Kabanata 11

3.6K 65 0
                                    

Scarlet's Pov

Oras ng lunch at sabay kaming pumunta ni Fahrenheit sa canteen, wait di pala kami pumunta kundi hinila nya ako ng sapilitan. Oo, sapilitan.

"Fahrenheit .." napalingon sya sakin. Hindi sya ngumiti at pagkatapos non ay binalik na nya sa pagiging diretso ang kanyang atensyon.

"Fahrenheit .." muli kong bigkas sa pangalan nya. Ok. Aaminin ko na, alam mo yun, parang nagsasawa na ako sa pagkain dito sa canteen dito sa Crea at parang nagcra-crave ako ng fastfood sa mundo ng mga Ihmisen.

Nilingon nya ako. "Ah.. Fahrenheit, pwede bang di tayo dito kumain?" mahina kong sabi. Ayokong lakasan, alam nyo naman, Hoang Tu itong kasama ko kasama ko. Respetadong Tovenaar, Hinahangaan, Minamahal, Pinapatasya-- Wait what? No.

"If that so? Saan mo gustong kumain?"

Hindi ko na lang sinabi sa kanya at hinawakan ko na lang ang kamay nya at nagteleport na sa harapng magic barrier. Naguluhan naman akong tiningnan ni Fahrenheit.

"What are we doing here?"

"Nagugutom na ako at kung okay lang ay kumain na lang tayo sa fast foods sa mundo ng mga Ihmisen. Please, kahit ngayon lang. Namimiss ko na kasi"  nagpuppy dog eyes na ako dito at nagmamakaawa na sa kanya pero nakatingin lang sya sakin.

"Mahal ko, c'mon let's go back. Gutom lang yan" at hinawakan na nya ang kamay ko.

At dahil nga sa confirmed na nagugutom na ako ay nagtamtrums na ako ditong parang bata. Hindi ko na pinansin kung mga mga Tovenaar bang nakapaligid o nagda-date dyan sa may tabi tabi. Wala akong pakialam sa kanila.

"Fahrenheit naman e. Gagawin ko lahat ng gusto mo. Kahit anu. Basta payagan mo lang ako, namimiss ko na ang foods sa mundo ng mga Ihmisen. Please naman" pagmamakaawa ko dito. Tiningnan nya lang ako.

"Are you sure what that? You'll do everything?" I felt something weird. Anong balak nitong isa ito? Pero di ko pwedeng bawiin ang sinabi ko dahil nasabi ko na.

"Y-y-yeah .."

"Good. Let's start by calling me an endearment." nabigla at nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

"Endearment?" tanong ko na ikinangiti nya lang. Natulala ako. Ang gwapo gwapo nya talaga kahit kailan. Walang papantay.

"Your choice, baby .." at kinindatan nya pa ako. Magsisingungaling ako kung di ako kinilig sa ginawa nya.

At marahil dahil sa totally pinoproseso ko sa isipan ko ang lahat at sinabi na ni Fahrenheit ang magic words para lumabas na si Mahika, ang tagabantay ng Magic Barrier.

* Translation to the conversation *

"Cong Chua at Hoang Tu, natutuwa ako at nandito kayo. May nais ba kayong puntahan?" as usual ay wala na naman akong naitindihang sinasabi ni Mahika kaya ang tangi ko na lang nagawa ay ngumit na parang tanga dito sa may gilid.

"Actually, meron. Ang Cong Chua Scarlet ay gustong pumunta sa mundo ng mga Ihmisen para kumain sa fast food na gusto nya" Ano bang sinasabi ni Fahrenheit dito kay Mahika at parang masyadong seryoso ang sinabi nila. Dahil halatang seryosong nakikinig si Mahika.

May kinalaman ba ito sa akin? Sana naman ay wala at normal lang na nagkukwentuhan lang sila-- Teka, nagkukwentuhan? Grabe naman yan, ang lakas lakas na ng tunog ng sikmura ko dito ay nagagawa nya pang makipagkwentuhan. Nakakaasar naman itong lalaking to.

"Hindi ko inaasahan na maririnig ito. Kung gayun ay pahihintulutan ko at bubuksan ko ang harang. Sa aking nakikita ay mukhang nagdadalang Tovenaar na ang mahal na Cong Chua, totoo ba ito Hoang Tu?" nakangiting tanong ni Mahika kay Fahrenheit. Teka, ano ng pinaguusapan nila? Bakit natutuwa si Mahika at parang mamumula naman si Fahrenheit, ano bang meron?

"Wala itong katotohanan dahil sinisigurado ko sayong ikakasal muna kami bago ako magkaroon ng tagapagmana" Napangiti na si Mahika at gayun din si Fahrenheit at dahil nga sa hindi ko maintindihan ay pinanatili ko lang yung ngiti ko kahit nakakahiya na. Basta, Scarlet ngiti lang kaya mo yan.

Ipakita mong masaya ka.

"Kung gayun ay tanggapin nyo ang aking pagpapahintulot na padaanin kayo sa mahika barrera" Naging mabilis ang buong pangyayari, halos nagliwanag ng purong puti at pagkatapos nong nagmulat na ako ng mga ay nandito na kami sa mundo ng mga Ihmisen. At nag-iba na rin ang mga damit namin.

Ang saya saya! Napangiti na ako. Panigurado ay di pa sanay si Fahrenheit dito sa mundo ng mga Ihmisen--- Wait, dapat ayusin ko na rin muna ang words ko kahit sandali lang. Dahil magla-lunch lang kami dito. At dahil nga sa may powers kami ay nagkaroon kami ng pera. O, diba ang saya.

"Fahrenheit, tara na nagugutom na ako" hinihila ko na sya. Pero masyado syang malakas ay di ko sya mahila. Saklap ng life.

"Looks like, you're forgetting something!" napakunot noo naman ako sa sinabi ni Fahrenheit.

"I told you earlier na call me by a endearment" at ngumiti pa sya ng nakakaloko. Nakakaasar naman oh!

"Pero naman, Fahrenheit, yung tyan ko nagwawala na sila. Nagugutom na ako" oo , nagmamakaawa na ako. Gusto ko ng kumain. Marami kaming pera gusto kong kumain.

"I won't move unless you call me by an endearment" Hastag hopeless. Nakakainis na. Hopeless na itong isang 'to. Paano na sya masusulusyunan?

Pero habang nakatingin ako sa kanya at sya hindi nakatingin sakin ay lalo lang akong nagugutom. Umiiyak na talaga ang sikmura at kapag di ako kumain ngayon baka maging zombie na ako. At ayokong mangyari yon. May flying lesson pa mamaya.

Kaya, no choice. Pinikit ko na ang isa kong mata ko bago at habang binibigkas ko yung endearment.

"Mahal ko, tara na kasi kain na tayo"

Totoo na kaya o sadyang hanggang endearment lang itong tawag ko sa kanya?

Itutuloy ..

The Land for Mages ✔️Where stories live. Discover now