Nagpatuloy kami sa panonood hanggang sa matapos namin yung movie. Magkahawak kamay kaming lumabas ni Red ng sinehan at napapangiti ako kapag pinai-interwine niya ang mga daliri namin.


"Wait lang. Magc-CR lang ako." paalam ko kay Red. Tumango naman siya.


"Okay, I'll just wait here" sabi niya. Tumango ako at tumalikod na para pumunta na ng CR.


Pagkapasok ko ay ginawa ko na ang dapat kong gawin. Nang matapos ako ay nagsalamin muna ako saglit at sinuklay ko ang buhok gamit ang kamay ko. Patapos na sana ako ng may marinig akong paparating na mga babae.


"Baks! Kilig na kilig ako kanina!"


"Oo teh! Yung feels ko!!"


"Oo 'no?  Kung makapalo ka kanina parang unan lang ako 'no?"


Napahinto ako ng mapagtanto 'kong pamilyar ang mga boses na 'yon. Kaboses nila yung mga babae sa sinehan kanina.


Nang lingunin ko para makita sila ay nalaglag ang panga ko.


"Chandy?!"


Omg!


"Yen? Kiray? Alora?" hindi ko na napigilang mapa-tili.


"Ikaw nga Chandeng!!" sabay sabay nilang sabi. Niyakap nila ako at niyakap ko naman din sila hehe


"Teka, kayo lang? Sino kasama niyo?" tanong ko.


"Si Ej tsaka si Juls, nasa labas" sagot ni Alora.


"Nanood kasi kami ng sine eh" sabi ni Yen.


"Oo, teh! Tapos si baks nakita pa ng papi don! Ang harot lang." komento ni Kiray na siyang ikinagulat ko.


Sinasabi ko na nga baaa!


"So kayo yung mga babae sa harap namin na kung mag-usap parang wala kami sa likod niyo?!" sabi ko at inirapan sila.


"Hala teh! Edi boyfriend mo 'yun?!"


Ngumiti lang ako. Hindi ako sure eh. #CheckTheLabel


"Ang papi niya, bruha ka!" sabay sabay nilang sabi. Hay nako! Basta papi talaga.. 'tong mga babaeng 'to!


"Pakilala mo kami, gurl!" sabi ni Kiray.


"Oo nga! Dami mo na ding utang na chika friend! Kaloka ka!" sabi din ni Alora.


"Hehe" napakamot ako sa batok "uhm.. nasa labas siya." Sabi ko.


"Tara na! Nasa labas din sila Ej at Juls hihi"


Lumabas na kami at naabutan nga namin na nandun si Red. Nakasandal sa railings halatang walang paki sa mga taong tumitingin sa kanya. Pogi niya beshie!


Nakita din naming sina Ej at Juls na nakatayo malapit kay Red na nakatingin din sa kanya..lalo na si Ej.


Hay nako!


Nalipat naman ang tingin nila sa 'kin ng tawagin ako ni Red ng Makita niya ako.


"Sweetie!"


Halos matawa ako ng makita ko ang hitsura nila Ej at Juls nung ginawa 'yun ni Jared. Halos malaglag ang panga nila ng makita nila ako.


"Red, mga kaibigan ko nga pala" sabi ko ng makalapit na siya. Nginitian niya naman silang lahat.


Nang tignan ko ang mga mukha ng mga kaibigan ko ay nakatulala lang sila kay Jared. Lumapit sina Ej at Juls habang nakatingin kay Red.


Nang madako ang tingin nila sakin ay halatang gulat na gulat sila.


"Chandeng?! Boyfriend mo 'to?!" tanong ni Ej habang tinuturo si Red.


"Wow Ej, hello din naman sa'yo!" sarcastic na sabi ko "U-uhm.."


"Yes, I'm Chandria's boyfriend. Problem with that?" Biglang singit ni Red.


Ang taray talaga nitong lalaking 'to.


Kinurot ko siya sa tagiliran niya at napa-aray naman siya.


"What?" tanong niya.


"Ang taray mo naman! Kaibigan ko 'yang tinatarayan mo!"


Humarap ako sa mga kaibigan ko, "Pasensya na kayo kay Red. Meron siya ngayon eh hehe—aray!"


Kainis! Pinisil yung ilong ko!


Napanguso ako. Grabe siya!


"Ako nga pala si Kiray! May kapatid ka ba—aray ko naman EJ!"


"Uunahan mo pa ako gurl!" bulong ni Ej sa kanya.


"Hehe ako naman si Eliana Joy, Ej for short hihi" at inextend ang kamay niya tinanggap naman ni Red pero inalis agad hahahahahaha!


"Yeah, I have a sibling. Actually, we're twins" sinagot nalang din ni Red ang tanong ni Kiray.


Nakita kong parang nagningning ang mga mata nila.


"Talaga?! So may looks din siya?!" tili ni Alora.


"Yeah?"


"May troops ka ba?" tanong ni Yen "You know, tropa or something?" maarteng sabi ni Yen.


"Yeah." Tipid na sagot ni Red.


"Teka! Anong name ng kapatid mo?" tanong ni Juls


"Jill"


"Hala ang unique naman ng name niya!"


"She's also close to----"


"She?! Babae ang kapatid mo?!" gulat na tanong ni Kiray.


Halos sumakit ang tiyan ko ng makita ko ang hitsura nila. HAHAHAHAHA!


"Yeah. Why?" naguguluhang tanong ni Red.


"Akala ko lalaki dahil sabi mo kakambal mo! Babae pala!!! Akala ko papi na!" madramang sabi ni Ej.


"Pasensya ka na sa kanila ganyan talaga sila hehe," sabi ko kay Red "Eto si Julia, si Yen, si Alora" pagpapakilala ko habang tinuturo sila isa-isa. Nakipagshake-hands siya sa kanila.


"Tapos si Kiray, tapos si EJ" sabi ko pa.


"Teka! Yung tropa mo. Anong—"napatingin kami kay Ej.


"Jusko naman baks!" putol ni Kiray.

Lahat kami natawa nung nagsimula nang magbangayan yung dalawa.

Na-miss ko sila grabe!


____________________________________________

Red In Blue (KathNiel) ON-HOLD!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon