30

6.1K 135 1
                                    

I promised.



Napahinto ako sa pagsusulat noong mapatingin ako sa singsing sa daliri ko. Napangiti ako ng malapad at hinawakan iyon at sumandal sa headrest ng swivel chair. I can't believe that after all the pain. Kami pa din pala talaga sa huli. My pain is worth it. My suffering is worth it. My love for him is worth it. Napapikit ako habang nilalaro ang singsing sa daliri ko at muling inalala lahat ng nangyari sa aming dalawa. From the day we became an item to the night he proposed to me sa concert.



"Hello? Why'd you call?" I asked irritatedly when I answered his phone call.

"Woah. Aga mo namang magsungit. Andito ako sa labas ng bahay ninyo. Sinusundo kita." He said cooly. Kumunot lalo ang noo ko habang bumababa ng hagdan.






"And why will you do that? Go home!" Inis kong sagot sa kanya.



"Oh. Your daughter is here. Kain na Eunice." Napatingin ako sa may dining area noong magsalita si mama. Andoon na silang dalawa ni papa. Nakahawak si papa ng newspaper at napatingin sa akin. Si mama naman ay may hawak na tinapay. Mukhang nilalagyan niya iyon ng strawberry jam. Hawak ko pa din ang phone ko noong tinawag niya ako.




"I need to go to the office ma. Doon na lang ako kakain. May kailangan pa akong tapusin." Paalam ko noong makalapit na ako sa kanila para mahalikan silang dalawa.




"You should eat. Pumapayat ka anak." Nag-aalalang sabi ni mama sa akin.





"Hindi ka kumakain ng umagahan?" Biglang nagsalita ang kausap ko sa phone.



"Pake mo?" Sagot ko na ikinagulat nina mama. Pinanlakihan pa ako ng mga mata ng dalawa. "I'm talking to Adam, ma, pa." Paliwanag ko dahilan upang magliwanag ang mga mukha nila. Gusto talaga nila ang lalakeng ito. "I need to go, ma, pa. Nasa labas na ang hudas." Paalam ko sa kanila na ikinatawa nila. Lumabas na ako habang kausap pa din siya sa phone. Paglabas ko sa gate ay nakita ko na agad si Adam na nakakunot noo habang hawak din ang phone. Nakasandal siya sa may hood ng kotse niya at nakapamulsa ang isang kamay niya. "Umalis ka na. May dala akong sasakyan." Pang iinis ko kaya lalong kumunot ang noo niya at napatingin sa gate kung nasaan ako. Pinatayan niya ako at naglakad palapit sa akin.

"Ihahatid kita. Tara na." Matalim niyang sagot at hinawakan na ako sa braso.



"Ayaw ko nga. May sasakyan naman ak..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko noong bigla na lamang siyang humarap sa akin at sinakop ang labi ko.



"Shut your mouth dahil hahalikan kita kapag tumutol ka pa. Tara na." Bulong niya sa akin pagkatapos niya akong halikan. Parang tuod akong nagpatangay sa kanya. I think, I just lost myself when he kissed me. Hindi na ako umimik hanggang makarating kami sa parking lot ng kumpanya. Tahimik din akong nagtanggal ng seatbelt. Napabuntunghininga naman siyang lumabas. Mabilis kong binuksan ang pintuan ng sasakyan at naglakad pero nahapit niya ako sa bewang.



"Salamat. Umuwi ka na. I can take it from here." Malamig kong utos pero hindi ako makatingin sa kanya. Iniangat niya ang mukha ko at tinitigang mabuti.





"Why are you so cold to me? How can I make this relationship work if you won't cooperate? We're officially dating for 2 months now but you're still distant. Eunice, try to at least gamble with me. I promise, it will be worth it. I like you so much." Natameme ako sa sinabi niya. Yumuko siya at hinalikan ulit ako sa labi. Masuyo iyon at tila naghahanap ng tugon. Tutugunin ko na sana siya noong humiwalay naman siya bigla at ipatong ang noo niya sa noo ko. "I will wait until this will beat for me." Biglang sabi niya sabay turo sa dibdib ko kung nasaan ang puso ko. I gasped and was about to scold him pero mabilis na siyang lumayo sa akin at sumakay sa kotse niya. He even had the guts to wave at me and winked.

Before there was we (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang