Kabanata 17

2.9K 44 0
                                    

Fahrenheit's Pov

Pagkatapos dalhin si Scarlet sa kanyang kwarto ay alam ko ng kinitil na nila ang buhay ni Mahika. Napakuyom kamao at nagtiim bagang ako. Hindi ko inaasahan na ganito kabilis anv pangyayaring nakasaad sa propesiya.

Hindi ko inaasahan na sa loob lamang ng isang taon at tatlong buwan ay maaaring mawala sa amin ang matagal naming hinanap ng halos isang daang taon.

"Maghanda ang lahat. Nandyan na ang ating mga kaaway!" pagkasabi ko nun ay syang nagsipaghanda naman ang aming mga kasamahan. Ang iba ay nagbagong anyo dahil sa kanilang kapangyarihan, ang iba ay nilabas na ang kanilang kapangyarihan.

Hangga't kaya ko, iingatan ko si Scarlet hanggang sa makakaya ko. Hindi ko hahayaang mapalipatan sya ng Ihmisen na nakasulat sa propesiya.

Hindi na ako nabigla ng malaman kong may mga angkin kaalaman din sa mahika ang mga Ihmisen na basta na lang pumasok dito sa Adetram. Dahil nalaman ko din ang balitang lahat ng Tovenaar na natira sa Crea ay pinatay nila. Maliban sa isa ..

"Don't you want to surrender?" napalingon ako dun sa nagsalita. Katatapos ko lang patayin ang creature na nilikha nila na kung lalabanan ay bang hirap talunin.

"Sa tingin mo ba ay susuko ako agad sayo?" walang emosyon kong saad. Walang emosyon ko syang tiningnan.

"I know you'll gonna say that that's why I'll gonna kill you first." at sa hindi ko inaasahan ay naging mabilis sya at mabilis din tinapat sa leeg ko ang kutsilyo.

Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla pero hindi ko yon pinahalata dahil panigurado ay gagamitin nya lamang iyon para mas lalo akong sindakin.

"Hana, dul, set ..." nagsimula na syang magbilang in korean at magsisimula na nya sanang hiwain ang leeg ko gamit ang kutsilyo nya ng bigla na lang nagliwanag ang paligid at agad akong nabalot ng gold glitter like dust hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili ko sa isang silid kung saan katapat ko lang ang halos wala ng buhay na katawan ni Scarlet na nakatali sa may upuan.

Nilibot ng paningin ko ang buong paligid. Nasaan ako? Bat nakatali si Scarlet?

Tatayo na sana ako ng may narinig akong sunod sunod na palakpak. Sinundan ko sya ng tingin pero di ko sya makita dahil nananatili sya sa dilim.

"Sino ka? Ikaw ba nagdala sakin dito? Bat nakatali si Scarlet?" marami pa sana akong tanong ng sa isang iglap ay biglang naging zipper ang aking bibig at dahil sa pagkabigla ay nanlaki ang mga mata ko.

"Aish. Loud people are the worst" at nagpakita ang isang lalaking may itsurang Ihmisen pero base sa aura nya ay may lahi itong Tovenaar.

"Let me guess, ikaw ba ang Hari ng Adetram? The so-called King Fahrenheit?" at pagkatapos nyang sabihin yon ay tumawa lang sya at sinampal ng malakas ang mukha ko at di pa sya nakuntento at sinuntok nya pa ito ng malakas dahilan para bumagsak ako sa sahig at tuluyan ng dumugo ang mukha ko.

Pinipilit kong gamitin ang kapangyarihan ko kaso di ko magamit. Parang may elementong pumipigil dito.

"Your magic won't work. Hinding hindi mo magagamit ang mahika mo dahil gumamit ako ng spell para pigilan ito. Such a shame, akala ko pa naman bilang isang Hari ng isang lugar ay magaling ka pero siguro ay nag-assume lang pala ako sa mga bagay dahil mas mahina ka pa sa langgam." at pagkatapos non ay nagsimula na syang pahirapan ako.

Hindi ko alam kung bakit nya ako sinasaktan ngayon pero ang tangi ko lang naiisip ay si Scarlet.

"Anong ginawa mo kay Scarlet? Anong ginawa mo sa Reyna ko?" pasigaw kong sabi.

Hindi nya ako tiningnan bagkus ay nilingon nya ang halos wala ng buhay na katawan ni Scarlet at nagawa nya pang tumawa.

"Minsan, hindi na kailangan ng bibig magpaliwanag dahil mismong mga mata mo na ang magpapaliwanag dito" at pagkatapos ay nilingon nya ako.

"Gusto mo bang isunod na kita sa kanya, tutal kapag napatay ko na kayong dalawa ay automatikong saakin mapupunta ang kaharian ng Adetram" at tumawa pa muli sya.

I feel so hopeless and helpless. Scarlet, ano bang nangyari sayo?

Itutuloy ...

The Land for Mages ✔️Where stories live. Discover now