33

5.5K 131 1
                                    

That's why.

"Ang ganda mo naman. Bagay na bagay mo ang gown. Pakshet. For sure, maglalaway nanaman ang Adam na yun sa'yo." Puri at tawa ni Sabrina pagkalabas ko sa fitting room. Andito kami ngayon sa fashion house para magfit ng damit. Isang linggo na lang ay ikakasal na ako kay Adam.


"Salamat. Ito na lang?" Tanong ko sa kanila at umikot ikot pa ako sa salamin.


"Pili ka pa ng iba. Bakit ba kasi ayaw mo na lang magpagawa ng design?" Singit naman ni Bella kaya napatingin ako sa kanya.


"Ayaw ko." Kunot noo kong sagot. Last time na nagpagawa ako ay hindi ko din nagamit dahil hindi ako sumipot. Paano kung maulit iyon ulit. I know it's irrational to even think of that. Pero hindi ko lang maiwasang isipin.



"Oh di pumili ka na lang muna ng iba pa. Kung wala ng mas maganda dyan. Yan na lang kunin mo. Tutal andito na lahat ng magagandang wedding gown." Sagot niya. Tumango naman ako sa kanya.



"Ito, ayaw mo?" Napatingin ako sa direksyon ni Sab noong magsalita siya. Hawak niya ang isang see through na gown. Long sleeves iyon na may maliliit na crystal. Dati mahilig ako sa ganoong style pero habang tumatanda ay nag iiba din pala talaga ang gusto ng isang tao.


"Ayaw ko nyan. Gusto ko ng bagong style. Napagsawaan ko na yang ganyang style dati." Masungit komg sagot. Napanganga na lamang sila sa sagot ko.





"Oh di wow. Parang nagtatanong lang, magsusungit agad te? Nako, nako. Kung di ka lang ikakasal, pinasagasa na kita sa daan." Saad ni Sab. Inirapan ko na lamang siya sabay pili ulit ng mga gown. Sa gilid ng mga mata ko ay alam kong nagkatinginan silang lahat. Puno ng pagtataka sa kanila dahil sa inasal ko. Ewan ko din ba. Masyadong mainitin na ang ulo ko simula noong mapanaginipan ko ang bagay na yun noon.



"Ang sungit niya. Baka malapit ng magmenopause." Bubulong bulong ni Sab, naririnig ko naman.



"Ikaw talaga Sab. Kung anu anong pinagsasabi mo. Hayaan mo na. Baka tense lang kasi malapit na ang kasal niya. Ito talaga." Natatawang sagot naman ni Angela.


"Oh eto. Ayaw mo ba?" Biglang singit ni Ashley na hindi na nakikinig sa usapan nila Sab. Napatingin ako sa hawak niyang gown.



"Mas lalong ayaw ko niyan, I hate yellow." Mas nainis pa ako sa pinili niyang kulay naman.


"Diba favorite mong kulay ito dati?" Nagtatakang tanong nila sa akin.

"At kelan ko pa naging paborito ang yellow aber?" Nakakunot noo kong tanong.

"Ah baka nag iba na ng taste, lahat ng past kinalimutan na din." Tawang tawang sabi ni Sabrina. Hindi ko na pinansin dahil walang kwenta ang nga sinasabi niya. Tumawa din sila Ash. Napahinto ako sa pagpipili noong makita ko ang hinahanap ng mga mata ko. Kinuha ko iyon at mabilis na nagtungo sa salamin. Napangiti ako at nagtungo sa fitting room. Naiwan silang nakamasid lang sa ginagawa ko. Pagkatapos kong palitan at maisuot ang gusto kong damit ay lumabas na ako para ipakita iyon sa kanila. Simple lang ang gown pero eleganteng tignan.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Before there was we (Completed)Where stories live. Discover now