Kabanata 6

3.8K 75 0
                                    

Halos magpantig ang dalawang tenga ko sa narinig ko. Anong sabi nya?

"Anong sinasabi mong anak ko yan ha?" I was caught offguard ng lumapit sya sakin dahilan para mailang na ako. At hindi ko na ring magawang tingnan sya.

"Bakit hindi ba? Kasama ka sa punishment kong ito kaya kung sa ayaw at sa gusto mo ay ikaw ang nanay ng batang ito kaya dalhin mo sya" at basta na lang nyang binigay ang bata at pagkatapos ay basta na lang syang umalis.

Gusto ko mang sumigaw dito sa hallway ay di ko magawa dahil on going na ang klase. Nakakainis ang lalaking yon, namiss ko tuloy ang klase ko dahil sa kanya.

Kaya bumalik na lang ako sa kwarto ko at inihiga ang bata sa kama ko ng pagkalapag ko pa lang sa kanya ay basta na lang syang umiyak. Kaya dali dali ko na lang sya muling binuhat pero wala talaga at patuloy lang sya sa pag-iyak. Gusto ko mang patigilin sya sa pag-iyak ay hindi ko alam kung paano. Paano nga bang nagpatahan ng isang baby?

Naiinis na ako kaya muli ko na lanv inihiga ang baby kahit patuloy parin itong umiiyak at kinuha ang phone ko sa bulsa. Kailangang kong makausap ung lalaking yon. Sakin bigay ang responsibilidad nya, nakakainis. Parusa nya ito diba? Bakit ako ang pinaparusan ata?

Pagkatapos ng ilang ring ay sinagot na rin ni Steppe.

"Pasensya ka na ngayon ko lang nasagot may klase e at saka bakit may batang umiiyak dyan? Anak mo ba--" hindi ko na sya pinatapos sa kanyang pagsasalita.

"Steppe, kaklase mo diba si Fahrenheit? Pakausap naman sa kanya oh."  sabi ko. Nag-aalala na ako, bigla ko kasing naalala ung sinabi ng Counselor na maaaring madagdagan pa ng another one week kapag di naalagan ng mabuti ung baby.

"Scarlet, di ka kasi pwedeng basta na lang kausapin si Hoang Tu Fahrenheit, pasensya ka na" nagtiim bagang na ako. Nawawalan na ako ng pasensya dito.

"Nasaan kayo? Anong room yan?"

Nabalot sandali ng katahimikan at sandaling di nagsalita si Steppe.

"Scarlet, pasensya na talaga--"

"Tinatanong kita, anong room yan?" di ko na napigilan ang sarili ko at napalakas na ang boses ko na maaaring nagpagulat kay Steppe at bumakas na sa boses nya ang takot.

"Dito sa east side, second floor" at sa isang iglap at nagtelefort ako at nandito na ako sa room nila. Lahat ay nabigla sakin. Mabuti na lang talaga ay wala na yung teacher nila dito.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa may likuran kung nasaan si Fahrenheit ng bigla na lang akong pigilan ni Steppe.

"Scarlet, wag. Pakiusap wag. Sya ang Hoang Tu ng Adetram. Di sya bastang nilalapitan."

"Steppe, wag kang mag-alala. Kakausapin ko lang ang Hoang Tu nyo. Wala akong masamang balak sa kanya" matagal bago ako pinadaan ni Steppe. Siguro'y nagdadalawang isip sya. Nagbigay din ng daan ang mga Tovenaar na madadaanan pero nanatili ang kakaibang tingin nila sakin.

Bigla kong naisip, di ko pa pala nasasabi kay Steppe na yang Hoang Tu na yan ang sa kasamaang palad na Ku Liefde Deva ko. Hay, sad life.

Nung nasa harapan na ako ni Fahrenheit ay tinginan nya lang ako at pagkatapos ay tinuloy ang pagbabasa ng isang libro.

"Anong kailangan mo?" walang emosyon nyang tanong. Seryoso? Ito ang Hoang Tu? Ugaling kanal e. Kay sama ng ugali.

"Yung baby umiiyak, di ko kayang patahin" naiinis kong sabi. Totoo un, di ako marunong magpatahan ng baby.

"Ano naman sa akin yon? Anak mo sya diba? Problema mo sya." Alam mo ung pakiramdam na gustong gusto mo ng sumigaw pero nagbibigay ka dahil ang Tovenaar na kausap mo ay isang Hoang Tu sa harap ng mga narito.

"Nasisiraan ka na ba ng bait? Anong anak ko sya? Clearly, wala kang mata tingin ang malinaw.Basta, sumama ka na lang sakin" Naging mabilis ako at hinawakan ko ang pulso nya at nagteleport ako kasama si Fahrenheit sa kwarto ko kung saan hanggang ngayon ay umiiyak padin ang baby.

Nakakaasar, dalawang linggo ko na ng aalagaan ang baby-ng ito.

Basta ko na lang binitawan ang pulso ni Fahrenheit at binuhat si baby at binigay ko kay Fahrenheit.

"Patahanin mo sya. Di ako marunong" tinanggap naman nya ang baby at tiningnan nya lang ako as if di sya naniniwala sa sinasabi ko.

"Kawawa na ang Ku Liefde Deva mo, paano na lang kung magkaanak kayo. Di ka marunong mag-alaga ng magiging anak nyo.

Itutuloy ...

The Land for Mages ✔️Where stories live. Discover now