27

5.3K 137 3
                                    

This time.

"Ready?" Tanong ni Adam sa akin habang hawak ang kamay ko. He's guiding me to God knows I don'r know where. Nakapiring kasi ako ngayon. Humalakhak siya malapit sa tenga ko sabay halik sa pisngi ko. Nakangiting tumango lamang ako at pinisil ang isang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. "Alright then baby." He said happily. Tinanggal niya ang panyong nakapiring sa mukha ko. Noong una ay nahirapan akong makakita dahil sa tagal ng pagkakapiring sa mata ko. Napahawak pa ako ulit kay Adam para lang kumuha ng suporta. Humalakhak siya at niyakap ako mula sa likuran.




"Tss. Tease." Naiinis kong sabi bago siya sinapak sa braso. Pero imbes na masaktan ay lalo lamang siyang humalakhak. Tss. Bwiset.





"I love you. I can't wait to call you Mrs. Montejo. My wife." Malambing niyang saad bago isiniksik ang mukha niya sa leeg ko habang yakap ako. Magsasalita na sana ako noong biglang may tumugtog sa harapan namin.



I have loved you only in my mind
But I know that there will come a time
To feel this feeling I have inside
You're a hopeless romantic is what they say
Falling in and out of love just like a play
Memorizing each line, I still don't know what to say
What to say...



Nakisabay siya sa bokalistang kumakanta at iniharap niya ako sa kanya. Isinayaw niya ako habang kumakanta. He's singing while looking at me with love and adoration.



Natapos ang kanta ay bigla na lamang siyang lumuhod kaya napasinghap ako. Tumingala siya sa akin bago nagsalita. May luhang pumatak sa gilid ng kanyang mga mata.




"We've met in a not so typical way. You actually hated me the first time. And I don't know why. Maybe because you were in denial." He chuckled when he saw my reaction. "I was kidding, baby. I was the one who was hook by you the first time we've met. At ngayon lang ako napaamin dahil kailangan ko anh sagot mo sa itatanong ko." Halakhak niyang sabi. Hinawakan niya ng mahigpit ang mga kamay ko at hinalikan iyon. "Damn. I am badly smitten, baby. I love you so much. I can't imagine myself getting married by someone else but Eunice Flaviejo. Siya lang ang gusto kong pakasalan. Siya lang ang gusto kong maging ina ng magiging anak ko. It's only with her that I can truly be happy. So, Eunice, I am Adam, and I am so in love with you. Will you take me as your husband? Will you be my wife?" Napaiyak ako noong matapos niyang sabihin iyon na kinailangan pa niyang tumayo upang aluin lamang ako. Umiyak lang ako ng umiyak habang yakap yakap niya ako. "Did I say something wrong? Aren't you ready yet? Just tell me because I can wait baby. I can. Tell me." Nag aalala niyang tanong. Lumayo ako sa pagkakayakap niya at hinalikan siya sa noo.






"I'm okay. I was just, overwhelm. But yes. I will marry you. Of course I will marry you. I love you so much, too." Napatalon siya sa saya noong sabihin ko iyon.



Mapait akong napangiti habang inaalala ang nakaraan. I miss the old Adam. Yung Adam na masayahin at palaging naglalambing sa akin. Pero kahit naman ilang beses kong sisihin ang sarili ko ay wala ng mababago pa. Nakaraan na iyon. Nakaraang matagal ko na dapat kinalimutan. Napamulat ako ng mga mata noong naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa likuran. He buried his face at my nape.







"Can you give my old Eunice back? Hmm? 'Cause I miss her so much. Please. Pakibalik na siya sa akin." Nasasaktan ako sa mga naririnig mula sa kanya. Na hindi ko na kayang makinig pa dahil alam ko namang puro lamang pagpapanggap ang alam niyang gawin.






"Tama na Adam. Huwag na tayong maglokohan. Pakawalan mo na lang ako, please. I can't do this anymore." Nanghihina kong pag amin. I wanted to revenge. Pero habang nakikita ko siyang ganito ay naiiba ang plano at prinsipyo ko. Pakiramdam ko kasi ako pa rin ang lalabas na masama sa aming dalawa. Tinutunaw ng pagmamahal ko ang galit ko sa kanya. Na pati ang plano kong paghihiganti ay nawawala. Pilit akong kumawala sa kanyang yakap pero lalo lamang humigpit iyon. Naramdaman ko ang pag iling niya sa likuran ko.









