik pa rin ako.

"Hmmm.." She moans.

Shit! Ba't ganito ang nararamdaman ko? I want to hold her close.

Gumalaw ang kanyang brasong nakapatong sa'kin, hindi niya pa ito tinatanggal. Then, unti-unti niyang tinanggal ito pero humawak siya sa tagiliran ko. Inilayo niya na rin ang muka niya sa likod ko.

Selfish Heart (A LeviHan Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon