Nagring yung phone ko at pagkatingin ko kung sino yung tumayawa, si Lourdes pala. Minention ko yung phone ko kina Trexie tapos umiling iling siya

"Okay. Heto na.."

Agad agad hininto ni ate Jillian yung sasakyan sa harapan ni Lourdes at kaagad binuksan yung pinto ng van. Kitang kita namin kung paano nanlaki ang mga mata ni Lourdes at tatakbo sana kaso..

"Wag niyo kong-- aray ko! Wag kang manabunot!" Natatawa ako pero kaagad ko hinawakan ang dalawang kamay ni Lourdes at nakita ko rin na naglalagay si ate Jillian ng liquid doon sa panyo

"Isusumbong ko kayo! AHHHHHH KIDNAPP!!! TULONG-- HMMMPPP!!!" Nawalan na ng malay si Lourdes at napalinga linga talaga ako sa magkabilang dulo, baka kasi may makakita

Inalis ko naman yung takip ko sa mukha pati rin sila at kaagad tinulungan sa pagbuhat kay Lourdes papasok ng van. Inihiga siya namin sa likod at kaagad nalagyan ng posas yung kamay at paa. Nilagyan rin namin ng duck-tape yung bibig niya at piniringan din yung mga mata

"Juskolord! Ang bigat mo Lourdes!" Reklamo ni ate Jillian at tumawa lang kami

"So tara na?" Kaagad kami tumango at pinaandar kaagad ni ate Jillian yung sasakyan

***

"Hello? Pakawalan niyo ako please.. Pera ba ang gusto niyo? Bibigyan ko kayo pero please lang pakawalan niyo po ako.. Ikakasal na po ako.." Rinig kong iyak ni Lourdes at naawa ako

"Buksan naba natin?" Tanung ni Trexie saamin at kaagad lumapit sa likod ni Lourdes

"1..2..3" she mouthed at tinanggal kaaga yung takip sa mata sabay sigaw namin ng..

"SURPRISE!!!!"

Nagtatawanan kami nung nakita namin ang shock na mukha ni Lourdes. Kaya agad agad namin siyang tinanggalan ng posas at dun na niya kami pinaghahampas

"Mga walang 'ya kayo! Akala ko nakidnap nako!" Nanghahampas pa rin si Lourdes habang sinasabi yan

"Sorry na girl! Kailangan talaga e-surprisa eh.." Nakangiting sabi ni ate Jillian

"Tsaka Bridal Shower mo 'to. Nasa resort na kasi tayo before ka ikakasal kaya napagisipan naming e-advance nalang 'to" explain ni Trexie

"At mageenjoy tayo tonight" sabi ko nalang kahit hindi ko feel. Alam ko kasing may kalokohang magaganap mamaya

"Sabi niyo yan ah!" Nakangiting sabi ni Lourdes at kaagad kaming nagtanguan

"So let's start the Party!!" And kaagad in-on yung music at umingay kaagad dahil dalawang malalaking baffles ang nandito tapos may mga pagkain pa at iba't-ibang uri ng inumin tapos naalala ko ang sinabi ni Isaac

'Don't you ever drink and alcoholic drinks..'

***

"Go Sarah! Go Sarah!" Cheer nila sakin at kaagad ko ininum yung tequila na nasa baso at nagsigawan kami tapos lumukso lukso

Ansaya grabe.. Napatingin ako sa mga kasama ko na semi lasing na pero inum pa rin ng inum

"Wait guys!" Sigaw ni ate Jillian at binigyan kami ng tig iisang bote ng tequila tapos itinaas kaya sinunod rin namin siya

"For Lourdes na ikakasal na!!"

"For Lourdes!"

