15

5K 130 1
                                    

Kissing another girl


Napatingin ako ng magbukas ang pintuan ng condo ni Adam. Sumilay agad ang ngiti sa labi ko ng makitang masayang magkasama ang mag ama ko. Buhat buhat ni Adam si Greg. May hawak na bagong laruan ito dahil kagagaling lamang nilang mamasyal na dalawa. Hindi na ako sumama dahil sa pinili kong maglinis dito sa condo niya. Pawis na pawis pa ako kaya naman nanatili lamang ako sa may tabi malapit sa kusina.


"Pakipasok na lang ang ibang laruan niya sa kwarto niya." Utos ni Adam sa dalawang lalakeng nasa kanyang likuran. Tsaka ko lang napansin na may tao pala sa likuran niya ng magsalita siya. Ibinaba niya na si Greg bago lumuhod para magpantay silang dalawa. Halos maluha ako ng makitang pareho silang nakangiti habang nakatitig sa isa't isa. "Son, lead them to your room so they can put your toys okay?" Utos niya sa anak namin. Nakahawak siya sa magkabilang balikat ni Greg.



"Okay po daddy." Nagagalak naman na sumunod sa utos si Greg. Hinalikan naman ni Adam sa noo ang bata. "Dito po ang room ko pooo!" Nagtatakbong tinuturo ni Greg ang kwarto niya sa dalawang may bitbit ng mga laruan niya.






"This is for you." Nabaling ang atensyon ko ng biglang nagsalita sa harapan ko. Napamaang ang labi ko dahil sa ngayon ko lang napansing nakalapit at nakita na niya pala ako. Napatingin ako sa iniaabot niyang paperbag.



"Sa.Uhmm. Salamat. Pero para saan ito?" Nautal pa ako kanina kaya napatikhim ako bago maayos na nagtanong at tinanggap ang ibinibigay niya sa akin. Ibinulsa naman niya ang mga kamay niya sa kanyang pantalon bago ako malamig na sinagot.




"Use that tonight. Ipapakilala ko sa mundo ang anak ko mamayang gabi. He deserves to be known. Mag ayos ka. Aalis tayo mamayang mga alas sais." Diretsahang sagot niya bago inalis sa bulsa ang isang kamay para tignan ang kanyang relo. "You still have 2 hours to prepare. Ako na ang bahala kay Greg." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay siya namang paglabas ng dalawang lalake kaya napatagilid ang ulo niya pero hindi pa sila tuluyang hinarap ni Adam. "You can leave now. Thank you." Yumuko bahagya ang dalawa bago tahimik lamang na umalis. Tumingin ulit sa akin si Adam at pasimpleng nihead to foot ako kaya nailang ako.






"Uh. Sige. Maliligo lang ako. Katatapos ko lang kasi maglinis. Sige." Mabilis ko siyang tinalikuran at pumasok na sa kwarto. Napakagat labi ako dahil sa kaba. Napahawak pa ako sa aking dibdib at huminga ng malalim. Nang maibalik ko ang sarili kong kondisyon ay napatingin agad ako sa hawak kong paperbag. Pumunta ako sa kama at inilabas doon ang laman ng paperbag. Agad akong napangiwi sa bigay ni Adam na gown sa akin. See through iyon na black. Backless at medyo daring. Umiling iling na lamang ako bago inilabas ang isang box kasama ng gown sa paperbag. Isang silver strap heels na 5 inches iyon. Kung ako pa rin ang dating Eunice ay walang wala lang sa akin ang paggamit sa mga ganito pero dahil binago ako ng panahon ay hindi na ako sigurado kung kumportable pa ba ako sa pagsuot sa mga ganitong klaseng mga gamit. "Kaya mo ito Eunice. Para sa mag ama mo." Pagpapagaan ko sa aking sarili. Inayos ko muna doon sa kama ang binigay ni Adam at nagmadaling naligo. At nang matapos maligo, ay isinuot ko ang roba at inilagay na din sa aking ulo ang twalya para mabilis matuyo ang buhok ko. Pagkalabas ko ng banyo ay agad na tumambad ang likod ni Adam mula sa closet. Napatingin ako sa katawan niya. Nakatapis ang twalya niya sa bandang bewang at wala siyang pantaas kaya kitang kita ko ang pagflex ng kanyang magkabilaang braso habang pumipili ng isusuot. Napagtanto kong naligo siya sa kabilang banyo dahil basa ang buhok niya at sa klase ng ayos niya. Natigil siya sa ginagawa ng maramdamang may nakatingin sa kanya kaya naman bago pa niya malamang palihim ko siyang tinitigan mula sa likod ay mabilis na akong nag iwas ng tingin at nagtungo sa may lamesa kung saan nakalagay ang bag ko. Inilabas ko ang mga gagamitin kong make up. Nang masiguradong nasa akin na lahat ay tahimik akong nagpunta sa may salamin sa may gilid. Umupo ako sa may upuan at inilagay sa lamesa ng salamin ang mga gamit ko. Sa gilid ng aking mata ay kitang kita kong nakasuot na siya ng suit. Inabala ko naman ang sarili ko sa pag aayos at nang matapos ay tumayo na ako at kinuha sa kama ang gown. Napatingin naman ako kay Adam at nagkagulatan pa kami dahil sa pareho kaming napatingin sa isa't isa. Siya na ang naunang nag iwas ng tingin at pumunta sa malaking salamin doon sa closet para iayos ang napili niyang neck tie. Napabuntunghininga ako ng makitang naiinis na siya dahil sa hindi niya maayos ayos ang tie niya kaya naman nilapitan ko na siya.

Before there was we (Completed)Where stories live. Discover now