Chapter 2

1.6K 21 0
                                    

Kasabay ng pagpikit ni Clara ay ang pagdilat ng mga mata ni Amara,Totoo si Amara at ang gumawa ng kwento ay ang nanay niya.Matagal nawala si Amara sa mundo nila kaya sinulat iyun ng nanay niya at hindi totoo na patay na ang sumulat ng storya na iyun.Buhay pa talaga si Queen Amia.

Amara Pov.

Ang sakit ng ulo ko may nakita akong babae nakahawak siya sa mga kamay ko hindi ko alam kung tulog ba siya o ano.Nasan ba ako?bakit wala ako sa mundo namin?

May nagbukas ng pintuan kaya napatingin ako,isang babae ang pumasok parang nasa 40's na siya pero ang ganda parin niya.Lumapit agad siya sa babae at bigla siyang umiyak.Ano bang talagang nangyayari?hindi ko maintindihan?

"Anak ko!!!please gumising ka..Claraaa"sigaw niya habang iyak ng iyak.

"Anong pangalan mo?"tanong niya sa akin,nasa labas na ako dahil kanina ay pinalabas niya ako,ang sabi niya kumain daw muna ako dahil ang tagal ko daw tulog.
"Amara Celestial po"sagot ko.

"Ikaw po sino po kayo at bakit po umiiyak kayo kanina?"tanong ko.

"Ako si Wendy nanay ako ni Clara.Wala na kasi siya iniwan na niya ako"malungkot na sabi niya,Ganun pala kapag namatay na ang isang tao parang natutulog lang sa amin kasi kapag namatay ka maglalaho ka nalang,biglang mawawala.

"Alam mo ba kung saan ka pa nakatira?baka hinahanap ka na ng mga magulang mo.Ang tagal mo na kasi nasa amin,isang taon ka na tulog"nagulat ako sa sinabi niya ibig sabihin ang tagal ko ng wala sa mundo namin.Sigurado nagaalala na sa akin si Nanay.

"Hindi ko na po naaalala.Pwede po ba dito muna ako sa inyo"naalala ko naman talaga kung saan ako nakatira pero hindi ko na alam kung paano babalik sa mundo namin dahil ngayon lang ako nakalabas.
"Oo naman pwede ka dito.Sayang nga eh kasi hindi ka nakita ni Clara na gising ka na iyun pa naman ang gusto niya ang makita kang gising bago siya mawala"sabi niya.

"Sayang nga po sana pala gumising ako ng maaga para makita ko siya at mapasaya.Salamat po pala sa pagbantay sa akin"sabi ko,ngumiti lang siya sa akin at inaya na niya ako na pumasok na sa loob malapit na kasing dumilim.

Ilang linggo na ako dito,marami narin akong alam tungkol sa mga tao.Masaya naman sa mundo nila,pero gustong gusto ko ng bumalik sa mundo namin.

"Mara maaga kang gumising bukas ha,may pasok ka pa"sabi ni Aling Wendy.Pinasok kasi niya ako sa paraalan nung una ayokong pumayag dahil wala naman akong alam kung ano ang ginagawa nila at hindi ako normal na tao pero pinilit niya ako kaya pumayag na ako.

"Sige po,maya-maya po matutulog na ako"sabi ko ngumiti naman siya sa akin at lumabas na sa kwarto ko.Bumaba ako sa kama ko at tumingin sa bintana.Ang lakas ng hangin at ang lamig pa.

"Mom"sambit ko,sobrang miss ko na talaga sila gustong gusto ko nang makabalik sa mundo namin.

"Amara bakit nagiisa ka,wala ka pa bang kaibigan?"tanong ni Mam Lea teacher ko siya sa english.
"Wala pa po Mam"sagot ko,magisa lang akong kumain sa canteen dahil wala pa akong  kaibigan yung iba ngumingiti lang sa akin.

"Ganun ba.Sige sabay nalang tayong kumain"nakangiting sabi niya kaya ngumiti rin ako.
Hindi ko alam pero may napapansin kasi ako kay Mam lea parang may kakaiba sa kanya pero hindi  ko alam kung ano.Basta kakaiba ang pakiramdam ko.

"Sige po Mam una na po ako.Salamat po pala sa pagsabay sa akin"paalam ko sa kanya ngumiti lang siya at maharang tumango kaya umalis na ako.

The Black Butterfly [COMPLETED]Where stories live. Discover now