Kabanata 1

10K 133 2
                                    

20 years na rin ang lumipas at nakaalis na ako sa malupit na pangangalaga sakin ng aking tiyuhing si Mang Aram. Nalaman ko lamang na hindi ko sya tunay na kadugo nung aksidente kong narinig ang kanilang usapan ng kanyang mga kainuman.

Nasaktan at nagdamdam ako, pakiramdam ko kasi wala na talaga akong kadugo dito sa mundo. Pakiramdam ko ay wala namang nagmamahal sakin at marahil dahil sa lungkot na nararamdaman ko ay hindi ko na lang napansin na naglalakad na pala ako sa gitna ng kalsada ng may narinig akong malakas na pagbusina ng sasakyan.

Maaaring by impulse ay tinapat ko ang kamay ko sa harapan ng truk at sa hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang itong tumigil.

Nanalaki ang mga mata ko at halos di ako makapaniwala sa nangyayari. Teka, totoo ba itong nakikita? Maaari kayang napatigil ko ang oras?

---

"Nandito kayong lahat dahil nakitaan kayo ng kakaibang kapangyarihan na hindi nakikita sa isang Ihmisen. Nandito kayo sa Grea, isang lugar sa mundo ng nga Ihmisen kung saan malaya nyong magagamit ang inyong angking kapangyarihan" halos wala akong maintindihan sa mga nangyayari. Nasaan ako? At anong Grea? Anong Ihmisen?

Palinga linga at pinagmasdan ko ang buong paligid. Maari kayang nababalot nga ng kapangyarihan ang lugar na ito? May mga nakikita akong magandang pagkakaayos ng bagay bagay at ang iba dito nag-iiba pa ng kulay.

"Magsisimula bukas ang inyong pagsasanay." at pagkatapos nito ay umalis na ang babaeng kaninang nagsalita at nabigla ako dahil hindi sya naglakad paalis kundi bigla syang lumiit na kasing liit ng ibong pipit at lumipad na sya papaalis.

Lahat kami dito ay namangha sa nangyari. Napalingon ako sa mga kasama ko at sa nakikita ko ay batid nila ang dahilan kung bakit sila nandito.

"Nakakatuwa naman at sa wakas ay nandito na tayo sa Grea, matagal ko ng hinihiling kay Ina at Ama na ipadala ako dito."

"Maging ako rin ay labis na nagagalak dahil natupad na rin ang takdang araw na ito para sa atin. Sa wakas ay magagamit na natin ang ating mga mahika para ibalik ang daan papuntang Adetram" 

Literal na nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig. Anong takdang araw? Mahika? Adetram? Ano ba itong mga bagay na ito? Wala akong maintindihan .

Naguguluhan na ako kaya mas pinili ko na lamang na umupo dito sa isang bakanteng silya sa may tabi ng bintana kung saan nakikita mo ang mga taong lumilipad ba yon? Teka, tao nga ba?

"Hindi ko maalis sa aking sarili na ika'y lapitan at kausapin. May bumabagabag ba sa iyong isipan?" nanlaki ang mga mata ko sa nagsalita. At nung nakita ko ang mukha nung nagsalita ay natigilan ako, grabe ang gwapo naman nito. Ako ba ang kinakausap nito?

"A-ako ba ang kinakausap mo?" sandali ko pang tinuro ang sarili ko para makumpirmang ako nga ang kinakausap nya.

Nakita ko syang natawa. "Di nga'y ika'y nakakatuwa. Ano ang iyong ngalan?"

Ano ba itong napasok ko? Masyado silang malalim magsalita, idagdag mo pa ang mga salitang di ko maintindihan.

"Ak-ako? Ano, ang pangalan ko ay Cath. Catherine, i-ikaw anong pangalan mo?"

Nabigla ako ng umupo na sya sa kalapit na silya at bahagya nyang nilapit ang kanyang mukha sa akin.

"Fahrenheit. Hoang Tu Fahrenheit"

Nanlaki na ang mga mata ko. Anong Hoang Tu?

"Ano? H-hoang tu? Ano yun?" napangiti na naman sya at sandaling tipid na tumawa.

"Isa akong tagapagmana ng aming maiit na kaharian sa Adetram. Sa isang maliit na kaharian at hindi mismo ang Adetram." dito na ako natawa. Oo nga't hindi ko maintindihan ang sinabi nya tungkol sa Adetram pero parang sapat na ang mga titig nya sa akin para masabi kong naniniwala ako sa sinabi nya.

"Ako'y natutuwa at napatawa na kita, Cong Chua" dito na ako natigil sa pagtawa. Anong tinawag nya sa akin?

"A-ano? Cong Chua?"

"Hindi mo ba alam na kapag nakita ng isang Hoang Tu ang isang Cong Chuang nakatadhana sa kanya ay mananatili na sila sa isa't isa? Mananatili sila magpakailanman?"

Hindi ko na alam kung maniniwala pa ba ako sa sinasabi nya. Una, dahil sa di ko maintindihan ang sinabi nya. Pangalawa dahil sa mga ginagamit nyang salita.

"Ku Liefde Deva"

"Ano?"

"Mananatili na sila. Katulad natin sapamamagitan ng Liefde."

Nabigla ako ng basta na lang nya akong hinalikan at dahil sa pagkabigla ko ay sinampal ko sya. Inaasahan kong magagalit sya at nakita kong nakangiti pa sya.

"Teka, bakit ka nakangiti? Sinampal na kita ah. Bakit--"

"Aking nalalaman na pareho ang tibok ng puso natin para sa isa't isa. Nakita ko ang isang palatandaang nagkulay asul ang iyong mga mata kaya isinagawa ko lang ang Seremonya ng Liefde. Ako'y natutuwa dahil nahanap ko na ang aking kapareha. Cong Chua Catherine"

Itutuloy ...

The Land for Mages ✔️Where stories live. Discover now