17

4.6K 124 8
                                    


Pagod na ako

Hinayaan kong maubos ang luha ko sa gabing iyon. Hinayaan ko ang sarili kong maramdaman lahat ng sakit na ibinibigay niya sa akin sa kagustuhan kong baka kapag niyakap ko lahat ng sakit ay magising na ako at gumaan ang loob ko, pero hindi. Nagkamali nanaman ako, dahil sa pagyakap ko doon ay lalo lamang nanuot ang lahat ng sakit. At tila ba ibinabalik ako sa nakaraan.

"I love you Eunice. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko. Ikaw lang. Ikaw ang ngayon, at paniguradong ikaw ang kinabukasan ko. We will build our own future together. To see you bearing my children, I am already satisfied with my life."

Paulit ulit lamang na nagple-play sa aking isipan ang mga pangako niya noon. Noon, na ako ang buhay niya, ako na pinangakuan niya. Noon, na ako lamang ang mahal niya. Totoo palang nasa huli ang pagsisisi. Totoo palang malakas makapangwasak ng buhay ang karma. If only I did not run away. If only I stayed and didn't acknowledge fear and my inhibitions in my head that time, then maybe, we're happily married now.

"Mahal na mahal kita anak. Patawarin mo si mommy ha. Kasalan ko kung bakit hindi kita mabigyan ng masayang pamilya." Pigil na pigil ko ang sarili kong humagulgol at humikbi para lamang hindi magising ang himbing na himbing sa pagkakatulog na si Greg. Niyakap ko siya ng mahigpit at pilit na pinapatahan ang sarili. After what I saw, ay hindi ko na alam kung kaya ko pa bang tuparin ang hininging pabor sa akin ni Shaun noong huli kaming magkausap. Ni hindi ko na alam kung kaya ko bang ipaglaban siya ng hindi nasisira. Hindi ko alam kung may ipaglalaban pa ba ako o kung dapat ba akong lumaban? I don't know. I don't really know what to do at sa daming pumapasok sa isipan ko ay nakatulugan ko na iyon.

Kinabukasan ay nagising akong wala na si Adam at yung babae niya. Magulo ang kama niya noong pumasok ako doon. Lalong nadagdagan ang pasanin sa dibdib ko. Lalong bumagsak ang balikat ko sa kaalamang marahil ay kasama niya ang babaeng iyon ngayon. Is she smart? Is she lovely? Can she love Adam more than I love him? Can she give Adam her world? Does she makes him happy? Is she the better choice? Napailing iling ako at napapikit ng mga mata sa mga katanungang nabuo sa isipan ko. Sa huli, ay pinili kong iwaksi lahat ng mga iyon at naglinis na lamang ng kwarto niya. Tsaka na lamang ako mag iisip, tsaka ko na lang papairalin ang isipan ko kung sobrang walang wala ng natira. Dahil baka sakali, doon ay wala na akong maramdaman ni katiting na sakit at awa sa sarili ko. Maybe, it's better this way. Ang kumapit at umasang magkakabalikan kami ang nagpapalakas sa akin kahit pa hinang hina na ako at tila ba parang kandila na unti unting nauupos. Nakapag isip na ako kagabi. At ito ang pinipili ko, siya ang pinipili ko. At haharapin ko ang kahit na anong ibabato niya sa akin bumalik lamang siya sa akin. I'll deal with the pain and rejections. For now, I'll forget myself. For now, all I want is to take him back.

"Mommy!" Napabalik ako sa riyalidad ng marinig ko ang pagtawag sa akin ni Greg sa aking likuran. Agad kong itinupi ang kumot at inilagay iyon sa higaan bago kami sabay na lumabas pero natigil ako sa paglalakad pagkatapos kong lumabas sa kwarto ng madako na ang tingin ko sa may pintuan palabas ng condo ni Adam. Doon ay malaya kong nakita ang kasiyahan sa mukha niya habang parang may ibinubulong si Tamara na nakakatawa sa kanya. Nakaakbay ito sa babae at bahagyang nakayuko ang ulo para mag abot silang dalawa. Napatingin ako sa kay Greg na nakakapit ng mahigpit sa aking hita habang nakatingin sa dalawa. Umigting ang panga ko. Okay lang na maglandian sila pero putang ina! Huwag naman sana sa harapan ng anak ko! Sa galit na umusbong sa aking sistema ay walang ligoy ligoy akong nagdabog dahilan upang mapatingin silang dalawa sa direksyon ko. Bumaba ang tingin ko kay Greg bago nanlilisik ang mga matang tinignan ang dalawa. Nakita kong napatingin din si Adam kay Greg na ngayon ay nagtago na ng tuluyan sa likuran ko. Umigting din ang panga ni Adam ng makita ang ginawa ng anak namin.

"Saan kayo galing?" Malamig kong tanong. Pinagtaasan naman ako ng kilay ni Tamara at kumapit ng mahigpit sa braso ni Adam.

"Oh believe me, you will never like what I'll answer. Pero kung martyr ka, sige, we fu.." Hindi pa man din natatapos ni Tamara ang sinasabi ay sinigawan na siya ni Adam.

Before there was we (Completed)Where stories live. Discover now