Kabanata 15.1

3K 44 0
                                    

Axel's Pov

"Abierta Magica Barrera. Pakinggan ang aking tinig ako'y sundin at pagbuksan ang aking hiling." isang matamis na ngisi ang gumuhit sa aking mukha.

Isang taon at tatlong buwan na ang lumipas at ngayon pa lang namin sinisimulan ang matagal ko ng balak. Bakit? Dahil sa loob nb isang taon at tatlong buwan ay ginugol namin ang lahat ng panahon namin sa pag-aaral ng spells, magic at kung anu ano pang magagamit namin para makamit ang matagal na naming hiling.

Isang ngisi rin ang gumuhit sa mukha ng aking mga kasamahan. Totoo mang hindi kami Mage na kagaya nila ay magagawa rin namin ang kakayahan meron sila at sa oras na makapunta na kami ng Adetram ay makukuha ko na ang matagal ng naagaw sakin.

Isang babae ang lumitaw. Hindi na ako nabigla dahil pinag-aralan ko rin ang tungkol sa mga Mage.

*Translation to the conversation*

"Bakit kayo nandito anong kailangan nyo?" tanong ng babae. Akala siguro nitong di ko naiintindihan ang salitang sinasabi nya.

"Masyadong mahina ang iyong isipan. At ang dahilan na nandito kami ay hindi mo alam?"  pinagtawanan ko pa sya. Nanlaki ang mga mata nya at siguro ay nabigla daw naintindihan at nasagot ko ang katanungan nya pero sayang pa ang panahon kung mananatili lang kaming nakikipagkwentuhan sa babaeng ito.

"Imposible! Tanging Tovenaar lang ang nakakaintind--"  hindi na natapos ng babae ang sinasabi nya ng basta na lang syang binato ng apoy ng isa sa mga kasamahan ko.

Napangiti at napathumps up pa ako sa kanya.

"Tara na. Ayokong maubos pa ng oras natin sa kagaya nya" nauna na akong maglakad papasok at agad bumungad samin ang kagubatan.

"Anong klaseng patibong 'to?" saad ng isa sa mga kasamahan ko. Sandali ko syang tiningan at pagkatapos ay pinagpatuloy ko lang ang aking paglalakad habang sila ay nakasunod lang.

"Be quiet."

Hindi pa kami nakakalayo ay may nakita na kaming Mage at mukhang naalarma ang isa sa kanya kaya agad naghanda pa sa kanilang pag-atake.

Napangisi ako. This is going to be fun.

Itutuloy ...

The Land for Mages ✔️Where stories live. Discover now