Mutual

499 57 2
                                    

Kinilig ako kaya ako nagtalukbong at nagsabing matutulog ako. Pano kasi yung nurse, echusera masyado! So, we have some kind of that vibe between us? Ayiiiieeee.

I can feel, may pag-asa ako sa kanya. That we have a mutual understanding between us. OMeffinG!!! Relax. Baka naman, assuming lang.

I miss him. Sa totoo lang. Yung mga araw na nasa cafe kami pareho, gustong-gusto ko siyang lapitan but I don't have the strength to do it. Nahihiya kasi ako. Umalis ako ng walang paalam sa kanya. Baka kung anong isipin niya sa pag-alis ko.

Ginagawan ko siya ng flavored tea araw-araw at ako na rin ang nag-aabot sa kanya. Tinitignan ko siya sa tuwing nagpepaint siya sa pader. Malakas ang loob ko dahil nakatalikod siya, pero pag humarap na siya, feeling ko natutunaw ako.

Now that he's here with me again, mapapanatag na ang loob ko. Lalo na about Miguel, sobra akong natakot. Baka kung anong isipin ni Kuya pag malaman niya yun. Napakapraning pa naman yun lalo na sakin. Pano, sakanya ako binilin ng mga parents namin. At pag may mangyari sa'kin, siguradong siya ang malalagot. Tsaka di ko alam na may video kami. How the hell did he find time to set up a camera in his room?

Nakikita ko si Levi, just his silhouette sa kumot ko. Nakaupo pa rin siya sa arm chair sa tabi ng kama ko at umiinom ng kape niya. I sighed. I want to tell him I like him. I love him. Pero, how?

"Levi."

"Hm?"

Tinanggal ko na ang talukbong ko. At umupo ulit. He's looking up in the ceiling. "May request ako."

Tinignan niya ko.

"Pwede ka bang maging barista sa anniversary?" Try lang kung cute siya sa uniform namin.

Tumaas ang kilay niya. "Why?"

"Sige naaaaa." Pamimilit ko.

"Give me 3 important reasons before I say yes." Humalukipkip siya at dumekwatro.

"Una. Naging worker ka rin ni Kuya. Second. You love tea. Third. Kasi sabi ko."

"Importante na yon? Tch." Inirapan niya ko.

"Bakla ka talaga!" Pang-aasar ko.

"Alam mo, gusto mo talagang mahalikan kita no?"

"Sige nga."

Tinitigan niya ko. I'm just challenging him. Alam ko namang hindi niya ko hahalikan. Pero tumayo siya sa upuan, at umupo sa gilid ko. He put his other hand sa kabilang side ko at nakatukod siya sa harap ko. Kinabahan ako bigla. Unti-unti niyang nilapit ang muka niya sa'kin. Tumigil ang paghinga ko, at lalo akong bumaon sa kinahihigaan ko. Kumakabog ang dibdib ko. Hahalikan niya ba ko talaga?

Our nose were touching at katulad ko, hindi siya humihinga.

"Brush your teeth first before I kiss you." He whispered.

" He whispered

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Selfish Heart (A LeviHan Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon