Kabanata 3

4.5K 84 0
                                    

"A-a-asawa?"

Tumango sya habang kinikilig.

"Yeah. Bakit di ko pa ba nahahanap ang Ku Liefde Deva mo? Ako kasi, hindi na ako nahirapan daw nung unang beses naming magkita ni Josh ay may naramdaman akong kakaibang pakiramdam at sa pamamagitan lamang ng pagtingin namin sa isa't isa ay nakita ko na ang future sa kanyang mga mata idagdag mo pa ang pagkukulay asul ng mga mata" sabi nya habang kinikilig.

At hindi nga sya nagkamali ng dahil may isang lalaki na ang lumapit sa kanya at sandali syang hinalikan sa pisngi at nagkwentuhan sila na para bang nalimutan na nilang nandito ako at pinapanuod sila. Ito yung lalaking kasama dun sa apat at nung namukaan ko na ung parang pinakaleader nila ay na-asar na ako at umiwas na lang ng tingin. Nakakaasar lang ha.

Tapos sinabi nya pang sya ang Ku Liefde Deva ko? Wag na lang! Pero kapag inayawan ko sya ay mamamatay ako kaya. Sige, gusto ko sya, gustong gusto. Note the sarcasm.

Basta kumain na lang ako. Di ko na lang pinansin itong nasa harapan ko, masyado pang maaaga para manuod ng Asukal.

"Hoang Tu Fahrenheit ,di ba sya ang Ku Liefde Deva mo? Bakit mo sya lapitan sa upuan kaysa naman hayaan lamang si Josh at Steppe dun diba?" Narinig kong tanong ng kasama nung lalaking leader nila .

"Have you gone nuts? I cannot do that. Hoang Tu is only for his Cong Chua. And just by looking at her, she's definitely not a Cong Chua" narinig kong tugon ng lalaking mayabang na yan na sa kasamaang palad ay Ku Liefde Deva ko.

Pero why I have this feeling na ako ang pinag-uusapan nila. Kaya mas lalo akong nakinig sa pinag-uusapan nila dahil alam kong nasa likuran lang namin sila.

"Paano mo naman nasabi? Malay mo, she's the key para makabalik na tayo ng Adetram"

Adetram. Ulit ko sa isipan ko, anong lugar yon at parang ngayon ko lang narinig.

"No. I don't see any--- wait? Is she listening?" Bigla na akong kinabahan. Paano nya nalaman na nakikinig ako? Face palm. Duh, Tovenaar ang mga nag-aaral dito. Kahit sabihin mong may half-Tovenaar at half-Ihmisen ay classified parin silang Tovenaar.

"Really? She's amazing. Imagine, first time nyo palang na magkita ay nahimatay agad sa kagwapuhan mo, bro" at nagtatawa na ang dalawang kasama nyang nanduon. Buti na lanv talaga at nalayo sakin ang topic.

"Cone is right, Hoang Tu Fahrenheit"

"When you plan to mark her?"

"I don't have any" nagkaroon sila ng konting katahimikan. Napansin ko ring daming fan girls ang nandito at pinagmamasdan ang tatlo dahil si Josh ay busy-ng kakwentuhan si Steppe.

"Seriously? Hoang Tu, I know you know too well na kapag hindi mo sya ginawang sayo ay may posibilidad syang manghina at mamatay and same goes for you"

Natigilan ako sa narinig ko. May posibilidad akong mamatay? Pero bakit? Bakit nasa lalaking yon ang desisyon ? Paano kung ayaw nya talaga sakin? Mamamatay ako at gayun din sya.

"Parang nakakalimutan nyong malaki ang magiging parte ko sa pagbubukas ng lagusan papuntang Adetram." natahimik sila kaya hindi ko na lang sila pinansin at saka tapos na rin kasi akong kumain at tumayo na at pumunta sa next class ko.

Hindi na rin ako nakapag-paalam kay Steppe dahil busy sya.

---
Natapos ang klase at inaayos ko ang gamit kong ng wala sa sariling nilingon ko si Fahrenhiate na nakatingin sakin kaya agad na lang akong nag-iwas ng tingin. Walang emosyon ang kanyang mga matang nakatingin sakin. Nakakatakot. Kanina pa ba syang nakatingin ng ganun sakin?

Hindi na ako nag-ubos pa ng pagkakataon ng tumayo na ako at aalis na ng lecture room. Ayoko ng manatili pa dito, dadalawa na lang kami ng lalaking yon at nagsialisan na ang mga kaklase namin. Hahakbang nasa ako papalayo ng basta na lang akong may naramdamang may humawak sa pulso at iniharap nya ako sa kanya.

Natigilan ako at nakita ko ang walang emosyon sa mukha nya. Nabigla na lang ako ng nilagay nya sa pisngi ko at kamay nya at unti unting nilapit ang mukha nya sakin.

At sa isang iglap ay naglapat na ang aming mga labi. Nung una ay tinutulak ko na sya pero masyado syang malakas. Pero ngayon ay hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit tinutugon ko na ang halik nya.

First time ko itong mahalikan pero bakit parang nagiging expert ako dahil sa lalaking ito?

Itutuloy ...

The Land for Mages ✔️Where stories live. Discover now