Chineer namin at ininum yung nasa loob ng bote kaso hindi ko talaga maubos ubos kaya huminto ako at nakaramdam na ako ng hilo. Heto nanaman.. Lagot talaga ako nito

"Whoooo! And for the final!" Sigaw ni ate Jillian tapos nagsingitian kaming tatlo

"Jan ka lang!" Sigaw ni Trexie nung susunod sana si Lourdes saamin. Lumabas kami saglit at nagtaka kami kasi apat na lalaki ang naghihintay sa labas na nakasuot pa sila ng maskara. Wala akong naaalala na pinapamaskara namin sila

"Hubarin niyo nga yan" reklamo ni Trexie at aabotin sana yung maskara kaso hinawakan nung lalaki ang kamay ni Trexie at umiling iling. Napatingin ako doon sa isang lalaki na nakatie.. Lahat naman sila nakatie at nakaboxer shorts kaso yung isa, parang yung jawline at labi niya pamilyar pati ang hugis ng katawan. Nagtama yung mga mata namin pero kaagad ako umiwas at umiling iling. Lasing na yata ako

"Ok na ba ha? nakuha niyo ba? Papasok na kami ah at pag narinig niyo na yung kantang careless whisper pumasok na kayo" bilin ni ate Jillian sakanila at tumango silang apat ng sabay sabay kaya kaagad kaming pumasok

Pagkapasok namin iniba namin yung pwesto ng mga single sofa tapos pinaupo namin kaagad si Lourdes

"Omaygad! Naeexcite ako! Mahal yung bayad namin nito Lourdes kaya magenjoy tayo!" Sigaw ni Trexie at kaagad kami umupo nung na play na ni ate Jillian yung susunod na kanta at hindi ko mapigilang maexcite rin

"Ayan na!" Sigaw ni Trexie nung unti unting pumasok yung apat na lalaki kasabay ng kanta

"Waaah!!" Tili nila at hindi ko rin mapigilang mapatili. Nakakaano 'to. Ay basta! Gumiling giling sila papunta saamin. Kanya kanya silang galaw para mapansin talaga namin yung mga abs at muscles nila

Gusto kong takpan ang mga mata ko kaso yung isa talagang lalaki nakatitig lang siya sakin habang gumiling giling

Nung nakalapit na sila nanlamig ako kasi hinawakan niya yung kamay ko at idinikit sa katawan niya. Namumula ako ng sobra sa ginagawa niya. Ano ba naman 'tong ginagawa namin, sana pala talaga hindi ako pumayag sa idea na 'to

"Waaah! The best 'to!" Tili ni ate Jillian at nagtawanan kami

Binitiwan niya ang kamay ko kaso yung kasunod niyang ginawa tumaas lahat ng balahibo ko at sobrang sobra na ang pamumula ng mukha ko. Eh kasi naman kumapit siya sa sandalan ng sofa tapos nag grind sa harapan ko

Napatitig ako sa mga mata niya papunta sa labi niya na ang lapad ng ngiti. Napaka pamilyar.. Napasinghap ako nung dumikit yun labi niya sa leeg ko na dahilan para mapatigil ako nung naamoy ko siya.. Patay

"Take it off! Take it off!" Nataranta ako kaya napatingin ako sa gilid ko kasabay ng pagiba nanaman ng galaw niya

"Take it off! Take it off!" Sigaw pa rin nung tatlo at napatingin nalang ako sakanya. Napatingin siya doon sa mga kasama niya tapos pumunta sila sa likuran namin at kaagad tinakpan ang mga mata namin. Ang bilis ng tibok ng puso ko kaya napapikit nalang ako at nung naramdaman ko ang hinihinga niya sa leegan ko papunta sa tenga ko doon na ako napatigil sa paghinga lalo na't pagkarinig ko sa binulong niya

"Hello wife"

***

Inoff niya yung engine ng sasakyan. Hinintay ko siyang lumabas. Nawala yata yung kalasingan ko sa nangyare

"Let's talk inside" sabi niya na naka T-shirt na at pants

Anlamig na kamay ko. Para akong isang teenager na nahuli ng ama na pumunta sa isang bar at papagalitan mamaya

Sumunod ako kaagad sakanya papasok at nung nakapasok na ako bigla niya akong isinandal sa pader and torridly kiss me. I was shock at first pero napangiti naman kaagad and snake my hands around his nape. A minute past our lips parted and he whispered the last longest sentence he ever said before we went upstairs

"Let's just talk about it tomorrow"

**

A/N: So what do you think? 😂 Any violent reactions? Questions?

Vote.Comment.Share and Love❤️❤️

Broken MarriageWhere stories live. Discover now