18

4.5K 117 2
                                    

Plan.


What he said to me last time we argued crushed me into million pieces. Alam ko sa sarili kong darating ang araw na sisinghalan niya ako ng kanyang sama ng loob at galit, pero hindi ko naihanda ang aking sarili sa mismong araw na iyon. Minabuti kong manahimik at huwag na ulit siyang galitin. At kada umaga ay pakiramdam ko unti unti na niya akong pinapatay sa tindi ng lamig ng pakikitungo niya sa akin. Dumating na din sa puntong gusto ko na siyang sukuan at hayaan na lang sa gusto niya sa buhay niya, pero sa tuwing babalakin ko pa lang ay bumabalik na ako pabalik sa kanya. That's when I realized I can't run away this time. That I can't leave him this time. And so I came up with a plan. A plan that we used to do before. Noong kami pang dalawa. Noong hindi ko pa sinira ang tiwala niya. Noong wala pang ibang hadlang sa aming dalawa. Malalim akong napabuntunghininga bago pinusod ang buhok ko bago sinimulang magluto ng agahan. Maaga akong nagising sa araw na ito para masimulan ko na ang plano ko. If I want Adam back, then I need to come up prepared in this battle. I want in. And I want to do this real fast. Pagkatapos kong patayin ang kalan ay sakto namang pagbukas ng pintuan ng kwarto ni Adam.  Magulo ang buhok niya dahil kagigising lamang niya. Nakaputing shirt lamang siya at black na boxer.






"Good morning." Pilit kong kinapalan ang mukha ko na ngumiti. Nahinto siya sa paglalakad ng marinig ako. Nag angat siya ng tingin sa direksyon ko bago nag iwas. "Kain na. Gigisingin ko lang si Greg." Nakangiti ko pa ring sabi sa kabila ng pagkadismaya. Tumango lamang siya bago naglakad papuntang lamesa para umupo doon. Mabilis naman na akong umalis sa harapan niya dahil baka maalibadbaran lamang siya sa aking presensya. Pumunta na lamang ako sa kuwarto ng aming anak para gisingin ito. "Baby, good morning. Wake up na. I cooked your favorite food. Gising na si daddy, sabay na tayo sa kanya." Pupungas pungas na nagmulat ng mga mata si Greg bago tumango at niyakap ako ng masigla.






"Good morning din po mommy ko." Pakanta pa niyang sabi kaya natawa ako sa kanya. Hindi nagtagal ay magkakasama na kaming tatlo sa hapag. Gusto kong umiyak sa tuwa. Ang makitang kumpleto kaming magkakasamang kumain ay sapat na sa akin upang mabigyan ng pag asang mabubuo pa ang kung anong nawasak noon. I know I can no longer bring the past back, but I also know that God gave me enough reasons to fight for whatever's left. 







"Greg. You want to  come with me? Punta tayo sa company?" Nagpupunas na ng labi si Adam habang tinatanong iyon sa anak namin. Natigil ako sa pagsubo at tinignan ang mag ama ko. 






"Opo daddy. Opo. Yes! Yes!" Masayang sagot naman ni Greg sa kanya.





"Ah. Adam." Tawag ko sa kanya kaya napatingin sila sa akin. Walang ni ibang makikita sa kanyang mukha kundi pagkakakunot noo niya. Napasinghap na muna ako bago muling nagsalita. I need to say this because if not, then all of my plans will be screwed. "Ikaw na munang bahala kay Greg. Babalik na kasi ako sa kumpanya namin. Nakausap ko na kagabi sina mama patungkol dito." Sinalubong ko ang kanyang titig upang malaman ko kung ano ang magiging reaksyon niya. Umigting sng kanyang panga at ibinaba niya ang kanyang kamay sa lamesa.

Before there was we (Completed)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα