35

5.9K 107 0
                                    












"Ang ganda ganda mo talaga. Diyosa ka anak." Palakpak pang puri ni nanay Jasper. He's my make up artist eversince. Siya din ang nagmake up noong prom ko. Noong acquaintance. Hanggang sa 18th birthday ko at every birthday ko noon. Sanay ang mga magulang kong magcelebrate ng bongga para sa akin. But I know, may halong business iyon noon pa man.



"Salamat sa pagpapaganda sa akin nay. Namiss kita talaga." Nakangiti kong sagot.


"Naku talagang maganda ka naman na. Namiss din kita 'nak. Ang tagal din nating di nagkita." Sagot ni inang Jasper. "Isunod ko ng ayusin ang buhok mo." Dugtong niya. Halos dalawang oras din niya akong inayusan. "Ai. Perfect. Ang ganda ganda mo pa lalo. I'm happy na kayo din sa huli ni Adam." Natutuwang sabi niya pa. Kasalukuyan kaming nag uusap noong biglang may pumasok.



"Adam? What are you doing here? Dapat nasa simbahan ka na." Nagtataka kong tanong. Nakamaang amg labi niya habang nakatingin sa akin. Napahinto pa siya sa paglalakad. Lumunok siya bago nagsalita.



"You're...." He held his breath. "Stunning." Dugtong niya.




"Thank you. But you should be at the church before I arrive. Now go." Utos ko sa kanya pero hindi pa din siya gumagalaw. Pinantaasan ko siya ng kilay.


"Naku, tama si Eunice, Adam. Dapat nasa simbahan ka na by now. Ay kaloka." Sabat ni inang jasper.



"I'll wait for you here." Sagot niya kaya nagkatinginan kami ni inang. "Sabay tayong pupunta sa simbahan." Dugtong niya noong hindi namin maintindihan ang gusto niyang mangyari. Nanlaki ang mga mata ko sa sagot niya.



"What?? Are you serious? You're ruining the traditional way. Hindi pwede. Pumunta ka doon." Imbes na sundin ako ay nagkibit balikat siya sabay upo sa sofa. Nagring ang phone niya sa bulsa ng pantalon niya. Kunot noo niyang tinignan iyon at tumayo.


"Hello?" Salubong pa din ang kilay niyang sagot. "I know what I am doing, man. You don't need to lecture me." Iritadong sabi niya sa kausap. "Shut it. Save your words. I don't need 'em. I will escort her hanggang sa simbahan." Maya maya ay sabi niya. "Yes. Save your questions too. I told you, I know what I am doing. Just wait there dickheads. We will arrive before ten." Sagot niya bago binabaan ang kausap. Umupo siya sa may hagdan at isinandal ang siko sa may pader. Napatingin siya sa akin. Ngayon ko lang napansing naka eyeglasses pala siya at hindi pa suot ang coat!


"Why are you not in coat?" Kunot noo kong tanong. Nakangiti lamang siya sa akin. Pinantaasan ko siya ng kilay.

"Relax baby. Nasa kotse. Mainit kaya tinanggal ko muna." Sagot niya pagkatapos. Inirapan ko siya.


"You should be waiting at the church. Why are you here?" Tanong ko. Tahimik namang nakikinig si inang Jasper. Tumayo siya sa may hagdan ang nilapitan ako.



"Jasper, can you give us a minute to talk?" Binalingan niya si inang.


"Oh. Sure. Sa labas lang ako." Sagot lang niya bago lumabas. Naiwan kaming dalawa sa loob. Bumuntunghininga naman siya at umupo sa katabi kong upuan at hinawakan ang kamay ko. Hinalikan niya iyon at nagsalita.



"I know I should be there. But I can't help not to rush to come here just to be assured you will not dump me. Oh, save your words." Agad na niyang sabi bago pa man ako magsalita. Bumuntunghinga ulit siya. "I know, I should trust you. But, I am scared, still, Eunice. Paano kung biglang mangyari ulit ang nangyari noon? I don't know if I can take another pain anymore. I was beyond repair when you left. If..." Napalunok siya. "If it will happen again, maybe I'd rather die than feel the prick again. I am afraid to lose you again. I am afraid you'll be having a cold feet again. I am afraid you'll run away from me again. I just want to spend the rest of my life with you but I can't stop thinking that it's still possible you'll leave again. Baby, just let me wait here. Let me be with you. I just want to be with you hanggang sa mawala ang takot ko." Nagsusumamo niyang sabi. Ikinulong niya ang kanyang labi sa mga palad ko. Hindi ako makapagsalita sa sinabi niya. I just hugged him tightly. Hindi na mangyayari pa yun Adam. Hindi na.


Pumayag ako sa hiling niyang magkasama kaming pupunta sa simbahan. Buong byaheng nakahawak lang ang mga kamay niya sa kamay ko. Nanlalamig iyong sa kanya. Napatingin ako sa kanya at pinakalma siya.




"Hey. Don't be afraid. I will not do that again. I am here, baby." Pagpapakalma ko. Tumango siya at muling hinalikan ang palad ko. Nakarating kami sa simbahan ilang minuto ang lumipas. Agad siyang pinagalitan ng mga kasama pero sa akin nakatututok ang buong atensyon niya. Natahimik ang mga nagsersermon sa kanila noong hawakan ko ang mukha niya. Puno ng pangamba ang mga mata niya at malikot din ang tingin niya. Tila hindi mapakali.



"I love you." Nakangiti kong sabi. Napayuko siya at napaiyak. Niyakap niya ako ng mahigpit. "Stand in front of the altar and wait for me. Darating ako, pangako. Mahal na mahal kita. Cast away your fears. I will be there. I will walk in the aisle. We will get married, okay?" Nakangiti ko pa ding sabi noong maghiwalay kami ng yakap at muli kong hawakan ang mukha niya. I tiptoed at hinalikan siya sa noo. Umalis siya pagkatapos sa tabi ko dahil hinila na siya ni Blue. Inayos naman nila ang mahabang belo ko bago nagsimulang tumayo sa kanya kanyang pwesto.

Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw
Ang iniisip-isip ko hindi ko mahinto pintig ng puso

Nagsimulang maglakad ang mga nasa harapan ko noong kumanta na ang bokalista. Napatingin ako sa paligid. Sumara ang pintuan noong ako na lang ang kulang. Huminga ako ng malalim at tinignan ang hawak kong bulaklak. Napaangat ang tingin ko noong magbukas ang pintuan ulit para bigyan ako ng daan para maglakad. Lahat sila ay nagsitayuan noong makita ako.

Ikaw ang pinangarap-ngarap ko
Simula ng matanto na balang araw iibig ang puso

Nagsimulang magtubig ang mga mata ko noong naglalakad na kami nina papa at mama. I can't help but cry for joy. I am finally marrying the man who caught my heart.

Ikaw ang pag-ibig na hinintay
Puso ay nalumbay ng kay tagal
Ngunit ngayo'y nandito na
Ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng may kapal biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw

Habang naglalakad kami ay nakatingin lamang ako sa lalakeng naghihintay sa harap ng altar. I saw Blue patted his shoulder. He wiped his tear and smiled with love while looking at my direction.

Humihinto sa bawat oras ng tagpo
Ang pag-ikot ng mundo ngumingiti ng kusa aking puso
Pagka't nasagot na ang tanong nag-aalala noon kung may magmamahal sa'kin ng tunay

Damang dama ko ang bilis ng tibok ng puso ko. My body frozen. I can no longer breath properly. I inhaled and exhaled and smiled. I will be married with him.


Ikaw ang pag-ibig na hinintay
Puso ay nalumbay ng kay tagal
Ngunit ngayo'y nandito na
Ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng may kapal biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw

At hindi pa'ko umibig ng gan'to
At nasa isip makasama ka habang buhay

Ikaw ang pag-ibig na hinintay
Puso ay nalumbay ng kay tagal
Ngunit ngayo'y nandito na
Ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng may kapal biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw

Malapit na kami sa kanya at lalong bumilis ang tibok ng puso ko. I stopped. I stopped from walking. My parents stopped too and looked at me worriedly. Nagsitayuan din ang mga tao sa paligid. Napatingin ako kay Adam na mukhang nakakita ng multo. Patuloy lang ang pagkanta ng bokalista na hindi yata napansin ang tensyon sa paligid.

I looked intently in his eyes. I saw his fears reflecting mine. I saw how he almost came near me pero pinigilan siya nila Blue at Troy. Umiling iling siya at mukhang maiiyak na. I stayed on my ground. Nag angat siya ng tingin at nagsusumamong tinignan lang ako. He mouthed something to me.

Puso ay nalumbay ng kay tagal
Ngunit ngayo'y nandito na
Ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng may kapal biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw

Pag-ibig ko'y ikaw...

"I love you." Parang sa sinabi niyang iyon ay sumabog lahat lahat sa akin. Saktong pagkatapos ng kanta ay nakapagdesisyon na ako. And the next thing I knew? I did the right thing. I can't promise to make him happy. I'm sorry baby. I'm sorry.



But...

Before there was we (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя