Getaway

413 41 1
                                    

I wear my favorite checkered polo shirt over my black sando, with my tokong shorts and rubber shoes. I pulled my hair into a messy ponytail and also wear a pair of sunglasses.

Nalasing na ko kagabi at hilo na ko ng inakay ako ni kuya paakyat ng unit niya. Good thing, medyo nakaimpake na ko ng konti. Di ko alam kung hanggang kailan kami ni Levi sa resthouse nila kaya isang maleta ang hinanda ko.

Habang hinihintay namin sila, inayos ko muna ang bulaklak na bigay ni Levi. Matagal na rin since nakatanggap ako ng bulaklak galing sa opposite gender ko. Combination of red, lavander and white roses ang bigay niya sa'kin. I also took a picture of it.

Kuya Eren called us at nasa baba na daw sila ng condo kaya nilock na ni kuya ang pinto ng unit niya at bumaba na rin kami.

Sinalubong kami ni Levi sa lobby. He's wearing a black polo and black jeans. Nakaslippers lang siya. Ganito siya pumorma. Akala mo laging corporate ang pupuntahan niya kahit nakaslippers.

"Ganda ng porma ah. Naka slippers?" Pang-aasar ko sa kanya.

"Good morning to you too." Pagtawa niya.

Isinakay na namin sa van ang mga gamit namin. Nasa likod ng van ang dalawang kotse, kinawayan ko sila. Nagpacute naman sila sakin. Magkasama sa kotse sina Kevin and Jamie on the wheels, then si Samuel and Danny on the wheels. Natawa lang ako sa kanila. May surf board sa taas ng mga kotse nila.

"Marunong silang magsurf?"

"Oo. Magaling magsurf si Kevin at Danny. Kaso, as if naman makakapagsurf sila. Puro isla kaya." Matawa-tawa siya.

Pumasok na kami ng van. Katabi niya sa harap si Gio, katabi ko naman si Leah, at sa likod sila Kuya.

"Ikaw? Marunong kang magsurf?" Tanong ko.

Natawa si Kuya Eren. "He stood up once! And ended up in the bottom of the sea."

Inimagine ko si Levi in a surf board. Naka shorts at topless. Wow! Just wow!

"Stop imagining it Rae. I'll kill you!"

Natawa ako sa kanya. "Kapal mo ha! Sige. Sa La Union tayo! Maganda magsurf dun. Pwede ba yun? La Union?"

Tinignan ko si Kuya Eren. "Sige. Pwede. Tutal bakasyon naman 'to eh." He smiled.

"Yes!!!!!" Naexcite tuloy ako lalo.

"Paturo kami magsurf! Babe! Paturo ka rin para dalawa tayo." Pagtawa ni Leah.

"Hindi ako marunong lumangoy!" Sagot ni Gio.

Natawa kami. "Edi, babye." Sabi ko. Tumawa kami.

Nagwear off na rin ang excitement ko at nakatulog na ulit ako. Magkasandalan kami ni Leah sa upuan.

Nagising nalang ako ng gumalaw si Leah. Nasa harap kami ng bus stop. I looked outside at nakapark sa magkabila namin ang ibang kotse at nasa labas na ang mga sakay nito. May resto din dito at mga stand ng mga pasalubong.

"Breakfast na tayo." Si Kuya Erwin.

Umunat ako at binuksan naman ni Levi ang pinto namin. Ngumiti siya sa'kin at inalalayan niya kong bumaba, ganun din kay Leah.

Selfish Heart (A LeviHan Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon