34: Childhood Friends

702 15 0
                                    

"Hindi mo masasaktan si Eizen!" Biglang sigaw ni Annia na tumalim ang tingin kay Neji.

Pero tinawanan lang naman sya ng huli.

"Nagagalit ka na naman Anna Maria.. Hahahaha.. Bakit? Mas gusto mo bang ikaw na ang pumatay sa kanya? Tsk. Tsk. Maawa ka naman sa kanya Annia.. Sinira mo na nga yung buhay nya.. Papatayin pa sya ng babaeng mahal na mahal nya.."

Hindi naman nakapagpigil pa doon si Annia at sinugod na nya si Neji. Pero dahil mas malakas sa kanya ang huli ay nahawakan lang ulit nito ang mga kamay nya.

"Makinig ka sakin Annia.. Tatapusin ko na ang mga paghihirap mo.. Ako lang ang kailangan mo.. Ako lang.. Hindi mo na kailangan pa si Eizen.. Hindi natin sya kailangan!"

"Kailangan ko sya! Mahal ko si Eizen! Nababaliw ka na rin Lalan!"

"Sayo lang ako nababaliw Annia! Sayo lang!" Hahalikan pa sana ni Neji si Annia pero nagpumiglas naman ito. Medyo nauwi tuloy sa suntukan at pigilan ang eksena nila. Pero syempre, si Annia ang sumusuntok at pinipigilan lang sya ni Neji na gusto syang mahalikan.

Sa ganoong eksena sila naabutan ni Eizen na nagulat at hindi makapaniwala sa nakikita. Parang nagdilim pa ang paningin nya ng makita nyang sinampal ni Neji si Annia.

"Ako dapat ang kasama mo! Ako dapat ang mahal mo! Hindi si Jelan! Hindi si Eizen!" Sigaw pa ni Neji na sasaktan pa sana ulit si Annia. Kung hindi lang kagad pumagitna si Eizen na may hawak ng bote na nakuha nya sa mesa sa labas ng kwartong iyon.

Parehong natigilan sina Annia at Neji sa biglang pagdating ni Eizen na galit na galit. At nagulat pa sila ng ihampas nito ang hawak na bote sa ulo ni Neji.

"E-eizen.." Hindi makapaniwalang nasabi na lang ni Annia.

"Walanghiya ka. Ipinagkatiwala ko sayo si Annia pero sasaktan mo rin pala sya. Magbabayad ka rin sakin ngayon Nejiara!" Sabay saksak pa ni Eizen ng basag na boteng hawak nya kay Neji na hindi man lang nanlaban.

Natigilan naman doon si Annia at hindi siya makapaniwala sa nakikita. Galit na galit talaga si Eizen at paulit-ulit nyang minumura si Neji habang sinasaksak.

"Mamatay ka ng gago ka! Magsama-sama kayo nina Jelan sa impyerno! Tangina nyo! Tigilan nyo na kami ni Annia!"

Unti-unti namang nagpatakan ulit ang mga luha ni Annia ng may mga alaalang biglang pumasok sa isip nya.

"Ako si Zeno.. Mas matanda ako sa inyo kaya dapat tatawagin nyo kong kuya.. At dahil simula ngayon.. Ako na ang kuya nyo.. Wala na kayong dapat ipag-alala.. Dahil ako ng bahala sa inyo.. Ako na ang magpoprotekta sa inyo para di kayo awayin ng iba pang mga bata dito.. Pangako yon.. Tandaan nyo.. Pangako ni Kuya Zeno.."

"K-kuya Zeno.. T-tama na.." Halos pabulong na yung pagkakasabi non ni Annia dahil hindi niya rin alam kung paano pa nya pipigilan o lalapitan si Eizen.

"K-kuya Z-zeno.." Nasabi na lang ni Neji bago sya napaubo ng dugo.

Doon naman napahinto sa pagsaksak si Eizen kay Neji at parang naestatwa ito ng marinig niya iyon.

Bahagya pang ngumiti si Neji bago nito hinawakan ang kamay ni Eizen na nakasaksak pa rin ang hawak na bote sa tagiliran nya.

"N-nangako ka.." Pinipilit pang ngumiti ni Neji habang nakatingin kay Eizen na naguguluhan sa kanya. "S-sabi mo.. I-ikaw ang.. Poprotekta samin.. Ni Mari.. Pero nawala ka.. Iniwan mo kami.. Pinabayaan mo lang kami.."

"A-anong sinasabi mo? Tumigil ka! Hindi mo ko maloloko!" At bago pa masaksak ulit ni Eizen si Neji ay itinulak na sya palayo ni Annia sa huli.

"Tama na Zeno! Tama na! Sya si Lalan! Tigilan mo na yan.." Napaupo na lang si Annia at napahagulhol ng iyak.

Bumagsak naman si Neji sa sahig ng mabitawan sya ni Eizen na hindi pa rin naiintindihan ang lahat.

"Sya si Lalan.. Sinabi na nya sakin ang lahat.. Niloko ka lang din ni Jelan.." Sabay tingin pa ni Annia kay Eizen na paiyak na rin at hindi pa rin makapaniwala. "K-kuya Zeno.."

Nabitawan naman doon ni Eizen yung hawak nyang basag na bote at habang nakatingin sya sa umiiyak na si Annia ay parang nakikita nya ang umiiyak na Mari at tinatawag sya.

"Kuya Zeno.. Inaaway nila si Lalan.. Tulungan mo po sya.."

Napatingin naman sya bigla kay Neji na nakatingin rin sa kanya habang lumuluha.

"K-kuya Z-zeno.. P-patawarin nyo ko.. Ni.. M-mari.." Yon na lang ang huling nasabi ni Neji bago sya pumikit at tuluyang ng binawian ng buhay.

"Hindi.. Hindi to totoo.. Hindi to totoo.." Unti-unti na ring napaluha doon si Eizen bago nya tiningnan si Annia na lumapit kay Neji.

"Lalan.." Hinawakan pa ni Annia ang isang kamay nito. At mas napaiyak na lang sya ng maramdamang wala na talaga tong pulso.

Napaluhod na lang si Eizen at mas napaiyak na lang. Hindi sya makapaniwala sa mga nangyari.. Sa mga nagawa nya.. Pero narealize din naman nyang wala ring pinagkaiba yung ginawa nyang pagpatay kay Neji kahit na ito pa nga ang tunay na si Lalan dahil pinatay na rin naman nya si Jelan. Pero parang hindi nya pa rin iyon matanggap..

"Annia.." Lalapitan sana ni Eizen si Annia na nakaluhod pa rin sa tabi ni Neji pero nilingon naman sya nito ng may matalim na titig. Napahinto tuloy ang kamay nya sa ere.

"Bakit mo sya kailangang patayin? Hindi mo sya dapat pinatay! Kailangan nya tayo Kuya Zeno! Hindi mo sya dapat sinaktan!"

Natigilan naman doon si Eizen at sa sobrang gulo ng isip nya, umalis na lang sya kagad sa lugar na iyon. Lumayo na lang muna sya kay Annia.

Tumakbo sya palayo sa lugar na iyon kahit nanlalabo ang paningin nya ng dahil sa luha.

Tapos na. Masaya na sila dapat ni Annia.. Wala na dapat silang poproblemahin pa pero.. Sobrang bigat ng pakiramdam nya..

Sa katatakbo nya tuloy, nakarating sya sa Regery Forest.. Kung saan naging tambayan rin nila noon.

Napahinto lang sya sa pagtakbo ng makarating sya sa isang malaki at lumang swimming pool doon. Parang mas nasaktan lang sya ng makita nya pa ang sarili niya doon.. Masaya at nakikipaglokohan sa mga kabarkada nya.

Napatakbo na lang sya ulit at nagtungo sa isang kwarto doon bago naupo sa isang sulok at doon umiyak ng umiyak.

Kailangan nya ng kausap.. Gusto nya ng makakausap na pwede nyang pagsabihan ng lahat dahil pakiramdam nya'y parang sasabog na sya sa sobrang sakit.

Kinuha nya yung cellphone nya pero napahinto rin sya sa pagdadial ng marealize nyang wala na ngapala syang matatawagan. Wala na lahat ng mga kaibigan nya.

Mas napaiyak na lang sya doon hanggang sa aksidente nyang napindot ang email app nya.

1 email message received:
Jelan

Napakunot naman sya doon at dala ng curiosity ay binuksan na rin nya kagad yung message.

"Jelan.."

Anna Maria ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon