My Closet Queen (Chapter 46)

Start from the beginning
                                    

" para kang bata, titignan ko lang kung ano oras showing " sabi ni Charles

" bata ka dyan, sapak gusto mo " sabi ko habang yung kamao ko nakaangat

Tumawa naman sya, hindi ata natakot sa kamao

Ayun nga tinignan na namin kung ano oras

" tara kain muna tayo, may isang oras pa tayo para kumain " sabi ni Charles

Ok lang gutom naman din na ako


Habang naglalakad kami may naaaninag ako na likod palang kilalang kilala ko na

Papalapit kami ng papalapit sa may ari ng likod na yun at pakaba ng pakaba yung nararamdaman

ko na nanlalamig yung kamay ko, shit wag sya please wag baka hindi ko kayanin

" Jessica ? " sabi ni Charles ng makarating na kami sa restaurant

Lumingon naman sya at ngumiti sya kay Charles pero nung pagbaling ng tingin nya sakin

biglang lumungkot yung mukha nya na may halong gulat hindi nya ineexpect siguro

na ako yung kasama ni Charles pinilit ko ngumiti at ngumiti din sya sakin

namiss ko yung mata nya yung ngiti nya yung ilong nya yung pagyakap nya lalo na yung lips nya

Gustong gusto ko na yakapin ngayon si Jess dahil miss na miss ko sya

Tinignan ko lang sya sa mata at nakatitig din sya sa mata ko, yung tingin nya na

parang nakikiusap na malungkot

" tara na ok na yung table natin " sabi ng lalaki na nasa likod ni Jess

pagtingin ko si Gabriel pala, parang gusto tumulo ng luha ko ngayon

Sila na siguro ulit. Bigla napatingin samin si Gabriel


" oh andito din pala kayo, makisalo na kayo samin dahil wala na available na table kinausap

ko nga lang yung manager kaya nakakuha ako ng upuan " sabi ni Gabriel

Hindi ako nagsasalita dahil ang totoo ayaw ko makasabay sila

" Ano Sam ok lang ba sayo " tanong sakin ni Charles


Hindi ko alam sasabihin ko

" Sige na Sam minsan lang tayo magkasama sama apat " sabi ni Gabriel

Yeah tama ka minsan lang talaga at hindi na mauulit to sabi ko sa sarili ko

" no problem saka gutom na ako " sabi ko nalang

At nagtawanan naman yung dalawang lalaki si Jess parang nagtataka

nagtataka siguro kung bakit ako pumayag

Umupo na kami, mapag biro nga naman talaga yung tadhana o yung author lang talaga

pano ba naman katabi ko ngayon si Jess katapat ko si Charles katapat ni Jess si Gabriel

umorder na kami


" Aubrey gusto mo ng thigh part na chicken? " sabi ni Gabriel

" chicken wings na gusto nya " singit ko sa kanila

Napatingin naman silang lahat kaya dedma ako sa kanila at tinignan ko lang yung menu


" ahhhh, sige... ano drinks gusto mo soft drinks? " tanong ulit ni Gabriel kay Jess

My Closet Queen (girlxgirl story)Where stories live. Discover now