25

4.8K 141 1
                                    

Leave her.



"Thank you all for coming here tonight. Sa totoo lang, hanggang ngayon ay hindi pa din po ako makapaniwala na business partner na namin ang isa sa mga pinakakilalang kumpanya hindi lamang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Mr. Delgado, thank you for choosing FCC to be one of your partners. Thank you." Paulit ulit na pasasalamat ni papa kay Timothy. Tim smiled and raised his wine glass kay papa bago nangingiting ininom iyon. I smiled too while looking at him with adoration. "And of course, this wouldn't be made possible without my daughter, Eunice, come up here anak." Tawag ni papa sa akin kaya napatingin ako sa stage. Napatingin ako kay Adam na ngayon ay parang may malalim na iniisip. Pinisil ko ang kamay niya dahilan upang mapatingin siya sa akin.




"Are you alright?" Taka kong tanong sa kanya. Tumango lamang siya sa akin. Binalewala ko na lang at nagpaalam na sa kanyang pupunta ako sa stage. Tumango siyang muli pero hindi na nagsalita. Tinaasan ko na lang siya ng kilay bago ngumiting kumaway sa mga bisita. Niyakap ako ni papa pagkarating ko sa stage. He gave me the spotlight so wala akong choice kundi magsalita.







"Uh. First of all, I want to thank you all for coming here tonight. Importante po ang gabing ito dahil ito po ang gabi kung saan kasama na namin ang isa sa pinakakilalang kumpanya dito at sa labas ng bansa. I want to thank Mr. Delgado for choosing FCC. You are a blessings to us. Thank you. I'm really excited to work with one of the best. I'll be seeing you Timothy, more often, kaya sana hindi ka magsawa sa mukha ko." I chuckled. Natawa naman ang mga bisita well of course maliban sa kanina pang bugnuting si Adam. "The floor is yours, Tim. Please come on the stage." Nakangiti kong pagtawag sa kanya. Nagpalakpakan naman ang mga tao at nagsitayuan para magbigay respeto sa kanya. Ibinutones niya ang suit at tumayo. He smiled and wave at the guests habang papunta siya sa stage. Hinintay namin siya ni papa. Nakangiti siyang nakipagbeso sa amin bago kinuha ang mikropono at nagsalita. Nagkamot siya ng ulo. Napatingin ako sa buong paligid. They were listening to every word he says. Wow. Ang tahimik, sana kung hindi lang may biglang nabasag.




"And as we...." Maging si Tim ay natigil sa pagsasalita. Lahat kami ay napatingin doon. Nanlaki ang mga mata ko noong maunawaang nagbasag ng baso si Adam. Nakayuko siya at kuyom na kuyom ang mga kamay. Nanlaki ang mga mata ko noong makitang may basag pang baso sa kamay niya. Bababa na sana ako noong bigla siyang umalis. May mga nagbulungan pero hindi ko na pinansin. Sinundan ko siya hanggang sa makalabas na kami. Hinawakan ko siya sa braso kaya napatigil siya. Tinagilid niya ang kanyang ulo pero hindi niya ako hinarap. Nakakuyom ang isang kamao niya.






"What the hell is happening to you?" Kunot noo kong tanong. Suminghap siya at nagsalita.





"I don't know! You tell me." Pabalik niyang sabi. Napabuntunghininga na lang ako at tiniis ang inis ko.






"Bakit ka ba nagkakaganyan? Makicooperate ka naman. Importante ang okasyong ito sa kumpanya namin. You should have controlled your temper." Mahinahong sabi ko sa kanya dahilan para harapin niya ako. Napaatras naman ako sa gulat. Nangitim ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.






"Tell me how can I cooperate when I always see you looking at that guy with total adoration! Tang ina! Manhid ka ba talaga?! Andito ako sa tabi mo all the time pero sa kanya nakatuon ang buong atensyon mo! Now you tell me, paano ako makikisama huh? Tang ina talaga." Mura niya pa sa huli.





"So kaya ka nagkakaganyan?! Diyosko naman Adam! Stop acting like a child.!" Naiinis ko ng sambit. Nagpupuyos naman siya sa galit. Kumunot ang noo niya at nakasara ang mga kamao niya.









"Fuck! I am jealous, alright?! Kanina ko pa sinasabing nagseselos ako sa kanya! Gusto ko sa akin lang ang atensyon mo, Eunice. Sa.akin.lang!" Madiin niyang sagot. Itinikom ko na lang ang bibig ko at tinalikuran siya. Damn it. I can't take another lie. Damn. Adam. Stop it.! Akmang aalis na sana ako noong bigla niya akong hinawakan sa braso. "Where are you going?! Nag-uusap pa tayo!" Galit niyang sabi.






"Bitawan mo ako. Wala tayong dapat pag usapan. Ilugar mo yang pagseselos mo Adam. I'm doing this for the company, not for something else." Mahinahong sagot ko.








"I don't believe you. I knew what I saw! You adore that boy! You like him! Kaya siguro hindi mo masabing mahal mo ako!" Parang batang sumbong niya.






"What the hell 'Dam?!" Hindi makapaniwalang bulyaw ko sa kanya. Sumimangot siya sa akin at ginulo ang buhok niya.





"Nababaliw na ako kakaisip kung bakit ka biglang nanlamig sa akin! Akala mo ba hindi ko nararamdaman iyon. Please naman, Eunice, baby, pag usapan natin toh. May nasabi ba akong hindi maganda? May kasalanan ba akong nagawa? Please tell me. Tell me, kasi nababaliw na talaga ako kakaisip. Mahal na mahak kita, Eunice. And I am jealous with the attention you're giving to that guy." Nasasaktan niyang sabi. Kumuyom ang kamay ko. Pinigilan ko ang sarili kong sampalin siya! How can he act so naturally?







"Walang namamagitan sa amin ni Timothy. He's my business partner. Yun lang. Wala kang dapat ipagselos. At huwag ka ngang praning. I was just busy for the past three months. Yun lang yun." Mahinahon kong sabi.







"Layuan mo na siya please?" Yakap ni Adam habang sinasabi iyon. Napabuntunghininga naman ako bago siya sinagot.







"I can only do that, in one condition." Napakalas ng yakal si Adam at kunot noong hinintay ang sasabihin ko.







"Leave her." Lalong kumunot ang noo niya sa sinabi ko.







"Sino.?" Parang takang taka pa niyang tanong.







"Leave Tamara. If you can do that, then I will avoid Timothy. But if you can't leave that girl, then I'm sorry, I can't grant your wish." Seryosong saad ko bago siya iniwan doon na tulala. Yes, baby, I know you are still having an affair with that slut. And I know your plans. But I am better than you. Far better than you.

Before there was we (Completed)Where stories live. Discover now