"I can't. Because I won't. Stay with me. I promise, I'll do my best this time. I will leave Tamara if that is what you want." Nahihirapan niyang sagot. Napabungtunghinga na lamang ako at hinarap siya. Ikinulong naman niya ako agad sa may railing ng rooftop. Nandito kasi ngayon sa taas. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at matamang tinitigan. I smiled sadly before speaking.









"That's not what I want. Leave her because you want to. Not because of me or anyone else. The first time I saw her with you, I realized that it's not me anymore. Na hindi na ako ang babaeng sinasamba mo. Na nakamove on ka na sa akin. You are happy now 'Dam. And I am okay with that. Because you deserve that. I left you scarred and broken. You deserve to be happy with her Adam. At kahit masakit, ay gagawin ko para sumaya ka lang. Mahal na mahal kita. Pero mahal mo siya. Masakit iyon, Adam. Pero wala na akong magagawa kung may iba na dyan." Umiiyak kong sabi sabay turo sa puso niya. Nakatitig lamang siya sa akin pero alam kong nasasaktan siya sa naririnig mula sa akin. "Nalilito ka lang ngayon. But I can tell, you love her. Hindi ako. Hindi na ako. Please. Let go of the past and just be happy with your present. Let me go because alam kong mas magiging masaya ka kung siya ang makakasama mo. Alam ko na gusto mong maghiganti. And I am telling this to you. Nanalo ka na. Nakapaghiganti ka na sa akin. Sobrang wasak na wasak na ako. Wala ng natira Adam. Nakuha mo na ang paghihiganti mo. Now, it's time for you to be happy with her. I love you, always and forever. And I am letting you go. And be with the woman you truly love." I kissed him with my tears flowing down my cheeks. I love this guy. But I need to set him free. Niyakap ko siya pagkatapos. Narinig ko ang paghikbi at pagyakap niya sa akin ng mahigpit. Magkakasunod sunod ang pag iling niya habang mahigpit ang yakap sa akin.







"No, baby. You're wrong. Ikaw ang mahal ko. But I need to fix something first." Tumingin siya sa mga mata ko. Ikinulong niya ang mukha ko gamit ang mga palad niya. "Look at me, Eunice. Mahal na mahal na mahal kita. Tandaan mo yan. All I want you to do this time is stay. Please stay by my side. May aayusin lang ako. May." Hindi niya na natapos ang sasabihin niya dahil may biglang nagsalita sa likuran niya.







"There you are, babe. Kanina pa kita hinahanap. Nagpunta ako sa loob kaso di ako pinapasok. Wala daw akong invitation. Nagbakasakali akong pumunta dito. I was just glad to see you here. Uwi na tayo? Pwede mo ba akong samahang bumili? Nagcrecrave kasi si baby, huh, hubby?" Dire diretsong sabi ni Tamara na para bang wala ako sa paligid. Pero hindi iyon ang ikinagulat ko. Parang bombang sumabog iyon sa utak ko. I can no longer function. Kusang pumatak ang luha ko ulit pero ngayon ay tuluyan na iyong bumagsak ng kusa. Kumawala ako sa pagkakahawak niya. He tried to reach me out pero marahas akong lumayo. Pagak akong natawa sa sitwasyon. Nakipagtitigan ako sa kanya. And I swear, I almost died noong makita ang nahihirapang mukha niya.







With every strength that's left in me, I manage to say, "Congratulations." And left them there. Putang ina. Sobrang sagad na ang sakit. Kelan ba matatapos ito. Gusto kong huminto noong magsalita si Adam pero hindi ko na kinaya. Tama na.






"Eunice. I love you. I really do.  I will fix this. I promise." Pahabol niya pero parang kusang nagsara ang mga tenga ko. Ayoko na, 'Dam. Tama na ang ganitong klaseng sakit. Suko na ako sa atin. I will leave you permanently, this time.

Before there was we (Completed)Where stories live. Discover now