My Closet Queen (Chapter 48)

Start from the beginning
                                    

sabay talon nya sa pool. Napaisip ako bigla tama sya baka pag pinatagal ko lang ito baka

masaktan ko lalo si Charles mamaya sasabihin ko na kay Charles, ayoko may masaktan pa

akong ibang  tao. Dapat hindi ko sya idamay sa paglimot ko kay Jess


" una na ako " sabi ko kay Samuel




Papunta na kami ni Charles ngayon sa bar nila Chloe dahil dun yung halloween party

Hindi ko alam kung pano ko sasabihin kay Charles pero kailangan ko ng sabihin

" Ahmmm Charles... "



" yes Sam? " tanong ni Charles na nakafocus pa din sya sa kalsada

" pano ko ba sasabihin to. Pwede ba maging kaibigan nalang tayo. Mas magiging ok ata

kung ganun tayo, sorry pero pag pinatagal ko pa to baka masaktan lang kita ayaw ko masira

yung nabuo nating friendship mas gusto ko na mawalan ng manliligaw wag lang ng kaibigan "


tuloy tuloy kong sabi kay Charles, I'll try best na hindi ko sya masaktan in every words I say


" I'll know na trny mo lang pero thank you naging honest ka, wag ka mag alala walang mag iiba

ako pa din yung kaibigan mo at kung meron ka problema nandito lang ako ha, saka alam ko

may iba ka ng mahal ayeeee! " sabi nya 

natuwa naman ako dahil nang asar sya ibig sabihin ok na kami at walang ilangan

Dumating kami at ang daming tao, dami din nakapila pero sa iba kami pumasok dahil special

guest kami. Buti naman dahil hirap pumila sa ganyan ka daming tao.


Nandun na yung iba si Giezel, Alfred, Samuel, Richie, Josh


pumunta na kami sa private room makikita mo yung baba, yung dance floor kaya kitang kita dito


yung mga tao at may kanya kanya sila costume. Maya maya biglang bumukas yung pinto hindi

na ako nag abala tignan dahil kitang kita sa peripheral view ko, si Jess kasama si Gabriel

Naka angkla yung kamay ni Jess sa braso ni Gabriel. Tumingin nalang ako sa mga tao sa baba

baka mag walk out lang ako kung patuloy ko sila titignan


Dumating na si Margarette sa wakas dumating din lagi nalang late to, kasabay nya si Kevin

at Andrew. Nag uusap usap lang at etong katabi ko sinasadya ata ako banggain kanina pa

sino paba edi si Jess.

" ay sorry! " sabi nya

Hindi ko nalang pinansin pano sila hindi makakatama naghaharutan sila nung Gabriel na yun ,

dumating na din sa wakas ang busy busyhan sino pa ba edi si Chloe


" guys musta? Ok lang ba kayo? " tanong ni Chloe


" asan na yung drinks namin? " tanong ni Josh


" kapal nyo ah discounted lang kayo hindi libre, malulugi negosyo ko sainyo eh " sabi ni Chloe


at tinawag nya na yung waiter nila.


" pakikuha yung order nila at hindi sila libre 50% lang discount nila " sabi ni Chloe sa waiter

My Closet Queen (girlxgirl story)Where stories live. Discover now