16

4.9K 119 5
                                    


You'll feel the pain

Nanghihina akong bumalik sa pwesto   kung saan sina Sabrina. Magpapaalam na ako para umuwi. Pilit akong umiiwas ng  tingin sa kanilang lahat dahil alam kong naaawa sila sa sinabi ni Adam kanina. I'm dead. He wants me dead in the eyes of the people.



"I'll go home first. Sumama ang pakiramdam ko. Uh. Have you seen Greg?" Pagpapaalam ko na at luminga linga para hanapin ang anak ko. Kumuyom ang kamao ko ng pumasok sa utak ko na kayang iwan ni Adam ng ganun ganoon na lang ang anak ko. 







"Uh. Nandoon sa mga magulang mo. Iniwan ni Adam sa kanila. Nagmamadali kasing lumabas kanina." Napatingin ako kay Blue sa sagot niya. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya pero agad namang tumango at di na ako nagtanong pa. 









"I can get him for you. Sa sinabi ni Adam kanina ay malamang na nag aalangan ka ng lapitan si Greg at baka makahalata pa ang mga reporters." Seryosong boluntaryo naman ni Shaun sa akin. Tumikhim naman ako at nahihiyang tumango na lang. Tumango din siya at inayos ang coat bago akmang tatayo na sana kung hindi lamang may baritonong nagsalita mula sa aking likuran. 









"Ako na ang kukuha sa anak ko. Stay here." Malamig na salita ni Adam sa likuran. I never looked back because I know it will only hurt me more. Naramdaman ko ang paglapit niya. Napasinghap ako ng maramdaman siyang malapit sa akin dahil sa init ng buga ng kanyang hininga sa aking leeg. And in just one swift move he kiss my shoulder before getting a glass of wine in the table. Napatingin kaming lahat sa kanya ng laglag ang panga dahil sa ginawa niya. Inisang lagok lamang niya iyon at hindi man lang kami tinapunan ng tingin bago umalis. 











"What the hell did just happen? OMG." Si Selena ang unang bumasag ng katahimikan at pigil na pigil niya ang sariling kiligin habang niyugyog yugyog naman ang braso ng katabi niyang si Brooke. 







"What the fuck Sel!Para kang teenager na kinikilig." Iritado namang sabi ni Brooke kunwari pero halata din namang nagpipigil lamang na tumili. 









"So kelan ang kasal?" Marahas akong napatingin kay Blue na ngayon  ay pilyong nakangisi at taas baba pa ang kanyang kilay. Nakapatong ang isa niyang braso sa may mesa. Sinimangutan ko lamang siya dahilan para matawa silang lahat sa akin. Nag iwas na lamang ako ng tingin at ibinaling ang atensyon sa kinaroroonan ng aking mga magulang. Saktong pagtingin ko doon ay siya namang pagkuha ni Adam kay Greg mula kay mama. Seryoso silang nag uusap bago mukhang nag paalam ito at naglakad papunta sa kinaroroonan namin. Nanlamig ang aking mga kamay at biglang ninerbiyos ng makita kong palapit na sila. Paano kung malaman ng lahat na ako ang ina ni Greg? Hindi nga ba patay na ako? Yun ang gusto niyang paniwalaan ng ibang tao. Iyon ang sinabi niya kanina. Mariin akong pumikit at napagdesisyunan ng aalis na lang bago pa sila makalapit sa pwesto namin. Nagmulat ako ng mga mata at madaling nagpaalam na.









"I'm sorry. But I have to go first. Sa labas ko na lang siguro sila hihintayin." Pilit akong ngumiti sa kanila at hindi na hinintay pa ang sasabihin nila. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ng hakbang ay may kamay ng humaklit sa aking braso. Shit.! Mahina akong napamura at napapikit. Humigpit ang paghawak niya sa braso ko. At ramdam ko na din ang mga titig ng mga tao sa amin. 









"Where are you going? Running again huh?" Doon sa sinabi niya ay napamulat ako at marahas siyang hinarap. Akmang sasagutin ko na sana siya pabalik kung hindi ko lamang nakita mula sa kanyang bisig ang nakangiti kong anak. 





Before there was we (Completed)Where stories live. Discover now